You are on page 1of 14

3 R’s WEEK 3

Filipino 1
PANGUNGUSAP
B. Pangungusap
Sa linggwistika, ang pangungusap ay lipon ng mga salitang
 nagpapahayag ng buong diwa. Binubuo ito ng panlahat na
sangkap, ang panaguri at ang paksa subalit buo ang diwa.

Linggwistika-  ang pag-aaral sa wika ng tao at tinatawag na isang 


dalubwika (o lingguwista) ang mga dalubhasa dito.
B. Pangungusap
Mga nilalaman

B.1 Ayos ng Pangungusap B.4 Kayarian ng Pangungusap


B1.1Karaniwan o Tuwid B4.1Payak
B1.2Di-Karaniwan o Kabalikan B4.2Tambalan
B4.3Hugnayan

B.2 Gamit/Tungkulin ng
Pangungusap B.5 Pangungusap na Walang Tiyak o
B2.1Pasalaysay o Paturol Lantad na Sangkap
B2.2Patanong B5.1Exsistensyal
B2.3Padamdam B5.2Temporal
B2.4Pautos B5.3Penomenal
B2.5Pakiusap B5.4Panawag
B5.5Sambitla
B5.6Pormularyong Panlipunan
B.3 Bahagi/Sangkap ng Pangungusap B5.7Sagot Lamang
B3.1Simuno o Paksa B5.8Pautos/Pakiusap
B3.2Panaguri
B.1 Ayos ng Pangungusap
B1.1 Karaniwan o Tuwid
• Kapag nagsisimula sa panaguri at nagtatapos sa simuno.

Halimbawa: Mayroong bagong tsinelas si Ana.

B1.2 Di-Karaniwan o Kabalikan


• Kapag nagsisimula sa simuno at nagtatapos sa panaguri. Ang panandang "ay" ay
kadalasang makikita sa mga pangungusap.

Halimbawa: Si Ranilene ay bumili ng bagong tsinelas.


B.2 Gamit/Tungkulin ng
Pangungusap
B2.1 Pasalaysay o Paturol
• Ito ay nagsasalaysay ng katotohanan, opinyon, pahayag, kaisipan o pwede ring pangyayari.
Lagi itong nagtatapos sa tuldok (.).

Halimbawa: Unti-unting nakikilala ang mga pangkat-etniko sa ating bansa dahil sa kanilang mga
katangian.

B2.2 Patanong
• Ito ay pangungusap na ginagamit sa pagtatanong, at tandang pananong (?) ang bantas sa
hulihan nito.

Halimbawa: Isinusulong pa ba ang pagbuo ng mga batas para sa pambansang pangkapayapaan?


B.2 Gamit/Tungkulin ng
Pangungusap
B2.3 Padamdam
• Ito ay nagsasabi ng matinding damdamin gaya ng tuwa, pagkagulat, paghanga,
panghihinayang at iba pa. Ito ay nagtatapos sa tandang padamdam (!).

Halimbawa: Kay ganda talagang mamasyal sa Davao!

B2.4 Pautos
• Ito ay uri ng pangungusap kung saan ay nakikiusap o nag uutos ito. Ito ay maaring magtapos sa tuldok (.) o
tandang padamdam (!).

Halimbawa: Diligan mo ang mga halaman.


B.2 Gamit/Tungkulin ng
Pangungusap
B2.5 Pakiusap
• Ito ay uri ng pangungusap na pautos na nagsasaad ng pakiusap. Ito ay madalas na nagtatapos sa tuldok (.) o
tandang pananong (?).

Halimbawa: Pakidala mo nga rito ang aking sapatos.


B.3 Bahagi/Sangkap ng Pangungusap
B.3.1 Simuno- Ang simuno ang siyang nagsasabi kung ano o sino ang pinag-uusapan sa pangungusap. Ito
ang paksa ng pangungusap. 
Halimbawa:

1. Ang mga lobo ay makukulay.


             Ano ang makukulay? Ang mga lobo
2. Si Martha ay naghuhugas ng pinggan.
             Sino ang naghuhugas ng pinggan? Si Martha

B.3.2 Panaguri- Nagsasabi tungkol sa simuno o paksa ang panaguri. ito ay ang bahagi ng pangungusap na
gumagawa ng kilos o ‘di kaya’y pinag-uusapan sa pangungusap. 

1. Ang mga lobo ay makukulay.

             Ano ang sinasabi tungkol sa mga lobo? makukulay

2. Si Martha ay naghuhugas ng pinggan.

             Ano ang sinasabi tungkol kay Martha? naghuhugas ng pinggan. 


B.4 Kayarian ng Pangungusap
B.4.1 Payak- Binubuo ng salitang ugat lamang at walang
kasamang panlapi at hindi rin nagkakaroon ng pag- uulit

Hal. Saya, dumi, grasa, bahay

B.4.2 Tambalan- Salitang binubuo sa pamamagitan ng


pagsasama at pagtatambal ng dalawan salita upang makabuo ng
isang tambal na salita

Hal. Dalagang Bukid (isang dalaga na tiga bukid)


B.4 Kayarian ng Pangungusap
B.4.3 Hugnayan- Nag papahayag ng isang punong kaisipan at
isang pangtulong na kaisipan

Hal. Magiting na pinagtanggol ni Pablo ang kanyang kakahayan


sumayaw ng sya’s pagtawanan ng buong klase.

B.4.4 Langkapan- Isang punong kaisipan o dalawa o higit pang


pangtulong na kaisipan

Hal. Nagalit sa amin si Fernando dahil kami ay maingay at hindi


B.5 Pangungusap na Walang
Tiyak o Lantad na Sangkap
B5.1 Exsistensyal

• Pangungusap na nagpapahayag ng pagkamayroon o pagkawala ng pinag-uusapan.

Halimbawa: Wala na bang darating?

B5.2 Temporal

• Pangungusap na nagsasaad ng kalagayan o panahong panandalian lamang. Madalas ay


mga pang-abay na pamanahon ang mga ito.

Halimbawa: Gabi na.
B.5 Pangungusap na Walang
Tiyak o Lantad na Sangkap
B5.3 Penomenal

• Pangungusap na nagsasaad ng kalagayan ng panahon o ng kapaligiran.

Halimbawa: Umaambon.

B5.4 Panawag

• Pangungusap na binubuo ng isang kataga/salita lamang at nagpapahiwatig na nais


kausapin ang kaniyang tinawag o kumukuha lamang atensyon.

Halimbawa: Hoy!
B.5 Pangungusap na Walang
Tiyak o Lantad na Sangkap
B5.5 Sambitla

• Isang salita na nagpapahayag ng matinding damdamin.

Halimbawa: Aray!

B5.6 Pormularyong Panlipunan

• Pangungusap na ginagamit sa pakikipagkapwa para maipahayag nang maayos ang mensahe.


Maaari itong pagbati, pasasalamat, paggalang o iba pang ekspresyong naging bahagi na sa
kultura.

Halimbawa: Salamat.
B.5 Pangungusap na Walang
Tiyak o Lantad na Sangkap
B5.7 Sagot Lamang

• Pangungusap na sagot sa mga tanong na hindi na kailangan ng paksa.

Halimbawa: Oo.

B5.8 Pautos/Pakiusap

• Pangungusap na pautos.

Halimbawa: Pakihawak.

You might also like