You are on page 1of 95

May nga salitang binubuo ng salitang-ugat at panlapi

gaya ng pumasok, nag-aral, at basahin. May panlaping


matatagpuan sa unahan ng salita, gitna, o hulihan gaya
ng um, mag-, nag-, an, in, at han.

Ang panlapi ay isang morpema na ikinakabit sa isang


salitang-ugat upang makabuo ng isang bagong salita o
anyo ng salita.
Kabilaan
Kabilaan ang tawag sa mga panlaping
nasa unahan at hulihan ng salitang-ugat.
Laguhan
Laguhan ang tawag sa mga panlaping nasa
unahan, gitna at hulihan ng salitang-ugat.
Isulat ang salitang-ugat ng mga pandiwang may
salungguhit.
1. Nadapa si Ken habang tumatakbo.

2. Nagsepilyo si Joanna bago matulog.

3. Pagkatapos niyang maglaro, niligpit niya ang mga laruan.

4. Sinasampay na ni Ate ang nilabhang damit ni nanay.

5. Buksan mo ang aklat sa pahinang sasagutan natin.


Bilugan ang mga panlaping ginamit sa may salungguhit
na salita. Isulat kung anong panlapi ang ginamit dito.
1. Tawagan mo ang iyong amang nasa probinsiya.

2. Kumikislap ang mga palarang nakasabit sa pinto.


3. Mamaya pa magsasaing si Aling Mer pagdating ni Lindo.
4. Ang Panginoon ay lagging gumagabay sa atin.
5. Bukas susulsihan ng ina ang punit na medyas ni Ana.
Sagot:

1.An

2. Um

3. Mag

4. Um

5. Han
PAGPAPANTIG
Ano ang pantig?
Ang pantig ay galaw ng bibig,
saltik ng dila na may kasabay
na tunog ng lalamunan o
walang antalang bugso ng tinig
sa pagbigkas ng salita.
Ang Pagpapantig
• Ang pagpapantig ay paghahati ng salita sa
pantig o mga pantig.

• 1 Ang magkasunod na dalawa o higit pang patinig


ng salita ay hiwalay na mga pantig

Halimbawa:
• uupo > u – u - po paano > pa – a – no noo > no - o
• 2 Ang magkasunod na katinig sa loob ng isang
salita ay pinaghihiwalay, ang una ay kasama sa
patinig na sinusundan at ang ikalawa ay sa patinig
na kasunod.

Halimbawa: tukso > tuk - so


pandak > pan - dak luksa > luk – sa

• 3 Sa hiram na salita, ang magkasunod na katinig ay


parehong kasama sa kasunod na patinig.

Halimbawa: sobre > so-bre pobre > po-bre


• 4 Sa pag-uulit ng pantig:
a. Ang patinig lamang ang inuulit kung ito ay unang
tunog ng salitang ugat.

Halimbawa: asa > a-a-sa alsa > a-al-sa


ekstra > e-eks-tra

• b. Kung ang unang pantig ng salitang ugat ay


nagsisimula sa katinig-patinig ang katinig at
kasunod na patinig lamang ang inuulit

Halimbawa: punta > pu-pun-ta sulat > su-su-lat


prito > pi-prituhin
Pantigin ang mga salita.

KALABAW – KA-LA-BAW
HIKAW – HI-KAW
UNGGOY – UNG-GOY
KAHOY – KA-HOY
BLUSA - BLU-SA
KAKLASE – KA-KLA-SE
BUNDOK - BUN-DOK
PANGKAPAYAPAAN
PANG-KA-PA-YA-PA-AN

You might also like