You are on page 1of 35

Layunin ng Pagsulat

 Ayon kay Royo


• naipapahayag ang damdamin,
mithiin, pangarap, agam-agam,
bungang-isip, at mga
pagdaramdam
Layunin ng Pagsulat
 Ayon kay Royo
• nakikilala ng tao ang kanyang
sarili, ang kanyang mga
kahinaan at kalakasan, ang
lawak at tayog ng kanyang
isipan, at mga naabot ng
kanyang kamalayan.
Layunin ng Pagsulat
 Ayon kay Royo
• pangunahing layunin ay
mapabatid sa mga tao o lipunan
ang paniniwala, kaalaman, at
mga karanasan ng taong
sumusulat.
Layunin ng Pagsulat
 Ayon kay Mabilin
Dalawang Bahagi ng Layunin
1. Personal o ekspresibo
2. Panlipunan o sosyal
Layunin ng Pagsulat
 Ayon kay Mabilin
1. Personal o ekspresibo
• ang layunin ay nakabatay
sa pansariling pananaw,
karanasan, naiisip, o
nadarama ng manunulat.
Layunin ng Pagsulat
 Ayon kay Mabilin
2. Panlipunan o sosyal
• layunin na makipag-ugnayan
sa ibang tao o sa lipunang
ginagalawan.
• tinatawag ding transaksiyonal
Kahalagahan o Benepisyong
Makukuha sa Pagsulat

1. Masasanay ang kakayahang


mag-organisa ng mga kaisipan
at maisulat ito sa
pamamagitan ng obhetibong
paraan.
Kahalagahan o Benepisyong
Makukuha sa Pagsulat

2. Malilinang ang kasanayan sa


pagsusuri ng mga datos na
kakailanganin sa
isinasagawang imbestigasyon
o pananaliksik.
Kahalagahan o Benepisyong
Makukuha sa Pagsulat
3. Mahuhubog ang kaisipan ng
mga mag-aaral sa mapanuring
pagbasa sa pamamagitan ng
pagiging obhetibo sa paglalatag
ng mga kaisipang isususlat batay
sa nakalap na impormasyon.
Kahalagahan o Benepisyong
Makukuha sa Pagsulat
4. Mahihikayat at mapauunlad
ang kakayahan sa matalinong
paggamit ng aklatan sa
paghahanap ng mga materyales
at mahahalagang datos na
kakailanganin sa pagsulat.
Kahalagahan o Benepisyong
Makukuha sa Pagsulat
5. Magdudulot ito ng kasiyahan
sa pagtuklas ng mga bagong
kaalaman at pagkakaroon ng
pagkakataong makapag-ambag
ng kaalaman sa lipunan.
Kahalagahan o Benepisyong
Makukuha sa Pagsulat
6. Mahuhubog ang
pagpapahalaga sa paggalang
at pagkilala ng mga gawa at
akda ng kanilang pag-aaral
at akademikong pagsisikap.
Kahalagahan o Benepisyong
Makukuha sa Pagsulat
7. Malilinang ang kasanayan
sa pangangalap ng mga
impormasyon mula sa iba’t
ibang batis ng kaalaman.
Mga Uri ng Pagsulat
1. Malikhaing Pagsulat
(Creative Writing)
 pangunahing layunin nitong
maghatid ng aliw, makapukaw
ng damdamin, at makaantig sa
imahinasyon at isipan ng mga
mambabasa.
Mga Uri ng Pagsulat
1. Malikhaing Pagsulat
(Creative Writing)
 bunga ng malikot na isipan ng
sumusulat na maaaring batay sa
tunay na pangyayari o kaya
naman ay bunga ng imahinasyon
o kathang-isip lamang.
Mga Uri ng Pagsulat
1. Malikhaing Pagsulat
(Creative Writing)
 Halimbawa
• maikling kuwento
• dula
• tula
• malikhaing sanaysay
Mga Uri ng Pagsulat
2. Teknikal na Pagsulat
(Technical Writing)
 ginagawa sa layuning pag-
aralan ang isang proyekto o
kaya naman ay bumuo ng isang
pag-aaral na kailangan lutasin
ang isang problema o suliranin .
Mga Uri ng Pagsulat
2. Teknikal na Pagsulat
(Technical Writing)
 Halimbawa
• Feasibility Study
Mga Uri ng Pagsulat
3. Propesyonal na Pagsulat
(Professional Writing)
 sulating may kinalaman sa
isang tiyak na larangang
natutuhan sa akademya o
paaralan.
Mga Uri ng Pagsulat
3. Propesyonal na Pagsulat
(Professional Writing)
 Halimbawa
• Medical report
• Banghay aralin o Lesson plan
Mga Uri ng Pagsulat
4. Dyornalistik na Pagsulat
(Journalistic Writing)
 sulating may kaugnayan sa
pamamahayag.
Mga Uri ng Pagsulat
4. Dyornalistik na Pagsulat
(Journalistic Writing)
 Halimbawa
• Balita
• Lathalain
• Editoryal
Mga Uri ng Pagsulat
5. Reperensiyal na Pagsulat
(Referential Writing)
 layunin ng sulating ito na bigyang
pagkilala ang mga pinagkunang
kaalaman o impormasyon sa
paggawa ng konseptong papel, tesis,
at disertasyon.
Mga Uri ng Pagsulat
5. Reperensiyal na Pagsulat
(Referential Writing)
 layunin din ng pagsulat na
irekomenda sa iba pa ang mga
sangguniang maaaring mapagkunan
ng mayamang kaalaman hinggil sa
isang tiyak na paksa.
Mga Uri ng Pagsulat
5. Reperensiyal na Pagsulat
(Referential Writing)
 karaniwang makikita sa huling
bahagi ng isinasagawang
pananaliksik o kaya naman sa
kabanatang naglalaman ng Review
of Related Literature (RRL).
Mga Uri ng Pagsulat
6. Akademikong Pagsulat
(Academic Writing)
 isang intelektuwal na pagsulat.
 layunin nitong maipakita ang
resulta ng pagsisiyasat o ng
ginawang pananaliksik.
Iba’t ibang Uri ng
Akademikong Sulatin
 Abstrak
 Sintesis / Buod
 Bionote
 Panukalang Proyekto
Iba’t ibang Uri ng
Akademikong Sulatin
 Talumpati
 Adyenda
 Katitikan ng Pulong
 Posisyong Papel
Iba’t ibang Uri ng
Akademikong Sulatin
 Replektibong sanaysay
 Pictorial Essay
 Lakbay-sanaysay
APLIKASYON

Layunin:
Nakakapagpahayag ng paraan sa
pagiging responsable gamit ang mga
nakalap na impormasyon.
 Nakakapagpahayag ng paraan sa pagiging
responsable gamit ang nakalap na impormasyon.

Ang islogang “Think before you click” ng isang


kilalang istasyon ng telebisyon sa Pilipinas ay
nagsusulong sa responsableng pagpapahayag
partikular sa facebook, twitter, o iba pang social
media. Nagbibigay ito ng babala na anuman ang
iyong ipahayag o i-post nang pasulat ay hindi na
mababawi pa at magagamit na matibay na
ebidensiya laban sa iyo.
Magbigay ng paraang magpapaalala sa
kapwa mo mag-aaral kung paano
magiging responsable at
makapagbibigay ng inspirasyon sa
ating mga isinusulat o ipino-post sa
mga social media account.
PAMANTAYAN
Pokus at Detalye - 10
Datos at pagkilala sa sanggunian - 15
Organisasyon - 10
Tinig ng Manunulat - 5
Pagpili ng mga angkop na salita - 5
Estruktura, Gramatika, Bantas,
Pagbabaybay - 5

You might also like