You are on page 1of 8

MGA KATAGA O

PAHAYAG SA
PAGPAPASIDHI
NG DAMDAMIN
MGA KATAGA O PAHAYAG SA PAGPAPASIDHI NG DAMDAMIN
1. Sa pamamagitan ng pag-uulit ng pang-uri
 Magandang-maganda ang tinig ng mga Pilipino
kapag binibigkas ang sariling wika.
2. Sa pamamagitan ng paggamit ng panlaping napaka-,
nag-an, pagka- at kay-, pinaka, ka- an upang mapasidhi
o maipakita ang pasukdol na katangian ng pang-uri.
 Napakaganda ang wika nating mga Pilipino.
 Nagtatangkaran ang mga dayuhan sa pagtitipon.
 Pagkasaya-saya ng mga dayuhang bumisita sa bansa.
3. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang gaya
ng ubod, hari, sakdal, tunay, lubhang, at ng
pinagsamang walang at kasing upang mapasidhi o
maipakita ang pasukdol na katangian ng pang-uri.
 Walang kasinsarap sa pandinig ang wikang Filipino.
 Sakdal husay ang galing ng mga Pilipino sa pagbigkas
ng tula.
4. Sa pamamagitan ng pagpapasidhi ng anyo ng pandiwa
 Paggamit ng panlaping magpaka-
Pandiwang Pinaghanguan Pinasidhing anyo
magsipag magpakasipag
4. Sa pamamagitan ng pagpapasidhi ng anyo ng pandiwa
 Paggamit ng panlaping mag- at pag-uulit ng unang
pantig ng salitang-ugat
Pandiwang Pinaghanguan Pinasidhing anyo
magsalita magsasalita
 Pagpapalit ng panlaping -um sa panlaping mag- at
nagkakaroon ng pag-uulit sa unang pantig
Pandiwang Pinaghanguan Pinasidhing anyo
bumili magbibilihan
gumawa maggagawaan
 Pagpapalit ng panlaping -um sa panlaping magpaka-
Pandiwang Pinaghanguan Pinasidhing anyo
tumalino magpakatalino
humusay magpakahusay

5. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga pangungusap na


walang paksa gaya ng …
 Padamdam – Nagpapahayag ng matinding damdamin
ang mga ito
Halimbawa: Sugod! Ang tapang!
Kay hirap ng buhay! Laban!
 Maikling Sambitla –Ang mga sambitlang tinutukoy
ay mga iisahin o dadalawahing pantig na
nagpapahayag ng matinding damdamin.
Halimbawa: Naku!
Aray!
Grabe!
Ay!
Punan ng akmang anyo ng pinasidhing anyo ng salita o
pahayag ang patlang upang mabuo ang diwa ng
pangungusap.
1. (hanga) ___________ ang taong nagmamalaki at
nagmamahal sa kanyang bayan.
2. (marami) ___________ ng magagandang dahilan
upang ating mahalin ang sariling bayan.
3. Ang mga Pilipino ay dapat (tumapang) ____________
upang magawa ang mga bagay na nagawa nina Rizal at
Ghandi.
4. Bukod sa pag-aaral ay ugaliin mo ring
(matanong) ___________ upang mas marami kang
matutuhan at maibigay para sa iyong bayan.

5. (Mahusay) ___________ ang mga Pilipinong


gumagawa ng makakaya para sa bayan.

You might also like