You are on page 1of 25

SINTAKS

Gawin Natin!
Ilabas ang dalang prutas.
Salatin ang balat nito sa labas.
Damhin ang kinis o gaspang, ang mga
uka o bukol, ang mga kurba, at iba pa.
Balatan ang prutas. Damhin naman
ang tekstura ng balat nito sa loob, gaya
ng pagkamamasa-masa o lagkit nito.
Samyuin ang amoy ng prutas.
Gawin Natin!
Ngayon, obserbahang mabuti ang
laman (flesh) ng prutas. Matigas ba
ito, malambot, buo, hiwa-hiwalay?
Kagatin ang prutas. Pakalasapin ito.
Obserbahan ang pagkakaayos ng mga
buto ng prutas.
Pagmasdan ang iba pang katangian ng
dalang prutas.
Gawin Natin!
Ihambing ang mga katangian ng iyong
prutas sa buhay ng tao.
Ano ang kinakatawan ng kinis o
gaspang?
Sa anong karanasan nahahalintulad
ang lasa o amoy?
Paano mo nakikita ang mga buto sa
iyong pamilya o kaibigan?
Gawin Natin!
Sa 1/4 na papel, gumawa ng tanaga ukol sa
dalang prutas. Ang tanaga ay isang tulang
may apat na linya at pitong pantig sa bawat
isa, gaya ng sumusunod:

Palay siyang matino


Nang humangi’y yumuko
Ngunit muling tumayo
Nagkabunga ng ginto
Sintaks
Ang set ng mga tuntunin na
pumapatnubay kung paano maaaring
pagsama-samahin o pag-ugnay-
ugnayin ang mga morpema / salita
upang makabuo ng mga parirala o
pangungusap.
Sintaks
Mga Salitang Mga Salitang
Pangnilalaman Pangkayarian
(Content Words) (Function Words)
pangngalan pangatnig
panghalip pang-angkop
pang-uri pang-ukol
pang-abay pantukoy
pangawing na “ay”
Sintaks
Mga Uri ng Pangungusap Ayon sa Ayos:

1. Payak (Simple) – kung binubuo


lamang ng isang sugnay na nakapag-iisa.

Hal., Matayog ang lipad ng eroplano.


Sintaks
Mga Uri ng Pangungusap Ayon sa
Ayos:

2. Tambalan (Compound)– kung binubuo


ng dalawang sugnay na nakapag-iisa (at,
ngunit, subalit, datapwat)

Hal., Matayog ang lipad ng eroplano at


siya ay kasabay nitong lumilipad.
Sintaks
Mga Uri ng Pangungusap Ayon sa
Ayos:

3. Hugnayan (Complex) – kung binubuo


ng isang sugnay na nakapag-iisa at isang
hindi nakapag-iisa (sapagkat, dahil,
upang, nang, para).

Hal., Matayog ang lipad ng eroplano


upang hindi ito maabala ng mga ulap.
Sintaks
Mga Uri ng Pangungusap Ayon sa Ayos:

4. Langkapan (Compound Complex) – kung


binubuo ng dalawang sugnay na nakapag-iisa
at isang hindi nakapag-iisa.

Hal., Matayog ang lipad ng eroplano at siya


ay kasabay nitong lumilipad ngunit naiwan
niya sa Pilipinas ang kanyang kasintahan
dahil abala naman ito sa kanyang restawran.
Sintaks
Mga Uri ng Pangungusap Ayon sa
Nilalaman:

1. Paturol (Declarative) – kung


nagpapahayag ng payak na impormasyon.

Hal., Dumarami na ang sangay ng kanyang


restawran.
Sintaks
Mga Uri ng Pangungusap Ayon sa
Nilalaman:

2. Patanong (Interrogative) – kung nag-


uusisa at humahanap ng impormasyon.

Hal., Ilan na ba ang mga sangay ng iyong


restawran?
Sintaks
Mga Uri ng Pangungusap Ayon sa
Nilalaman:

3. Pautos (Imperative) – kung nagbibigay


ng kilos na dapat gawin ng kausap.

Hal., Pakilinis na ang mga mesa para sa


susunod nating mga kustomer.
Sintaks
Mga Uri ng Pangungusap Ayon sa
Nilalaman:

4. Padamdam (Exclamation) – kung


nagbubulalas ng matinding damdamin.

Hal., Yahoo! Ang ating restawran ang


ginawaran ng Consumer’s Choice Award!
Sintaks
Mga Uri ng Pangungusap na Walang Paksa:

1. Pangungusap na Eksistensyal –
nagpapahayag ng pagkakaroon o kawalan.

Hal., May pag-ibig ka pa ba para sa akin?


Wala. (E, hindi naman kita kilala.)
Sintaks
Mga Uri ng Pangungusap na Walang Paksa:

2. Pangungusap na Pahanga –
nagpapahayag ng damdamin ng paghanga.

Hal., O, kayganda!
Ang galing!
Sintaks
Mga Uri ng Pangungusap na Walang Paksa:

3. Maiikling sambitla – isa o dalawang pantig


na katagang may matinding damdamin.

Hal., Aray!
Syet!
Sintaks
Mga Uri ng Pangungusap na Walang Paksa:

4. Pangungusap na Pamanahon –
nagsasaad ng oras o panahon.

Hal., Sa makalawa pa.


Tag-ulan na naman.
Sintaks
Mga Uri ng Pangungusap na Walang Paksa:

5. Pormulasyong Panlipunan – pagbati at iba


pang kalugod-lugod na salitang sinasabi upang
makapagtaguyod ng mabuting ugnayan.

Hal., Magandang umaga! Opo.


Maligayang kaarawan!
Sintaks
Mga Uri ng Pangungusap na Walang
Paksa:

6. Modal – nagpapahayag ng kagustuhan.

Hal., Gusto kong kumain.


Sintaks
Mga Uri ng Pangungusap na Walang Paksa:

7. Penomenal – nagsasaad ng mga


pangyayari sa kalikasan.

Hal., Nagbaha sa UST.


Sintaks
Mga Uri ng Pangungusap na Walang Paksa:

8. Pandiwang tugon sa pangungusap o nag-


uutos o nagyayaya

Hal., Dali!
Layas!
Tayo na!
Sintaks
Mga Uri ng Pangungusap na Walang Paksa:

9. Panawag

Hal., Psst!
Hoy!
Sintaks
Takdang – Aralin:
1.Anu-ano ang mga uri ng
pangungusap ayon sa
kayarian? Bigyang katuturan
ang bawat uri.
2.Mabigay ng tig-2 halimbawa.

You might also like