You are on page 1of 15

XXX COMPANY

EMPLOYEE
SAFETY
PRACTICES
Ang mga dapat na isuot sa
ating pagtatrabaho upang
maprotektahan tayo sa mga
posibleng sakuna at
makatulong na
maprotektahan tayo sa sakit.
PAG-SUOT NG DUST MASKS

KAILANGAN NATING PROTEKTAHAN ANG


ATING MGA BAGA AT RESISTENSYA SA
PAMAMAGITAN NG PAGSALA NG HANGING
NALALANGHAP. IWASAN NATING DIREKTA
NATING MALANGHAP NG MAPIPINONG
ALIKABOK SAPAGKA’T ITO’Y
MAKAKAPANGHINA NG ATING MGA
RESISTENSYA AT MAKAKAPAGDULOT NG
IMPEKSYON. LALUNG LALO NA NGAYON NA
USO ANG SARS AT IBA PANG LUMALAKAS NA
BACTERIA AT VIRUSES SA KAPALIGIRAN,
KAILANGAN NA NATING PROTEKTAHAN ANG
  PAGSUOT NG PROTECTIVE
GOGGLES
Ito ay upang maprotektahan natin ang
ating mga mata sa mga nakakapuwing na
elemento kagaya ng kusot, nasiklat na
kahoy o anumang bagay na pwedeng
tumalsik sa ating mga mata habang
nagtatrabaho. Alalahanin natin na ating
mga mata ay napakahalaga sa atin at
minsang ito ay mapabayaan ay
mahihirapan na itong makabalik sa dati. 
PAGSUOT NG SAFETY SHOES

Ito ay upang maprotektahan ang


ating mga paa sa anumang posibleng
bumagsak sa ating mga paanan –
lalung lalu na ang mga mabibigat na
kahoy o mga “tools” na may talim
na normal na kasama sa ating mga
gawain
    HINDI PAG-SUOT NG MGA ALAHAS sa
PAGTATRABAHO

Ang pag-suot ng mga alahas kagaya ng relo,


purselas, kwintas, dangling earings ay hindi
pinahihintulutan kapag ang ating trabaho ay
sa operation/ production sapagka’t ito ay
makakaistorbo sa normal na pagkilos natin
habang nagtatrabaho. Higit dito ay maaari
itong humantong sa sakuna na
makakapahamak sa atin at sa ating mga
ginagawa.
 
Kapag napatunayan na ang
pagkakasakit o sakuna ay sanhi
ng ating kapabayaan at di
pagtupad sa safety practices, tayo
ay HINDI nakakatanggap ng
ating mga benepisyo sa SSS, EC
at PHILHEALTH
 
  Ang mga dust masks ay pinapalitan
tuwing ikalawang buwan ng paggamit.
Kailangang isoli ang lumang mask
upang mapalitan ng bago. Kung ito ay
nawala, maaari tayong bumili ng kapalit
sa ating Employee Cooperative Store.
ANG MGA HINDI SUSUNOD SA MGA
NASAAD NA SAFETY REQUIREMENTS
AY HINDI PAPAYAGAN NG KANILANG
MANAGER NA PUMASOK SA TRABAHO.
ANG MGA NAHULING HINDI NAKASUOT NG
SAFETY GADGET HABANG NAGTATRABAHO
AY MABIBIGYAN NG

PAGPAPAYO SA UNANG PAGKAKATAON,

PORMAL NA BABALA SA IKALAWA

“WRITTEN WARNING” SA IKATLO

6 NA ARAW NA SUSPENSION SA IKA-APAT

“PAGKATANGGAL SA TRABAHO” SA IKA-


LIMANG PAGKAKATAON. 
BUKOD DOON, SIYA AY INAASAHANG ITUWID ANG
PAGLABAG, KUNG HINDI, SIYA AY PAUUWIIN NA NG
KANYANG MANAGER O SUPERBISOR AT HINDI
PWEDENG MAGPATULOY NA MAGTRABAHO. AT
ANG KANYANG HINDI PAGSUNOD AY TAHASANG
PAGSUWAY sa kanyang superior na maaaring
magsanhi sa kanya ng tatlo hanggang anim na
suspension sa trabaho.
 
SA KABILANG DAKO, RESPONSIBILIDAD
NG MGA SUPERBISOR AT LEADMAN ANG
IPATUPAD ANG MGA BAGAY NA ITO. SA
PAGKAKATAONG MAPATUNAYAN NA SILA
AY NAGPAPABAYA SA PAGPAPATUPAD,
SILA AY MABIBIGYAN DIN NG
KARAMPATANG DISIPLINA---
VERBAL WARNING SA UNANG
PAGKAKATAON; WRITTEN WARNING SA
IKALAWANG PAGKAKATAON;
3 DAYS SUSPENSION SA IKATLONG
PAGKAKATAON;
6 DAYS SUSPENSION SA IKA-APAT NA
PAGKAKATAON.
ALALAHANIN NATIN, ANG
PAGSERYOSO NATIN SA
PAGPAPATUPAD NITO AY UNANG –
UNA PARA SA ATING MGA SARILING
KAPAKANAN. KAPAG TAYO AY
NAGKAKASAKIT, HINDI LAMANG ANG
ATING TRABAHO ANG NAAANTALA,
KUNDI, HIGIT SA LAHAT, AY ANG
INYONG OPORTUNIDAD NA KUMITA
AT MAKAPAGTRABAHO.
MAHALAGA ANG
KALUSUGAN NG BAWA’T ISA
SA ATIN.
INAASAHAN ANG KOOPERASYON NG
BAWA’T ISA.
 
MARAMING SALAMAT!

You might also like