You are on page 1of 13

Batayang Kaalaman sa

Mapanuring Pagbasa
Aralin 1

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Eldon D. Hernandez
Guro
Layunin ng Talakayan

• Matukoy ang kahalagahan at kahulugan ng pagbasa


• Makilala ang pagkakaiba ng intensibo at ekstensibong Pagbasa
• Malaman ang kahulugan at gamit ng scanning at skimming sa
pagbasa
• Matukoy ang antas ng pagbasa
Daloy ng Talakayan

• Kahalagahan at Kahulugan ng Pagbasa


• Intensibo at Ekstensibong Pagbasa
• Scanning at Skimming sa Pagbasa
• Antas ng Pagbasa
Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa

“Huwag kang magbasa, gaya


ng mga bata, upang libangin
ang sarili, o gaya ng mga
matatayog ang pangarap,
upang matuto. Magbasa ka
upang mabuhay.”
Gustave Flaubert
Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa
Ayon kina Anderson et al. (1985), sa aklat na Becoming a
Nation of Readers, ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng
kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto. Ito ay isang kompleks na
kasanayan na nangangailangan ng koordinasyon ng iba’t iba at
magkakaugnay na pinagmumulan ng impormasyon
Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa
Ayon kina Wixson et al. (1987) sa artikulong “New Directions in
Statewide Reading Assessment” ang pagbasa ay isang proseso ng
pagbuo ng kahulugan sa pamamagitan ng interaksiyon ng:
1) imbak o umiiral nang kaalaman ng mambabasa;
2) impormasyong ibinibigay ng tekstong binabasa; at
3) konteksto ng kalagayan o sitwasyon sa pagbabasa.
Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa
• Ang pagbasa ay isang kompleks na kognitibong
proseso ng pagtuklas sa kahulugan ng bawat simbolo
upang makakuha at makabuo ng kahulugan.
Intensibo at Ekstensibong Pagbasa
Intensibo Ekstensibo
• Kinapapalooban ng malalimang pagsusuri • Ayon kina Long at Richards (1987), nagaganap
sa pagkakaugnay-ugnay, estruktura, at uri ang ekstensibong pagbabasa kapag ang isang
ng diskurso sa loob ng teksto, pagtukoy sa mambabasa ay nagbabasa ng maramihang
mahahalagang bokabularyong ginamit ng babasahin na ayon sa kaniyang interes, mga
babasahing kadalasang hindi kahingian sa loob
manunulat, at paulit-ulit at maingat na
ng klase o itinatakda sa anomang asignatura.
paghahanap ng kahulugan.
• Kadalasan, ang layunin ng mambabasa sa
• Sa ganitong uri ng pagbasa, nakatutulong ganitong uri ng pagbasa ay upang makuha
ang pagbabalangkas o paggawa ng lamang ang “gist” o pinaka-esensya at
larawang konseptuwal upang lubos na kahulugan ng binasa na hindi pinagtutuunan
maunawaan ng mag-aaral ang isang ng pansin ang mga salitang malabo o hindi
teksto. alam ang kahulugan.
Scanning at Skimming sa Pagbasa
Scanning Skimming
• Mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang • Mabilisang pagbasa na ang layunin ay
pokus ay hanapin ang ispesipikong impormasyon alamin ang kahulugan ng kabuuang teksto,
na itinatakda bago bumasa. Kinapapalooban ito kung paano inorganisa ang mga ideya o
ng bilis at talas ng mata sa paghahanap
kabuuang diskurso ng teksto at kung ano
hanggang sa makita ng mambabasa ang tiyak na
kinakailangang impormasyon.
ang pananaw at layunin ng manunulat.
• Kung ang kahingian ay alalahanin ang pangalan, • Mas kompleks ang skimming kaysa
petsa, simbolo, larawan, o tiyak na sipi na scanning dahil nangangailangan ito ng
makatutulong sa iyo, scanning ang angkop na mabilisang paraan ng organisasyon at pag-
paraan ng pagbasa na dapat gamitin. Ibig alaala sa panig ng mambabasa upang
sabihin, may paunang pag-alam o pagkaunawa maunawaan ang kabuuang teksto at hindi
na sa hinahanap na impormasyon at ang layunin lamang upang matagpuan ang isang tiyak
ay matiyak ang katumpakan nito na makikita sa na impormasyon sa loob nito.
mga libro o iba pang sanggunian.
Antas ng Pagbasa
Primarya • Ito ang pinakamababang antas ng pagbasa at
pantulong upang makamit ang literasi sa
pagbasa. Kinapapalooban lamang ng
pagtukoy sa tiyak na datos at ispesipikong
Mapagsiyasat impormasyon gaya ng petsa, setting, lugar, o
mga tauhan sa isang teksto.
• Itinuturing na magkakahiwalay ang mga
impormasyong ito, na mahirap para sa
Analitikal bagong mambabasa upang makabuo ng
kabuuang hinuha at pag-unawa sa teksto.
• Nauunawaan lamang ang hiwa-hiwalay na
impormasyon sa literal na antas at hindi
Sintopikal nakabubuo ng interpretasyon mula sa
pagkakaugnay-ugnay ng mga nito
Antas ng Pagbasa
Primarya • Sa antas na ito, nauunawaan na ng mambabasa
ang kabuuang teksto at nakapagbibigay ng mga
hinuha o impresyon tungkol dito.
• Sa pamamagitan nito, nakapagbibigay ng
Mapagsiyasat mabilisan ngunit makabuluhang paunang rebyu
sa isang teksto ang mambabasa upang matukoy
kung kakailanganin niya ito at kung maaari itong
basahin nang mas malaliman.
Analitikal • Paimbabaw ang katangian ng pagbasang ito
sapagkat halos panlabas na bahagi lamang ng
teksto ang tinitingnan. Hindi ito pinagiisipan
nang malalim para magbigay ng interpretasyon o
Sintopikal pinag-uukulan ng pansin ang ilang bahaging hindi
maunawaan sa teksto.
Antas ng Pagbasa
Primarya • Sa antas na ito ng pagbasa, ginagamit ang
mapanuri o kritikal na pag-iisip upang
malalimang maunawan ang kahulugan ng
Mapagsiyasat teksto at ang layunin o pananaw ng
manunulat.
• Bahagi ng antas na ito ang pagtatasa sa
katumpakan, kaangkupan, at kung
Analitikal katotohanan o opinyon ang nilalaman ng
teksto.
• Malalim at mapanuri na ang antas na ito,
Sintopikal ngunit hindi rito nagtatapos ang layunin ng
pagbasa.
Antas ng Pagbasa
• Sa sintopikal na pagbasa, nakabubuo ng sariling
Primarya perspektiba o pananaw sa isang tiyak na larangan mula
sa paghahambing ng mga akdang inunawa.
• Ito ay hindi lamang pag-unawa sa mga nariyan nang mga
eksperto sa isang larangan o disiplina, kundi ang pagbuo
Mapagsiyasat ng sariling sistema ng kaalaman at pag-unawa mula sa
pagbasa sa mga ekspertong ito. Ang mga aklat na binasa
mo ay mga kasangkapan lamang upang maunawaan mo
Analitikal ang mga kaalaman na naipundar na ng mga naunang
iskolar.
• Sa pamamagitan ng sistematikong paraan, pinaghahalo
Sintopikal ang mga impormasyon mula sa aklat at ang mga sariling
karanasan at kaalaman upang makabuo ng ugnayan at
bagong mga pananaw at kaalaman. Ibig sabihin, sa antas
na ito ng pagbasa, itinuturing mo na rin ang sarili bilang
isa sa mga eksperto ng iyong binasa.

You might also like