You are on page 1of 12

Ang Maka-Pilipinong

Pananaliksik
Aralin 9
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK
Crizel Sicat-De Laza
May-akda
Layunin ng Talakayan

• Maunawaan ang kahulugan at kabuluhan ng maka-Pilipinong


pananaliksik
• Matukoy ang kalagayan at mga hamon sa maka-Pilipinong
pananaliksik
• Maisa-isa ang gabay sa pamimili ng paksa at suliranin sa
pananaliksik
Daloy ng Talakayan

• Kahulugan at Kabuluhan ng Maka-Pilipinong Pananaliksik


• Kalagayan at mga Hamon sa Maka-Pilipinong Pananaliksik
• Mga Gabay sa Pamimili ng Paksa at Pagbuo ng Suliranin sa
Pananaliksik
Pananaliksik
• Ang pananaliksik ay paraan ng
pagtuklas ng mga kasagutan sa
mga partikular na katanungan ng
tao tungkol sa kaniyang lipunan o
kapaligiran. Patuloy ang
pananaliksik sa iba’t ibang paksa
at penomenon dahil patuloy na
inuunawa ng tao ang mga
pangyayari at pagbabago sa
kaniyang paligid.
Kahulugan at Kabuluhan ng
Maka-Pilipinong Pananaliksik

Ang maka-Pilipinong pananaliksik ay gumagamit ng wikang Filipino


at/o mga katutubong wika sa Pilipinas at tumatalakay sa mga paksang
mas malapit sa puso at isip ng mga mamamayan.
• Mahalagang idagdag sa katangiang ito na kung hindi man maiiwasan na
nasa wikang Ingles o iba pang wika ang isang pananaliksik dahil may
pangangailangang ibahagi ito sa internasyonal na mambabasa, kailangan
pa ring isalin ito sa Filipino o iba pang wika sa Pilipinas upang mas
mapakinabangan.
• Ang mahusay na pamimili ng wika at paksa ang nagtatakda sa bigat at
halaga ng gagawing pananaliksik.
Kahulugan at Kabuluhan ng
Maka-Pilipinong Pananaliksik

Pangunahing isinasaalang-alang sa maka-Pilipinong pananaliksik ang


pagpili ng paksang naaayon sa interes at kapaki-pakinabang sa
sambayanang Pilipino.
• Bago magdesisyon sa paksa, mahalagang tanungin muna ng isang
mananaliksik ang bigat at halaga ng pananaliksik para sa mga kalahok
nito o pinatutungkulan ng pananaliksik.
• Kanino ba ito magsisilbi? Ayon kay Virgilio Enriquez (1976), proponente
ng Sikolohiyang Pilipino, kailangang “ibatay sa interes ng mga kalahok
ang pagpili ng paksang sasaliksikin.
Kahulugan at Kabuluhan ng
Maka-Pilipinong Pananaliksik

Komunidad ang laboratoryo ng maka-Pilipinong pananaliksik.


• Dahil sa lumalawak ang agwat o pagkakahiwalay ng karaniwang
mamamayang Pilipino sa akademya at mga edukado, mahalagang tungkulin
din ng pananaliksik na pawiin ang pagkakahiwalay na ito.
• Mahalagang tungkulin ng mga mag-aaral, sa gabay ng kanilang mga guro,
na lumabas at tumungo sa mga komunidad bilang lunsaran ng maka-
Pilipinong pananaliksik.
• Sa pamamagitan ng pagpapalakas sa mga pag-aaral sa komunidad,
nakakakuha ng tunay na karanasan at kaalaman ang mga mag-aaral mula sa
masa.
Kalagayan at mga Hamon sa
Maka-Pilipinong Pananaliksik

Patakarang Pangwika sa Edukasyon


• Nakasaad sa Konstitusyong 1987 ang mga probisyon kaugnay ng
pagpapaunlad at pagpapayabong ng Filipino bilang wikang pambansa sa
pamamagitan ng paggamit nito bilang midyum ng pagtuturo sa sistema ng
edukasyon at pamamahala.
• Gayunpaman, tila tumataliwas ang kasalukuyang kalagayan ng wikang
pambansa lalong-lalo na sa edukasyon.
Kalagayan at mga Hamon sa
Maka-Pilipinong Pananaliksik

Ingles Bilang Lehitimong Wika


• Ingles pa rin ang lehitimong wika ng sistema ng edukasyon at lakas-
paggawa. Nagiging tuntungan ang pagpapaigting ng globalisadong
kaayusan sa lalong pagpapalakas nito bilang wika ng komunikasyon,
komersiyo, at pagkatuto lalong-lalo na sa pananaliksik.
• Wikang Ingles ang namamayaning midyum ng pagtuturo at pagkatuto sa
mga unibersidad. Dagdag pa riyan, ang katatasan sa Ingles ay nagiging
batayan sa pagkakaroon ng disenteng trabaho.
Kalagayan at mga Hamon sa
Maka-Pilipinong Pananaliksik

Internasyonalisasyon ng Pananaliksik
• Dahil sa daluyong ng globalisasyon, maging ang pamantayan sa
pananaliksik ng mga unibersidad at kolehiyo ay umaayon na rin sa
istandard ng internasyonal na pananaliksik.
• Gayundin, maliwanag ang mababang pagtingin sa mga journal ng
pananaliksik na nailalathala sa pambansang antas na kadalasang
tumatalakay sa wika, kultura, at kabihasnang Pilipino.
Kalagayan at mga Hamon sa
Maka-Pilipinong Pananaliksik

Maka-Ingles na Pananaliksik sa Iba’t ibang Larang at Disiplina


• Sa kasalukuyan, wala pang malinaw na batayan sa paggamit ng wika kaya
halos hindi pa ginagamit na wikang panturo ang wikang Filipino sa iba’t
ibang larangan tulad ng agham panlipunan, agham at teknolohiya,
matematika, pagsasabatas at pamamahala, medisina, at iba pa.
• Ingles pa rin ang namamayaning wika sa mga akademikong larangan at
maganit pa rin ang pagsasalin ng mga pananaliksik labas sa humanidades,
panitikan, at agham panlipunan
Mga Gabay sa Pamimili ng Paksa at Pagbuo ng Suliranin sa
Pananaliksik

• May sapat bang sanggunian na pagbabatayan ang napiling


paksa?
• Paanong lilimitahan o paliliitin ang isang paksa na
malawak ang saklaw?
• Makapag-aambag ba ako ng sariling tuklas at bagong
kaalaman sa pipiliing paksa?
• Gagamit ba ng sistematiko at siyentipikong paraan upang
masagot ang tanong?

You might also like