You are on page 1of 19

Kung ang isang tao ay may malalang

karamdaman na wala nang lunas at


hinihiling niya na isagawa ang euthenasia
pagdating ng araw na halos makina na
lamang ng ospital ang bumubuhay sa
kaniya, sang-ayon ka ba rito?
Kategorya Dami ng Tugon Kabuuang
Bahagdan

Pumapayag 3063 66%

Hindi pumapayag 1352 29%

Walang Komento 225 5%

Kabuuan 4640 100%


Ano ang nais patunguhan ng sarbey?

Bakit kaya kailangan isagawa ang ganitong mga


estatistika at pag-uulat?

Paano isasagawa ang ganitong pag-aaral?

Ano ang maidudulot sa tao o lipunan ng kaalamang


makukuha mula sa pag-aaral na ito?
PANANALIKSIK :
KAHULUGAN at
KATANGIAN
Layunin :
 Nakapagpapaliwanag sa kahulugan at iba’t ibang
katangian ng riserts.
 Nakalilikha ng mga makabuluhang katanungan sa
pananaliksik bilang simula sa pagpili ng paksa ang
sasaliksikin
 Naipapakita ang respeto sa kapwa mag-aaral sa
pamamagitan ng pakikinig.
 Nagpapakita ng paggalang sa kapwa lalong- lalo na
sa pakikipag-usap
KAHULUGAN :
Ang pananaliksik ay
paraan ng paghahanap ng
teorya, pagsubok o paglutas ng
isang suliranin (Sevilla, 1998)
KAHULUGAN :

Ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal,


disiplinadong inquiry sa pamamagitan ng iba’t –
ibang teknik at paraan batay sa kalikasan
at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa
klarifikasyon at /o resolusyon nito.
- Ayon kay Good (1963)
KAHULUGAN :
Ang pananaliksik ay isang makaagham
na imbestigasyon ng isang phenomena na
kalakip dito ang pagkalap, presentasyon,
analisis at interpretasyon ng katotohanan na
nag-uugnay sa halu-halo sa realidad.
(Calmorin et al,2000)
KAHULUGAN :
Ang pananaliksik ay isang
matiyaga, maingat, sistematiko, mapanuri at
kritikal na pagsisiyasat o pag-aaral tungkol
sa isang bagay, konsepto, kagawian,
problema, isyu o aspekto ng kultura at
lipunan (Atienza et al, 1996)
Mga Katangian ng Mabuting
Pananaliksik

1. Sistematiko
May sinusunod itong proseso o
magkakasunud - sunod na mga hakbang tungo
sa pagtuklas ng katotohanan, solusyon ng
suliranin, o ano pa mang nilalayon sa
pananaliksik.
Mga Katangian ng Mabuting
Pananaliksik

2. Kontrolado
lahat ng mga varyabol na
sinusuri
ay kailangang mapanatiling
konstant.
Mga Katangian ng Mabuting
Pananaliksik

3. Empirikal
kailangang maging katanggap -
tanggap ang mga pamamaraang ginagamit sa
pananaliksik maging ang mga datos na
nakalap.
Mga Katangian ng Mabuting
Pananaliksik

4. Mapanuri.
Sa pananaliksik, ang mga datos na nakalap ay
kailangang suriin nang kritikal upang hindi magkamali
ang mananaliksik sa paglapat ng interpretsayon sa
mga datos na kanyang nakalap. Kailangan ding
gumamit ng mga navalideyt nang pamamamaraang
pang-estaditika sa pagsusuri ng datos upang
masabing analitikal ang pananaliksik.
Mga Katangian ng Mabuting
Pananaliksik

5. Obhektibo
Lahat ng tuklas o findings at mga kongklusyon
ay kailangang lohikal na nakabatay sa mga
empirikal na datos at walang pagtatatangkang
ginawa upang baguhin ang resulta ng
pananaliksik. Walang puwang rito ang mga
pansariling pagkiling.
Mga Katangian ng Mabuting
Pananaliksik

6. Ginagamitan ng Ipotesis
Ipinapakita ang ipotesis ang kaisipan
ng mananaliksik sa simula pa lamang
ng pag-aaral
Pangkatan: Bubuo ang bawat pangkat ng tatlong
tanong sa pananaliksik sa bawat paksa.

Unang Pangkat- Implementasyon ng


kurikulum na K-12 sa Sistema ng
edukasyon
Ikalawang Pangkat- Epekto ng Dota
Ikatlong Pangkat- Green Architecture
Ikaapat na Pangkat- UFO
Ikalimang Pangkat- Paglalaro ng mobile
legend
Pagsusulit

Ibigay ang hinihingi ng bawat bilang at


talakayin ang sagot.
 
1. Ibigay ang katangian ng isang
mabuting tanong sa pananaliksik
2. Magbigay ng dalawang halimbawa sa
pananaliksik
 
Kasunduan

Magsaliksik ng kahalagan
at gamit ng pananaliksik.
 

You might also like