You are on page 1of 18

Best

This Photo by Unknown author is licensed under CC BY-NC.

morning!
Ma'am Neth
Gullen
Ihanda ang mga sumusunod:
1. paper and pen
2. pagsagot sa 4 na tanong
3. paggamit ng buong
pangungusap sa pagsagot sa
tanong
Pabula –
Ito ay isang maikling
kwento na mga hayo
ang tauhan at nag-
iiwan ng aral sa mga
mambabasa.
Si Togak at
ang Gintong
Uwak
    Noong unang panahon ay may isang ibon
na nakatira sa kagubatan na ubod ng itim at
may mapupulang mga mata. Ang pangalan
ay Togak. Dahil sa kaniyang anyo ay nahihiya
itong lumapit at makipaglaro sa iba dahil
baka pagtawanan lamang siya ng mga ito.
Kaya palagi siyang nag-iisa at nagdarasal na
sana ay maging maganda ang kaniyang anyo
tulad ng iba.
       Isang araw, habang naghahanap ng
pagkain si Togak ay may narinig siyang
tumawag sa kanya. Agad na lumapit si
Togak at nakita niya ang isang magandang
diwata. “Ako si Inang diwata. Ang diwata
ng mga ibon. At narito ako para tuparin
ang iyong kahilingan ngunit sa isang
kondisyon,” wika ng diwata Kailangan
mong magpakita ng magandang asal at
huwag ipagmalaki kung ano man ang iyong
kaanyuan. 
   Kung hindi, ikaw ay babalik sa dati
mong anyo,” malinaw na sabi ng
diwata. At isang kumpas lang ng
kamay ng diwata naging kulay ginto
ang kaniyang mga balahibo at
naging maamo ang kaniyang mga
mata. “Maraming salamat!”
Masayang sabi ni Togak sa diwata.
       Habang naglalaro sina Kalapati, Kuwago at Maya
ay napansin nilang napakaliwanag at kulay ginto ang
mga balahibo ni Togak. Inggit na inggit sa kaniya ang
mga ito.“Togak, puwede bang makipag-kaibigan?”
Sabi nila. “Ayokong makipag-kaibigan sa mga
mabababang uri,” pahambog na sabi ni Togak. 
Umalis kayo sa harapan ko,

ayokong makipag-kaibigan sa
mga katulad niyo!” Pagyayabang
na sabi ni Togak sa mga ito.
“Talagang nagbago na nga si
Togak mula ng maging ginto ang
kaniyang mga balahibo.” Wika ni
Kuwago. “Oo nga, talagang wala
na siyang kinikilalang kaibigan.”
Sabi naman ni Maya.
      Kaya isang araw habang
naglalakad si Togak ay nagpakita
muli sa kaniya ang diwata. “Togak,
dahil sa ipinakita mong masamang
pag-uugali at pagiging hambog,
ikaw ay babalik sa dati mong
anyo.” Wika ng diwata. At sa isang
iglap lang ay bumalik nga ang
dating anyo ni Togak na sobrang
itim at mapupula ang mga mata. 
  
      Kaya umuwi si Togak
na luhaan at hiyang-hiya sa sarili.
At ng papauwi siya
ay nasalubong niya sina Kalapati,
Kuwago at Maya. “Puwede
bang makipagkaibigan sa
iyo?” Sabi ni Kuwago. “Kahit
na ganito ang anyo
ko,” malumanay na sabi ni Togak.​
Hindi naman panlabas na anyo
“           

ang basihan sa pakikipagkaibigan,


ang importante ay tanggap ninyo ang
isa’t isa.” wika ni Kalapati. Kaya mula
noon ay masayang masaya na si
Togak sa mga bago nitong kaibigan.
Kahit na ubod ng itim at mapupula
ang mga mata ay wala na siyang
ikinahihiya. Dahil tanggap siya ng mga
ito ano man ang kaniyang anyo.
Sagutin ang mga
tanong at
gumamit ng
kumpletong
pangungusap.
Sino ang
pangunahing
tauhan sa
kuwento?
Bakit umiiwas si
Togak sa ibang
ibon?
Kung ikaw si
Togak, paano mo
dadalhin ang iyong
sarili bilang isang
batang may ubod
itim na balat?
Anong
magandang aral
ang hatid ng
pabulang ito?
Thanks for
watching!

You might also like