You are on page 1of 2

LIHAM

Barangay Sto. Niño


Camotes, Cebu
Hulyo 20, 2019
Mahal kong Rowena,
Natanggap ko kahapon ang liham mo sa akin. Akala ko’y hindi mo natanggap ang aking paanyaya.
Masayang nairaos ang pista nito sa amin lalo na ng asana kung kayo nina Tito Saling ay nakarating.
Karamihan sa aming panauhin ay kasamahan ni Kuya Selmo sa opisina. May mga pagtatanghal na ginawa
sa Bulwagang Barangay. Nagkaroon ng paligsahan sa pagsayaw ng katutubong sayaw. Halos lahat ng mga
taga-Barangay ay nanood ng paligsahan. Tuwang-tuwa ang balana at sila’y pawang masisigla sa Nakita
nilang iba’t ibang katutubong sayaw. Bawat isang kalahok sa paligsahan ay binigyan ng sentipiko ng
komiti.
Napakarami pala nating katutubong sayaw. Ang mga ito’y tinipon at isinaaklat ni Francisco Reyes
Aquino. Noong una’y halos limot ng madla ang mga katutubong sayaw. Ngunit sa pananaliksik ni
Francisco Reyes Aquino muling napasigla ng interes sa ating mga katutubong sayaw. Dahil dito sa
napakalaking ambag niya sa ating kultura, siya’y pinaralangan ng Magsaysay Award at tinawag siyang “Ina
ng katutubong Sayaw.”
Marami pa akong ikukuwento sa iyo sa muli kong pagsulat sa iyo.
Kumusta sa lamang sa inyong lahat lalung-lalo na kay Tita Saling.

Ang iyong pinsan,


Mary Joy

You might also like