You are on page 1of 8

Ang Mabisang Pagpapahayag

May dalawang sangkap ng pagpapahayag


Ito ay ang (a)nilalaman at (b) pananalita.
Sinasabing may nilalaman ang isang pahayag
kung may pahatid na mensahe, may mahalagang
imposmasyon, may kaalamang
mapakikinabangan, kapulutan ng magandang
halimbawa at makalilibang.
Mga Maaring pagkukunan ng nilalaman
1. Karanasan- Ang karanasan ng isang tao ay
hindi lang naganap sa kanyang buhay kundi kung
ano ang kanyang ginawa upang siya’y
magtagumpay.
2. Pakikipanayam- ito yung makikipanayam ka
sa ibang tao sa pamamagitan ng pagtanong ng
mga kaalamang kinakailangan, maging magalang
sa taong kinakapanayam.
3. Pagbabasa- maraming maidaragdag ng
kaalaman sa taong laging nagbabasa. Mga
pahayagan, magasin, mga aklat na sadyang
isinulat ng dalubhasa, ensayklopedya, lathalain
ay mga babasahing maaari kang makatipon ng
maraming kabatiran tungkol sa karanasan ng iba.
Kalinawan, Kapamigatan at kagandahan ng
pananalita ang mga simulain ng pahpapahayag

1. Kalinawan- ay isang pahayag kung itoy


madaling maunawaan; Gumamit ng mga salitang
may tiyak na kahulugan nang hindi
mapagkamalan.
2. Kapamigatan- Ipinapalagay na mabigat ang
isang pahayag kung may sumusunod na
katangian:
* Ang pinanggalingan ay isang dalubhasa o may
dalubhasa sa paksa.
3. Kagandahan- kaakit-akit na pagtutugma ng
mga kahulugang ipinapahayag at tunog ng mga
salita.
Mga Dapat isaalang-alang upang maging
epektibo ang pagpapahayag
1. Kaisahan- Ang pangkat ng mga pangungusap
ay umiikot sa isang pangkalahatang ideya , may
isang paksang pangungusap na nagsisilbing
gabay sa pagbuo ng mga susuportang
pangungusap.
2. Kaugnayan- Dapat na magkaugnay ang mga
pangungusap upang magpatuloy ang daloy ng
diwa mula sa simula hanggang wakas.
3. Pagbibigay-diin- Ang pangunahing layunin ng
bigyang-ddin ay maalis ang mga walang saysay.

You might also like