You are on page 1of 8

Kahulugan ng Pagbasa


 Ang Pagbasa ay pagkilala at pagkuha ng mga ideya
at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag. Isa ito sa
mga makrong kasanayang pangwika at isa sa mga
pinakagamitin ng lahat.
 may mga nagbabasa para maaliw – komiks nobela
at iba pang akdang pampanitikan.
 may mga nagbabasa para makakuha ng
impormasyon – dyaryo, magasin, aklat at iba pang
babasahing akademiko.
Kahalagahan ng Pagbabasa

a) Nakapagdudulot ng kasiyahan at nakalulunas sa
pagkabagot.
b) Pangunahin itong kasangkapan sa pagtuklas ng
kaalaman sa iba’t-ibang larangan ng buhay
c) Gumaganap ito ng mahalagang tungkulin sa ating pang-
araw-araw na buhay;
d) Nalalakbay natin ang mga luagr na hindi nararating,
nakikilala ang mga taong yumao na o hindi nakikita,
e) Naiimpluwensyahan nito ang ating saloobin at palagay
hinggil sa iba’t-ibang bagay at tao, at
f) Nakatutulong ito sa paglutas ng ating mga suliranin at
sa pagpataas ng kalidad ng buhay ng tao.
Kronolohikal na Hakbang
ng Pagbabasa

a) Persepsyon o Pgkilala sa mga nakalimbag
na simbolo,
b) Pag-unawa sa kaisipang nakapaloob sa mga
nakalimbag na simbolo.
c) Reaksyon o paghahatol ng kawastuhan,
kahusayan at halaga ng tekstong binabasa, at
d) Asimilasyon/ Integrasyon ng binabasang
teksto sa mga karanasan ng mambabasa.
Uri ng Pagbasa Batay sa Layunin

 Skimming o Pinaraanang pagbasa – ang pinaka –
mabilis sa pagbasa na makakaya ng isang tao.
Ginagamit ito sa pagpili ng aklat o magasin sa
pagtingin sa mga kabanata ng aklat bago ito basahin
nang tuluyan, sa pagnanaliksik, pagkuha ng
pangkalahatang impresyon sa nilalaman at iba pa. Sa
pamamagitan nito, ang mga propesyunal ay
nakakahabol ng mga makabago at napapanahong
pangyayari sa kani-kanilang larangan. Ito’y isang
kasanayang kailangang madebelop ng mabuti sa
pamamagitan ng pagtitiyaga at pagsasanay.
Uri ng Pagbasa Batay sa Layunin

 Scanning – ay paghahanap ng isang tiyak na
impormasyon sa isang pahina. Dito, hindi na
hinahangad na makuha ang kaisipan ng sumusulat.
Ang mahalaga’y ang makita ang hinahanap sa
madali at mabilis na paraan. Isang halimbawa nito’y
ang pagahahanap ng numero ng telepono sa isang
direktoryo o paghahanap ng kahulugan ng isang
salita sa sa isang diksyunaryo.
Batay sa Paraan:

 ang pagbabasa ay maaaring tahimik o
pasalita,
 mata lamang ang ginagamit sa tahimik na
pag-basa at walang tunog na maririnig.
 Sa pasalitang pagbasa, gumagamit ng bibig,
bukod sa mga mata kaya may tunog at
pasalita.
Batay sa bilis o tulin:

 ang pagbabasa ay may dalawang uri, ang study
speed, o bilis habang nag- aaral bumasa. At ang
matulin na pagbasa.
 Ang study speed ang pinakamabagal na pagbasa at
ginagamit ito sa mga mahihirap na seleksyon.
Kailangang gamitin ito lalo na kung susunod sa
panuto o kaya’y unawaing mabuti ang laman ng
mga dokumento.
 Sa matulin na pagbasa mahahalagang bahagi
lamang ng isang teksto ang binabasa batay sa
layunin ng bumabasa. Ito ang pinakamahalagang
kasanayan ng isang ganap na mambabasa.

You might also like