You are on page 1of 9

IMRD format sa

Pananaliksik
DISIFIL 2020-2021
Module 3A
Layunin

1. Naipaliliwanag ang nilalaman ng isang IMRD na format ng pananaliksik.


2. Nagagawang matukoy ang katangian ng isang epektibong panimula.
3. Natatalakay ang paraan ng pagsulat ng introduksyon.
IMRD format sa Pananaliksik
• Ang isang buong pananaliksik ay naglalaman ng limanngmahahalagang
bahagi na nahahati sa limang kabanata. Ang mga kabanatang ito ay may mga
seksyong naglalaman ng mga mahahalagang impormasyong nakatutulong
upang maunawaan ang isang pag-aaral
• Ngunit sa kasalukuyan, ang IMRaD format na ng pananaliksik ang ginagamit.
Ang mga nakalathalang jornal na makikita natin onlayn at naka-print ay
nakaayon sa format na ito.
• Ang IMRaD ay pinaigsing bersyon lamang ng tradisyonal na pananaliksik
papel,ito ay kumakatawan sa Introduksyon, Metodolohoya, Resulta at
Diskusyon

Wu, J. (2011). Improving the writing of research papers: IMRAD and


beyond. Landscape Ecology, 26(10), 1345–1349. doi:10.1007/s10980-
011-9674-3 
IMRD format sa Pananaliksik

Introduksyon (Bakit mo ito ginawa?)


• Matutunghayan sa introduksyon ang paliwanag kung bakit mahalaga ang pag-
aaral
• Sinisimulan ito sa paglalarawan ng sitwasyon o suliraning nagbunsod para
gawin ang pananaliksik
• Pagkatapos ay ilalarawan ang kasalukuyang estado ng pananaliksik sa
disiplina at pagkatapos ay tukuyin ang “gap” sa pananaliksik

Nair, P. K. R., & Nair, V. D. (2014). Organization of a Research Paper: The


IMRAD Format. Scientific Writing and Communication in Agriculture and
Natural Resources, 13–25. doi:10.1007/978-3-319-03101-9_2
IMRD format sa Pananaliksik

Metodolohiya (Paano mo ito ginawa?)


• Inilalahad naman sa bahaging ito kung paano isinagawa ang pag-aaral
• Naglalaman ito ng impormasyon tungkol sa partisipant, sampling,
pamamaraan at kagamitan/ instrumento sa pangangalap ng datos.
• Kadalasang gumagamit ito ng mga”sub heading” at isinusulat ang pandiwa sa
aspektong pangnagdaan (past tense)
• Kadalasan, ito rin ang seksyon na hindi gaanong binabasa

Nair, P. K. R., & Nair, V. D. (2014). Organization of a Research Paper: The


IMRAD Format. Scientific Writing and Communication in Agriculture and
Natural Resources, 13–25. doi:10.1007/978-3-319-03101-9_2
IMRD format sa Pananaliksik

• Resulta (Anong natuklasan mo?)

• Ipinapakita ang natuklasan sa bahaging ito at hindi kasama ang


paliwanag kaugnay sa natuklasan
• Ang mga pandiwang ginagamit sa bahaging ito ay nasa aspektong
pangnagdaan din (past tense)

Nair, P. K. R., & Nair, V. D. (2014). Organization of a Research Paper: The


IMRAD Format. Scientific Writing and Communication in Agriculture and
Natural Resources, 13–25. doi:10.1007/978-3-319-03101-9_2
IMRD format sa Pananaliksik

Diskusyon (Anong ibig sabihin/ kahulugan ng natuklasan mo?)


• Sa bahaging ito, nagkakaroon ng pagbubuod ng mga pangunahing natuklasan
sa pag-aaral at inuugnay ito sa pananaliksik
• Tinatalakay din sa bahaging ito ang paliwanag sa naging limitasyon ng pag-
aaral at ginagamit ang dahilang ito para magrekomenda ng ng karagdagang
pag-aaral o pananaliksik

Nair, P. K. R., & Nair, V. D. (2014). Organization of a Research Paper: The


IMRAD Format. Scientific Writing and Communication in Agriculture and
Natural Resources, 13–25. doi:10.1007/978-3-319-03101-9_2
IMRD format sa Pananaliksik
Abstrak
• Matapos sulatin ang pananaliksik, kasunod namang isinusulat ang buod ng pag-aaral
• Ang abstrak ay isang maigising balangkas o buod ng kabuuang papel na naglalaman
ng layunin, kahalagahan, metodo, resulta at naging implikasyon ng pag-aaral
• Ayon kay Day (1988) ito ay isang “mini version” ng papel pananaliksik
• Mabilis na nagagawang matukoy ng mambabasa ang pangunahing nilalaman ng
manuskrito upang matukoy ang kabuluhan nito sa kanilang interes at mapagdesisyonan
kung babasahin o hindi ang kabuuang papel (The American National Standards
Institute [ANSI],1979])
• Sa isang abstrak ang rasyonal, introduksyon, metodo at resulta ay nakasulat sa
aspektong pangkasalukuyan at ang metodo naman ay nasa pangnagdaan (past tense)

Nair, P. K. R., & Nair, V. D. (2014). Organization of a Research Paper: The


IMRAD Format. Scientific Writing (present tense)and Communication in
Agriculture and Natural Resources, 13–25. doi:10.1007/978-3-319-03101-9_2
Sanggunian
• Martinez, M.C. , Villanueva, E.L., Lim, GC.G.,, Dela Cruz, R.M., Doria, E.S., at Lopez, M.E.
(2019). Filipino sa iba’t ibang disiplina. Bulacan: St. Andrew’s Publishing House
• Nair, P. K. R., & Nair, V. D. (2014). Organization of a Research Paper: The IMRAD Format.
Scientific Writing and Communication in Agriculture and Natural Resources, 13–25.
doi:10.1007/978-3-319-03101-9_2
• Writing a Scientific Research Report (IMRaD). (n.d.). The writing center.https://bit.ly/3iEG03F
• Wu, J. (2011). Improving the writing of research papers: IMRAD and beyond. Landscape
Ecology, 26(10), 1345–1349. doi:10.1007/s10980-011-9674-3 

You might also like