You are on page 1of 21

ANO ANG TEKSTONG DESKRIPTIBO?

• Ang tekstong deskriptibo ay isang pagpapahayag ng impresyon o


kakintalang likha ng pandama. Sa pamamagitan ng pang-amoy, panlasa,
pandinig at pansalat, itinatala ng sumusulat ang paglalarawan ng
mga detalye na kanyang nararanasan.

• Ito ay naglalayong magsaad ng kabuoang larawan ng isang bagay,


pangyayari, o kaya naman ay magbigay ng isang konseptong biswal ng
mga bagay-bagay, pook, tao, o pangyayari.
LAYUNIN AT KAHALAGAHAN

LAYUNIN: Ang paglalarawan ay may layuning makapagpamalas sa isip ng


tagapakinig o mambabasa ng isang malinaw at buong larawan.

KAHALAGAHAN:
Mahalaga ang paglalarawan sa teksto dahil mas nakatutulong ito upang
mas malawak na maintindihan ng mambabasa ang mga imahe na nais
ipaisip o iparating ng manunulat. Nakakatulong ito upang mas malawak
maipagana ang imahinasyon ng mambabasa. Mas madaling maiintindihan
at ang tekstong binabasa kung malinaw ang pagkakalarawan ng
manunulat.
PARAAN NG PAGLALARAWAN

Deskriptibo ang isang teksto kung ito ay nagtataglay ng mga


impormasyong may kinalaman sa pisikal na katangian ng isang bagay,
lugar at maging ng mga katangiang taglay ng isang tao o pangkat ng
mga tao, kalimitang tumutugon ito sa tanong na Ano.

 Batay sa PANDAMA - nakita, naamoy, nalasahan, nahawakan, at


narinig
 Batay sa NARARAMDAMAN - bugso ng damdamin o personal
na saloobin ng naglalarawan.
 Batay sa OBSERBASYON - batay sa obserbasyon ng mga
nagyayari.
KARANIWAN

Karaniwan ang paglalarawan kung nagbibigay ng impormasyon


ayon sa pangkalahatang pagtingin o pangmalas.

Sa Karaniwang Paglalarawan:
 Ang damdamin at opinyon ng tagapaglarawan ay hindi
dapat isinasama
 Gumagamit lamang ito ng mga tiyak at karaniwang salitang
panlarawan at itinatala ang mga bagay o ang mga partikular
na detalye sa payak na paraan
KARANIWAN
Halimbawa #1
Maganda si Matet. Maamo ang mukha lalo pang
pinatitingkad ng mamula-mula niyang pisngi. Mahaba ang ang
kanyang buhok na umaabot hanggang sa baywang.
Balingkinitan ang kanyang katawan na
binagayan naman ng kanyang taas.
Halimbawa #2
Si Kapitan Tiyago ay pandak, maputi-puti, bilog ang
katawan at pagmumukha dahil sa katabaan. Siya ay mukhang
bata kaysa sadya niyang gulang. Ang kanyang pagmumukha ay
palaging anyong banal.
MASINING
Masining ito kung ito ay nagpapahayag ng isang buhay na larawan
batay sa damdamin at pangmalas ng may-akda. Karaniwang pili ang
mga ginagamit na salita sa paglalarawan, kabilang na ang paggamit ng
mga pang-uri, pang-abay, tayutay, at idyoma.

Sa Masining na Paglalarawan:
 Ang mga detalyeng inihahayag dito ay nakukulayan ng imah
inasyon, pananaw at opinyong pansariling tagapagsalaysay.
 may layunin itong makaantig ng kalooban ng tagapakinig o
mambabasa para mahikayat silang makiisa sa naguniguni o
sadyang naranasan nitong damdamin sa inilalarawan
MASINING
Halimbawa #1
Muling
nagkab
uhay si
Venus
sa
katauh
Halimbawa
an #2
ni
Ang kapayapaan ng bukid ay tila kamay ng isang inang
Matet.
humahaplos sa nag-iinit
Ang maamo niyang namukhang
noo ni Danding.
tila anghel ay sadyang
kinahuhumalingan ng mga (Mula sa ni
anak “Lupang Tinubuan”ang
Adan. Alon-alon ni kanyang
buhok naNarciso G. Reyes)
bumagay naman sa kainggit inggit niyang
katawan at taas.
WIKA

•Kung ang isang pintor ay pinsel ang ginagamit upang mailarawan


niya ang kagandahan ng kanyang modelo, ang isang manunulat
naman ay wika ang ginagamit upang makabuo ng isang malinaw
at mabisang paglalarawan. Karaniwang ginagamit dito
ang pang-uri at pangabay
MAAYOS NA DETALYE

Dapat magkaroon ng masistemang pananaw sa paglalahad ng mga


bagay na makatutulong upang mailarawang ganap ang isang tao,
bagay, pook, o pangyayari. Kapag maayos ang pagkakalahad ng
mga detalye, ang mga bumabasa o nakikinig ay nagkakaroon ng
pagkakataon na pakilusin ang kanilang imahinasyon upang
mailarawan sa isip ang mga bagay-bagay na inillalarawan.
PANANAW NG PAGLALARAWAN

Maaring magkaiba-iba ang paglalarawan ng isang tao, bagay,


pook, o pangyayari salig na rin sa karanasan at saloobin ng taong
naglalarawan. Ang isang pook, halimbawa, ay maaring maganda
sa isang naglalarawan habang ang isa maman ay hindi kung ito ay
nagdulot sakanya ng isang di magandang karanasan.
ISANG KABUOAN O IMPRESYON

Dahil ang layunin ng paglalarawan ay makabuo ng malinaw na


larawan sa imahinasyon ng mga mambabasa, mahalaga sa isang
naglalarawan na mahikayat ang kanyang mga mambabasa o
tagapakinig nang sa gayon ay makabuo sila ng impresyon hinggil
sa inilalarawan. Dito ay sama-sama na ang bisa ng wika, maayos
na paglalahad ng mga detalye, at ang pananaw ng naglalarawan.
.
PAGLALAGOM
• Ang tekstong deskriptibo ay isang pagpapahayag ng impresyon o
kakintalang likha ng pandama.
• Ito ay naglalayong magsaad ng kabuoang larawan o isang konseptong bisw
al ng mga bagay-bagay.
• kalimitang tumutugon ito sa tanong na Ano.

MAHALAGANG KASANGKAPAN NA GINAG PARAAN NG PAGLALARAWAN


AMIT SA MALINAW NAPAGLALARAWAN
• Wika • Batay sa Pandama
• Maayos na detalye
• Batay sa Nararamdaman
• Pananaw ng paglalarawan
• Isang kabuoan o impresyon • Batay sa Obserbasyon

URI NG PAGLALARAWAN:
1.) KARANIWAN - Karaniwan ang paglalarawan kung nagbibigay ng impormasyon
ayon sa pangkalahatang pagtingin o pangmalas.
2.) MASINING - Masining ito kung ito ay nagpapahayag ng isang buhay na
larawan batay sa damdamin at pangmalas ng may-akda.
HALIMBAWA NG TEKSTONG DESKRIPTIBO

Sa mga bulubundukin ng Timog Cotabato ay naninirahan ang isang pangkat-

etnikong kung tawagin ay T’boli. Mapayapa sila at di mapaghinala sa mga dayuhan. Sila ay

may sariling kalinangan at paraan ng pamumuhay. Mapalamuti at makulay ang kanilang

kasuotan. Ang hikaw, kuwintas, at makulay na make-up ay pahiyas ng kanilang katauhan. Sa

lahat ng mga tribu sa Pilipinas, ang T’boli ay maaaring hirangin bilang isa sa may

pinakamakulay sa kasuotan at hiyas at katawan.


PAGSUSURI SA TEKSTONG BINASA:

KALIKASAN
Ang tekstong binasa ay naglalayong makapaglahad ng larawan o
ideya tungkol sa mga katangiang taglay ng pangkat-etnikong T-boli na
matatagpuan sa Timog Cotabato, Mindanao.

KATANGIAN
Ang tekstong binasa ay naglalaman ng mga salita at pangungusap na
ginamit sa paglalarawan ng pamumuhay, pananamit, at pag-uugali ng
mga taong kabilang sa pangkat-etnikong T-boli.
PAGSUSURI SA TEKSTONG BINASA:

ANYO
 Tekstong Deskriptibo
PAKSA
 Katangian ng pangkat-etnikong T’boli

KAISIPANG NAKAPALOOB SA TEKSTO:


Ang pangkat etnikong T’boli ay mayroong mapayapa at simpleng
pamumuhay.
Ang T’boli ay maaaring hirangin bilang isa sa may pinakamakulay sa larangan ng
kasuotan at hiyas at katawan.
SURIIN AYON SA KAUGNAYAN NITO SA:

Mahalaga ito…
 Sarili – upang magkaroon tayo ng ideya sa kung paano nga ba namumuhay ang
mga pangkat-etnikong tulad ng T’boli sa bansa at mas maisasaisip natin sa kung
ano-ano ang katangiang kanilang taglay.

 Pamilya – Upang magkaroon tayong mas malalim na pag-unawa at kaalaman


sa ng mga katutubong etniko na matatagpuan sa bansa.

Komunidad – upang ating mas makikilala ang mga pangkat-etniko na


naninirahan sa ibang lugar na malayo sa lungsod.
SURIIN AYON SA KAUGNAYAN NITO SA:

Mahalaga ito…

 Bansa –Upang ito ay magsilbing daan tungo sa pagpapaunlad ng ating kultura at


ating tulungan na mas lalo pa itong pagyamanin at pangalagaan.

Daigdig – Upang maipamalas at maipagmalaki natin sa lahat ang galing at talento


ng ating mga katutubong pangkat tulad ng T’boli sa buong daigdig.

Sa kabuuan, ang tekstong ito ay may layuning bigyan tayo ng ideya o konsepto
sa kung paano nga ba namumuhay ang mga pangkat-etnikong tulad ng T’boli sa
Pilipinas.
Mga pinagkunan:
 Marquez, S.T. (2016). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teskto tungo sa Panana
liksik. Sibs Publishing House
http://siningngfilipino.blogspot.com/2015/08/ang-paglalarawan-na-pagpapaha
yag.html

You might also like