You are on page 1of 14

TEKSTONG NARATIBO

Panuto: Isalaysay at ibahagi sa klase ang mga kaugnay na karanasan hinggil sa


mga sumusunod na tradisyon at kaugalian:

PASKO
MAHAL NA
ARAW PISTA

PAMANHIKAN TRADISYON/ KASAL


KAUGALIAN

PAGTANGGAP
PAMAHIIN
NG BISITA
PASKO

Fact storming Web


TEKSTONG NARATIBO

 nagsasalaysay o nagkukuwento ng
mga pangyayari o kaganapan na
maaaring piksyon (nobela, maikling
kwento, tula)
 di-piksyon (talambuhay, balita,
maikling salaysay)
TEKSTONG NARATIBO
 Mahalaga sa paraang ito ng
pakikipagkomunikasyon na maayos na
maihanay ang pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari.
 Malimit gamitin at pinakamadaling gawin ang
pagsasalaysay ayon sa panahon o ang paraang
kronolohikal.
LAYUNIN NG TEKSTONG NARATIBO

1) Magsalaysay o magkwento batay sa isang tiyak na


pangyayari, totoo man o hindi (maaaring ang salaysay ay
personal na naranasan ng nagkukwento, batay sa tunay na
pangyayari o kathang-isip lamang)
2) Magpahayag ng mga pangyayari nang may maayos na
pagkakasunod-sunod.
3) Makapaglinaw ng paksa sa pamamagitan ng
pagdedetalye.
URI NG TEKSTONG NARATIBO

1) Naratibong Nagpapabatid (informative narrative)


 Isinusulat upang maghatid o magbigay ng mga kaalaman o kabatiran
sa mga mambabasa;

 walang banghay (plotless)


Halimbawa:
salaysay na nagpapaliwanag (expository narrative);
salaysay na pangkasaysayan (historical narrative);
salaysay ng pakikipagsapalaran (narrative of adventure); salaysay na
patalambuhay (biological narrative);
anekdota (anecdote),
at kathang salaysay (sketch).
2) Naratibong Masining (artistic narrative)
 Isinusulat upang makaaliw;
 karaniwang may banghay
Halimbawa:
maikling kuwento, dula, tula, at nobela atbp.
TONO:
 Ang damdamin o emosyon na nangingibabaw
sa teksto.
Elemento ng Naratibong Teksto

1. ) Paksa
Pumili ng paksang mahalaga at makabuluhan.
Kahit na nakabatay sa personal na karanasan ang
kuwentong nais isalaysay, mahalaga pa ring maipaunawa
sa mambabasa ang panlipunang implikasyon at mga
kahalagahan nito.
2) ESTRUKTURA
• * Kailangang malinaw at lohikal ang kabuuang
estruktura ng kwento.
• Madalas na makikitang ginagamit na paraan ng
narasyon ang iba’t ibang estilo ng pagkakasunod-sunod
ng mga pangyayari.
• Kung minsan ay nagsisimula sa dulo papuntang unahan
ng kuwento, kung minsan naman ay mula sa gitna.
• Maaaring gumamit ng iba’t ibang paraan ng
pagkakaayos, tiyakin lamang na sistematiko at lohikal
ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari upang
madaling maunawaan ang narasyon.
3) ORYENTASYON
• Nakapaloob dito ang kaligiran ng mga tauhan,
lunan o setting, at oras o panahon kung kailan
nangyari ang kwento.
• Malinaw dapat na nailalatag ang mga ito sa
pagsasalaysay at nasasagot ang mga batayang
tanong na sino, saan, at kailan.
• Ang mahusay na deskripsiyon sa mga detalyeng ito
ang magtatakda kung gaano kahusay na nasapul ng
manunulat ang realidad sa kanyang akda.
4) PAMAMARAAN NG NARASYON

1) Diyalogo
– sa halip na direktang pagsasalaysay ay gumagamit ng
pag-uusap ng mga tauhan upang isalaysay ang nangyari.
2) Foreshadowing
– nagbibigay ng pahiwatig o hints hinggil sa kung ano
ang kahihinatnan o mangyayari sa kwento.
3) Plot Twist
– tahasang pagbabago sa direksyon o inaasahang
kalalabasan ng isang kuwento.
4) Ellipsis
– omisyon o pag-aalis ng ilang yugto ng kwento
kung saan hinahayaan ang mambabasa na magpuno
sa naratibong antala. Ito ay mula sa Iceberg Theory
o Theory of Omission ni Ernest Hemingway.
5) Comic Book Death
– isang teknik kung saan pinapatay ang
mahalagang karakter ngunit kalaunan ay biglang
lilitaw upang magbigay-linaw sa kwento.
6) Reverse Chronology – nagsisimula sa dulo ang
salaysay patungong simula.
7) In medias res
– nagsisimula ang narasyon sa kalagitnaan ng
kuwento. Kadalasang ipinakikilala ang mga karakter,
lunan, at tension sa pamamagitan ng mga flashback.

8) Deus ex machine (God from the machine)


–plot device na ipinaliwanag ni Horace sa kanyang
“Arts Poetica” kung saan nabibigyang-resolusyon ang
tunggalian sa pamamagitan ng awtomatikong
interbensyon ng isang absolutong kamay.
5) KOMPLIKASYON O TUNGGALIAN
• Nagiging batayan ng paggalaw o pagbabago sa posisyon at
disposisyon ng mga tauhan.

• Nagtatakda rin ang tunggalian ng magiging resolusyon ng kwento.

6) RESOLUSYON
• Ito ang kahahantungan ng komplikasyon o tunggalian.

• Maaaring ito ay masaya o hindi batay sa magiging kapalaran ng


pangunahing tauhan.

You might also like