You are on page 1of 31

Magandang

Araw!
BALIK –ARAL:

Tungkol ang pinag-aralan


ninyo sa nakaraang
pagtatalakay?
Ito ay patungkol sa pagbibigay ng
panuto o direksyon.

Ano ang natutuhan ninyo sa


pagbibigay ng panuto.

Magbigay ng halimbawa nito?


Pamantayan sa panonood:

1. Umupo nang maayos.


2. Unawain ang pinapanood.
3. Tandaan ang mahahalagang detalye.
4. Unawain ang mensaheng nais ipabatid
ng pinapanood.
Mga Tanong:
1. Ang inyong napanood ay ilan lamang
sa halimbawa ng?
2. Ano ang produkto sa patalastas ang
iyong napanood?
3. Ano ang naisip niyo nang matapos
niyong panoorin ang dalawang
patalastas?
4. Batay sa inyong napanood na patalastas,
nahikayat ba kayong tangkilin ang kanilang
produkto?
5. Ano ang pagkakaiba at pagkakaparehas
ng dalawang patalastas?
Paghambingin ang dalawang patalastas sa pamamagitan
pagsusulat nang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga ito.

Patalastas 1 Pagkakatulad Patalastas 2


Ang patalastas ay isang paraan ng
pag-aanunsyo ng produkto o serbisyo
sa pamamagitan ng iba’t ibang anyo
ng komunikasyong pang madla ito
man ay positibo o negatibo
Iba’t-ibang uri ng
pangungusap na maaring
gamitin sa pagsulat ng isang
patalastas.
Paturol o Pasalaysay – ito ang
pangungusap na nagsasalaysay o
nagbibigay ng impormasyon.
Nagtatapos ito sa tuldok.
Halimbawa: Ang Ped-C ay hindi
gamot at hindi maaring gamitin sa
anumang uri ng sakit.
Patanong – ito ang
pangungusap na nagtatanong.
Nagtatapos ito sa tandang
pananong.
Halimbawa: Hanap mo rin ba
ay sulit at abot kayang presyo?
Pautos – ito ang pangungusap na nag-
uutos. Tinatawag itong pakiusap kung
nakikiusap. Nagtatapos din ito sa tuldok.
May kasamang paki- o kung maaari ang
nakikiusap na pangungusap.
Halimbawa: Pautos: Maligo ka araw-
araw gamit ang shampoo na ito.
Pakiusap: Paki dala mo ang
soapguard na sabon sa banyo.Kung
maaari, mag-ipon ka ng tubig.
Padamdam – ito ay pangungusap
na nagsasaad ng matinding
damdamin. Nagtatapos ito sa
tandang padamdam (!).
Halimbawa:
“Mommy! Mommy!” ang sigaw ng bata.

Bida and sarap!


Bida and saya!
Masdan ang bawat
pangungusap,tukuyin kong ito’y
Paturol o Pasalaysay,
Patanong,Pautos,Pakiusap, at
Padamdam.
1. Masarap ang fries at burger sa Jollibee
at McDonald.
2. Nasaan na kaya si Jason?
3. Ano pa ang hinihintay mo?
4. Pakihanap nga mo ang lugar na ating
pinag-usapan.
5. Ang shampoo na ito ay hindi nakaiirita
sa mata.
6. Langhap Sarap!
PANGKATANG GAWAIN
Bumuo ng patalastas sa
pagpapakilala ng mga produktong
nasa larawan gamit ang iba’t
ibang uri ng pangungusap.
UNANG PANGKAT
PRODUKTO: FACESHIELD
IKALAWANG PANGKAT
PRODUKTO: FACEMASK
IKATLONG PANGKAT
PRODUKTO: ALCOHOL
Rubrics
DESKRIPSIYON PUNTOS

Kooperasyon 5
Maayos at nakakatawag 10
pansin ang pagsasadula.

Malakas ang dating sa 5


manunuod
Kabuuan 20
Sa pagbuo ng patalastas, maaaring
gumamit ng iba’t ibang uri ng
pangungusap upang ito ay maging
kaakit-akit.
Natatandaan nyo ba ang
iba’t ibang uri ng pangungusap?
Anu-ano ang mga ito?
Ano sa palagay mo ang mga layunin ng
mga manunulat ng patalastas para sa
mamimili?

Mahalaga bang suriin muna ang


produktong nais tangkilin? Bakit?
• Katulad ng nasa larawan,
gumawa ng iyong sariling
patalastas sa isang flyer o
banner.
• Maaaring gumamit ng
kahit anong produkto na
nais mo.
• Gumamit ng isa o
dalawang halimbawa mula
sa iba’t ibang uri ng
pangungusap.
Takdang-Aralin
Sa inyong telebisyon ay manood
ng ilang mga patalastas at isulat
sa kwaderno ang mga iba’t ibang
linya na inyong narinig at
napanood. Gamitin ang iba’t
ibang uri ng pangungusap sa
pagsulat.

You might also like