You are on page 1of 30

GMRC 3

Yunit 1: PANANAGUTANG
PANSARILI AT PAGIGING
KASAPI NG PAMILYA

JESSA MAE NASALITA


SUBJECT TEACHER
ARALIN 1:
Kalusugan ng Sarili, Natatanging
Kayamanan
Pangalagaan ang
sarili, gawaing
katangi-tangi.
GAWAING DAPAT PAHALAGAHAN

Pagmasdan ang larawan ng dalawang bata sa loob ng


kahon. Kulayan ng dilaw ang mga salitang naglalarawan
sa kanilang kalagayan.
payat

malakas

matamlay

malusog

mahina
GAWAING DAPAT PAHALAGAHAN

Bakit kaya ganito ang kalagayan ng dalawang bata sa


larawan?

Paano kaya nila pinapangalagaan ang


kanilang sarili at bakit sila naging ganito?
GAWAING DAPAT PAHALAGAHAN

Bawat tao sa daigdig ay binibigyan ng Panginoon ng


sariling pangangatawan.
Ang katawan ang iyong
ginagamit upang maisagawa
ang iba’t ibang gawain. Kung
malakas ang iyong katawan,
madali mong maisasagawa
ang mga gawain.
Kung ito naman ay mahina, mahihirapan
kang gawin ang ang ibang gawain.
GAWAING DAPAT PAHALAGAHAN

Masaya ka ba kapag naisasagawa mo


ang iyong mga gawain?

Sa tingin ninyo, ano naman


kaya ang nararamdaman ng
mga taong hindi naisagawa
ang kanilang gawain dahil sa
panghihina ng kanilang
katawan?
Aral sa Buhay
Katatapos pa lamang ng
pagsusulit ng
magkakaibiganng Frank at
Nardo. Naunang natapos si
Frank. Hinintay nyang
matapos si Nardo upang
sabay silang magtungo sa
ilalim n puno. Habang siya
Sariling Binusog sa ay naghihintay, napansin
Pangangalaga, nitong tila hindi mapalagay
Katawan at Isipan ang kanyang kaibigan
ang Magpapala habang nagsusulit.
Aral sa Buhay
Nahalata rin niya ang
madalas na pagkamot
nito sa ulo at malalim na
pagbuntong hininga.
Nang makatapos si
Nardo, saka sila sabay
na naglakad patungo sa
Sariling Binusog sa ilalim ng puno ng
Pangangalaga, mangga at
Katawan at Isipan nagkuwentuhan.
ang Magpapala
Aral sa Buhay
Frank: Mabuti na lamang
at natapos na rin ang
ating pagsusulit.
Nakasagot kaba ng
mabuti?

Nardo: Sa palagay ko
Sariling Binusog sa hindi ako makakapasa
Pangangalaga, sa pagsusulit. Marami
Katawan at Isipan akong hindi nasagutan.
ang Magpapala
Aral sa Buhay
Frank: Bakit naman?

Nardo: Hindi ako


nakapag-isip nang
mabuti. Pinipilit kong
isipin ang mga sagot
subalit nahihirapan ako.
Sariling Binusog sa Nanghihina rin ang aking
Pangangalaga, pakiramdam at madalas
Katawan at Isipan akong dalawin ng antok
ang Magpapala
habang nagsusulit.
Aral sa Buhay
Frank: Halata nga sa iyo
angpanghihina. Tila latang-lata
ka at walang blakas ng
katawan. Nahahalata ko rin na
tila pumapayat ka. Ano ba ang
nangyari?

Nardo: Madalas kasi akong


mapuyat dahil tinatapos ko pa
ang mga palabas sa telebisyon.
Sariling Binusog sa Magaganda kasi ang mga
Pangangalaga, sinisubaybayan kong palabas
Katawan at Isipan kaya pinipilit kong tapusin ang
mga ito kahit inaantok na ako.
ang Magpapala
Aral sa Buhay
Frank: Kaya pala madalas kang
dalawin ng antok dahil lagi
kang nagpupuyat.

Nardo: Dahil sa panonood ko ng


telebisyon, minsan hindi na rin
ako nakakakain ng hapunan.
Kaya madalas, nakakatulog
akong hindi manlang kumain.

Sariling Binusog sa Frank: Naku! Kaya naman pala


Pangangalaga, ganyan ang iyong pakiramdam.
Katawan at Isipan Kulang ka na sa tulog, kulang
ka pa rin sa pagkain. Talagang
ang Magpapala
manghihina ang iyong katawan.
Aral sa Buhay
Nardo: Ikaw, nakuha mo
ba ang pagsusulit
kanina?

Frank: Oo. Nakapag-aral


kasi ako ng husto.
Naging magaan lang sa
akin ang pagsagot
Sariling Binusog sa kanina. Madali kong
Pangangalaga,
Katawan at Isipan
maisip ang aking mga
ang Magpapala pinag-aralan.
Aral sa Buhay
Nardo: Papaano mo
nagawa iyon?

Frank: Masigla kasi


ang aking
pakiramdam. Hindi
ako nakakaramdam
Sariling Binusog sa ng panghihina kaya
Pangangalaga,
Katawan at Isipan
napakadali kong mag-
ang Magpapala isip ng mga sagot.
Aral sa Buhay Nardo: Mabuti ka pa.

Frank: Maaga kasi akong


natutulog at kumakain
nang sapat na pagkain
upang manatiling
malakas ang aking
pangangtawan.
Sariling Binusog sa
Pangangalaga, Nardo: hindi ka ba
Katawan at Isipan nanonood ng mga
ang Magpapala
programa sa telebisyon?
Aral sa Buhay
Frank: Kung may pagsusulit,
hindi ako nanonood ng
telebisyon upang makapag-
aral ako nang mabuti.

Nardo: Buti ka pa. Halatang


napakasaya mo pagkatapos
ng ating pagsusulit.
Sariling Binusog sa Samantalang ako, sinisisi ko
Pangangalaga, ang aking sarili. Natitiyak
Katawan at Isipan kong mababa ang makukuha
ang Magpapala kong marka.
Aral sa Buhay
Frank: Huwag kang mag-alala,
maaari ka pang bumawi sa
susunod na pagsusulit.
Matulog ka lang nang maaga
palagi at kumaing mabuti.
Marami tayong hindi
magagawa kapag nanghihina
ang ating katawan.

Sariling Binusog sa Nardo: Oo nga eh. Salamat sa


Pangangalaga, pagpapaalala. Hayaan mo
babawi ako sa susunod .
Katawan at Isipan
Gagayahin ko rin ang ginawa
ang Magpapala
mo.
Gabay sa Buhay 1. Ano ang pinag-usapan ng magkaklase?
______________________________________________
Isulat sa patlang ______________________.
2. Bakit malungkot si Nardo?
ang hinihinging ______________________________________________
kasagutan sa ______________________.
3. Ano ang mga dahilan kung bakit hindi
bawat katanungan. naging mabuti ang pagsagot ni Nardo sa
kanyang pagsusulit?
______________________________________________
______________________.
4. Papaano nagkaiba ang nararamdaman
ng magkaklase?
______________________________________________
______________________.
5. Gaano kahalaga ang kalusugan sa pag-
iisip at pangangatawan ng mag-aaral?
______________________________________________
______________________.
KAGANDAHANG ASAL

DISIPLINA SA SARILI ANG SAGOT SA


MALUSOG NA PANGANGATAWAN
Ang kalusugan ay kayamanan
ng sarili.
Malaki ang naitutulong ng malusog na
pangangatawan sa isipan ng tao.
Madaling makapag-isip ang tao kapag
malusog ang kanyang pangangatawan.
Nagbibigay din ito ng ibayong lakas ng
katawan sa tao upang maisagawa ang
kanyang mga gawain.
KAGANDAHANG ASAL

Ang malusog na
pangangatawan ay
nakukuha sa pagkain
ng masusustansiyang
pagkain.

Kailangan din ang sapat na


oras ng pagpapahinga at
pagtulog upang makuha ang
sapat na lakas.
KAGANDAHANG ASAL
Ang pang-aabuso sa
katawan tulad ng labis na
pagpupuyat at pagpapalipas
ng oras sa pagkain ay hindi
mabuti sa katawan.
Kailangan din piliin ang mga
pagkain na dapat kainin.
Ang wastong
paglilinis din ng
katawan ay lubos na
nakatutulong upang
maging malusog.
KAGANDAHANG ASAL

Disiplina sa sarili ang


kailangan upang makamit
ang isang malusog na
pangangatawan. Nararapat
tandaan na ang sarili ang
unang makikinabang sa
mabuting kalusugan.
KAGANDAHANG ASAL

Disiplina ang Kailangan sa Kalusugan ng Katawan


Disiplina sa Pagkain
1. Piliin lamang ang mga pagkaing magpapabuti ng
iyong kalusugan.
2. Magtanong sa mga magulang kung ano ang
pagkaing nararapat mong kainin.
KAGANDAHANG ASAL

Disiplina ang Kailangan sa Kalusugan ng Katawan


Disiplina sa Paglilinis ng Sarili
1. Regular na paglilinis ng katawan.
2. Pagbibigay ng tamang oras sa paglilinis ng katawan
KAGANDAHANG ASAL

Disiplina ang Kailangan sa Kalusugan ng Katawan


Disiplina sa Pangangalaga sa Sarili
1. Paglalaan ng sapat na oras sa sarili upang
makapagpahinga
2. Pag-eehersisyo
Salamat sa pakikinig :)
Click to edit the icon
Click to edit the icon

You might also like