You are on page 1of 148

Roma

Epekto ng kapangyarihan ng Rome


Nagpatuloy sa pananakop ang Rome sa mga lungsod ng Kanlurang Miditerannean.
Napasakamay nila ang maraming mag lungsod at ilang bahagi ng Macedonia, Greece, at
Antolia. Naging malawak ang kanilang sakop at teritoryo na nagdala ng malaking suliranin
sa lipunan. Mga suliranin sa agrikultura, sa panahon ng Digmaang Punic nasira ang mga
lupang sakahan ng bansa. Labis naman ang butil at produktong nagmula sa mga natalong
bansa. Tumaas ang presyo ng bilihin sa Rome at bumaba ang kita ng mga magsasaka.
Maraming mga lupain ang ipinagbili sa mga mayayamang Romano na nakahanap ng
sariling manggagawa sa bukid mula sa mga alipin ng digmaan. Dahil sa kawalang ng
hanapbuhay at kawalan ng lupang masasaka marami ang lumikas sa mga lungsod upang
maghanap ng kabuhayan. Kakaunti lamanag ang nakapaghanapbuhay kaya tumaas ang
bilang ng walang hanapbuhay. Nawalan ng kaayusan sa Lipunan, hindi nagkasundo ang
mga mayayaman at mahihirap. Pinapangalagaan ng mga patrician ang kanilang sariling
kayamanan at kapangyarihan kaysa isipin ang kapakanan ng nakararami. Samantalang
naging sunodsunoran naman ang mga pinunong mahihirap. Marami ang naging alipin.
CLAUDIUS- NILIKHA NIYA ANG ISANG
BURUKRASYA NA BINUBUO NG MGA BATIKANG
ADMINISTRADOR

You might also like