You are on page 1of 27

MAGANDANG HAPON!

LARO TAYO
“TANONG KO
SAGOT KO O
TANONG KO SAGOT
MO”
MIKANIKS NG LARO:
Ang bawat tanong o slide ay may
mga nakatagong Emoji, kapag;

--Ikaw ang sasagot sa tanong

--Tatawag ka ng sasagot sa

tanong
Ano ang naaalala mo sa
tinalakay natin noong
nakalipas na linggo?
Sa pagkakaalala mo, ano ang
kahulugan ng Makrong
Kasanayan?
Para sayo, ano ang
kahulugan ng
pagsasalita?
Magbigay ng
pagpapaliwanag kung
bakit napakahalaga ng
pakikinig at
pagsasalita?
Para sa iyo ano ang
kahulugan ng pakikinig?
Bilang mag-aaral, gaano
kahalagang mapag-aralan
ang mga makrong
kasanayan?
PAG-USAPAN NATIN!
Mga Makrong
Kasanayang Pangwika
KASANAYAN SA PAGBABASA
Ang pagbasa ay pagkilala, pag-unawa,
pagpapakahulugan at pagtataya ng mga
ideya sa mga nakalimbag na simbolo. Ito ay
proseso ng pag-unawa sa mga kaisipang
hatid ng awtor sa mga mambabasa. Sa
pamamagitan ng pagbasa, nahahasa ang
iba’t ibang kasanayan ng isang indibidwal.
KASANAYAN SA PAGBABASA
Ang pagbasa kung gayon ay
napakahalaga sa isang indibidwal
sapagkat ito ang tutugon sa kanyang
pagkatuto tungo sa mas malawak na
kaalaman sa kanyang kapaligiran, sa
bansa at marami pang iba na nahuhubog
ng kanyang pagkatao.
LAYUNIN NG PAGBASA
1. Skimming o pinaraanang pagbasa
Ang skimming ay nanagahulugan din ng pagtingin sa
isang teksto o kabanata nang mabilisan para
magkaroon ng pangkalahatang ideya sa nilalaman
ng material at kasanayan sa pagkilala ng mga salita
upang maunawaan ang isang teksto. Naisasagawa
sa paraang mabilisan ang pagsusuri sa teksto.
LAYUNIN NG PAGBASA
1. Skimming o pinaraanang pagbasa
Ang pinakamabilis na pagbasa na nakakaya ng isang tao.
Ginagamit ito sa:
a. Pagpili ng aklat o magasin.
b. Pagtingin ng mga kabanata ng aklat bago nito basahin
nang tuluyan;
c. Paghahanap ng tamang artikulo sa pananaliksik; at
d. Pagkuha sa pangkalahatang impresyon sa nilalaman
LAYUNIN
2. Scanning
Tumutukoy sa paghahanap ng isang tiyak na
impormasyon sa isang pahina. Sa uring ito ng
pagbabasa, hindi na hinahangad na makuha
ang kaisipan ng sumusulat dahil mahalaga
Makita ang hinahanap sa madali at mabilis na
paraan.
LAYUNIN
2. Scanning
Halimbawa:
a. Kung may hinahanap kang particular na pngalan sa
isang direktoryo, tinitingnan mo nang mabilisan ang
pahina na kailangan mo para makita agad ang
paryikular na pangalan at numero ng telepono.
b. Paghahanap ng kahulugan ng isang salita sa isang
diksyunaryo.
PAGHAHAMBING
1. Skimming o pinaraanang pagbasa
Sa ganitong paraan ng pagbasa ay
kinukuha kukunin ng mambabasa ang
kalahatan o kabuuang ideya ng
binasang teksto.
PAGHAHAMBING
2. Scanning
Sa scanning naman, ay mabilis na
pagbasa upang makakuha ng
ispesipikong impormasyon o detalye.
PROSESO NG PAGBASA AYON KAY
WILLIAM S. GRAY

 Persepsyon
 Komprehensyon
 Reaksyon
 Integrasyon
PROSESO NG PAGBASA AYON KAY
WILLIAM S. GRAY

 Persepsyon
Ito ay estado ng pagkilala o pagtukoy sa
pagkakaroon ng kamalayan sa isang
bagay sa mga nakalimbag na simbolo at
kakayahan sa pagbigkas ng mga tunog
PROSESO NG PAGBASA AYON KAY
WILLIAM S. GRAY

 Komprehensyon
Ito ay ang pagkilos o kakayahan
sa pag-unawa ng isang bagay.
PROSESO NG PAGBASA AYON KAY
WILLIAM S. GRAY

 Reaksyon
Ito ay isang pagkilos na
ginagawa, pagpasiya o paghatol
bilang tugon sa isang sitwasyon o
kaganapan pagdama sa teksto.
PROSESO NG PAGBASA AYON KAY
WILLIAM S. GRAY

 Integrasyon
Ito ay kaalaman sa antas ng
makatotohanang komunikasyon, na
nagbibigay ng pag-unlad na kakayahang
makipagkomunikasyon at mga bagong
karanasan sa tunay na buhay.

You might also like