You are on page 1of 34

! !

!
!

ATTENDANCE !!!
24
news

BALITAAN
Breaking news DEPED HERO
NGAYON
TV
Sa ulo ng mga nagbabagang balita, mga balitang napapanahon ihahatid
ALAMIN NATIN
Isa ka ba sa mga mamimili na bago bumili ng isang bagay
ay inaaalam mo muna ang iyong badyet o kaya naman o
kaya naman sinusuri mo muna ang produkto kung ito ay
tama lang sa presyo?
Ngunit hindi lamang ang
presyo ang batayan ng
pagbibili at pabili ng
produkto. Mahalagang salik
din ang maunawaan ang
mekanismong nag-uugnay
sa mamimili at nagbibili—
walang iba kundi ang
pamilihan.
Ngunit ano ang pamilihan?

Paano nakakaapekto ang estruktura ng


pamilihan sa presyo ng bilihin?
Layunin
MELC
ARALING
PANLIPUNAN
BASED
9
ISTRUKTURAPAMILI
MILIHA
NG
ISTRUKTURA NG
PAMILIHAN
TUKLASIN
Ang istruktura ng pamilihan ay
tumutukoy sa balangkas na umiiral sa
sistema ng merkado kung saan
ipinapakita ang ugnayan ng konsyumer
at prodyuser.
Ito ay nahahati sa dalawang pangunahing
balangkas----ang pamilihan na may ganap
na kompetisyon (Perfectly Competitive
Market (PCM)) at ang pamilihang hindi
ganap ang kompetisyon (Imperfectly
Competitive Market (ICM)).
• Pamilihang May Ganap na Kompetisyon - Ito ang
istruktura ng pamilihan na kinikilala bilang modelo o
ideal.

Sa ilalim ng ganitong sistema, walang sino man sa


prodyuser at konsyumer ang maaaring makakontrol sa
takbo ng pamilihan partikular sa presyo.
Ito ay nangangahulugang hindi kayang idikta nang isang
prodyuser at konsyumer ng mag-isa ang presyo.
• Pamilihang May Hindi Ganap na Kompetisyon -
Tinatawag na pamilihang may hindi ganap na
kompetisyon ang estruktura kung wala ang anumang
kondisyon o katangian na matatagpuan sa pamilihang
may ganap na kompetisyon.
Sa pangkalahatang paglalarawan, ang lahat ng
prodyuser na bumubuo sa ganitong istruktura ay may
kapangyarihang maimpluwensiyahan ang presyo sa
pamilihan.
A. MONOPOLYO

B. MONOPSONYO

C. OLIGOPOLYO
MONOPOLYO
ito ay ang uri ng
pamilihan na iisa
lamang ang
prodyuser na
gumagawa ng
produkto o
nagbibigay serbisyo
kung kaya’t walang
pamalit o kahalili.
MONOPSONYO
Sa ganitong uri ng
pamilihan, mayroon
lamang iisang mamimili
ngunit maraming
prodyuser ng produkto
at serbisyo. Sa ganitong
kalagayan, may
kapangyarihan ang
konsyumer na
maimpluwensiyahan ang
presyo sa pamilihan.
MONOPSONYO
OLIGOPOLYO
ito ay isang uri ng
estruktura ng
pamilihan na may
maliit na bilang o iilan
lamang na prodyuser
ang nagbebenta ng
magkakatulad o
magkakaugnay na
produkto at serbisyo.
SUBUKAN
NATIN

SIMULAN NA
GAWAIN 1
Panuto: Pumili ng apat na
mahahalagang salita o konsepto
na iyong pag – uugnay – ugnayin
upang maipaliwanag ang konsepto
ng pamilihan. Gamitin ang concept
mapping chart upang itala ang
iyong kasagutan.
PAMILIHAN
GAWAIN 2
Panuto: BAWAL ANG JUDGMENTAL! Pumili ng dalawang
may - ari ng karinderya, sari-sari store o tindahan sa
inyong barangay. Tanungin kung ano – ano ang gimik nila
upang makaakit ng mga kostumer o mamimili sa kabila ng
pandemya. Paghambingin ang dalawang tindahan batay sa
kanilang sagot. Tiyaking may face mask habang
nagsasagawa ng panayam. Isaalang alang rin ang social
distancing na naaayon sa rekomendasyon ng Department
of Health at IATF (Inter-Agency Task Force) laban sa COVID-
19. Isulat ang kabilang sagot sa kahon na may palatandaan
na Tindahan A at Tindahan B. Sa ilalim nito, isulat mo
naman ang iyong obserbasyon at opinyon base sa kanilang
sagot.
Ano – ano ang gimik nila upang makaakit ng mga kostumer o mamimili
sa kabila ng pandemya?
Tindahan A Tindahan B
   
 
 
 
 
 
Ang iyong obserbasyon at opinyon…..
 
 
 
 
Gawain 2
Panuto: PAGRERESIKLO: BOOK-
AS NA ISIPAN! Gamit ang mga
mareresiklong colored paper at
magasin, gumawa ng isang
book mark na may laking 2 x 4
na cardboard o lumang folder.
Maglagay ng isang kasabihan
ukol sa Istruktura ng Pamilihan.
Gawing gabay ang rubriks sa
pagpapakita ng abilidad sa
gawain. Ito ang magsisilbing
gabay para sa inyong puntos sa
gawain na ito. Idikit sa tabi ng
rubrik ang ginawang bookmark.
RUBRIK
Rubrik sa Pagwawasto
Pamantayan Puntos
Kaangkupan sa tema o paksa (8 puntos)  
Kahusayan sa pagpapahayag ng mensahe  
gamit ang sining (7 puntos)
Kahusayan sa pagreresiklo (5 puntos)  
Kabuuang Marka 20 puntos  
PAGTATAYA
Panuto: Punan ng tamang sagot ang mga patlang upang
makompleto ang diwa ng talata.

Ang ___________ ay tumutukoy sa mekanismo ng


interaksyon ng mamimili (_________) at nagbibili
(________) upang magtakda ng presyo kapag nangyayari
na ang palitan ng mga produkto at serbisyo. Hindi lamang
ito isang lugar o tindahan na pinagdarausan ng bilihan ng
mga kalakal.
Sa isang sistemang pamilihan, ang lahat ay may presyo.
Ang _____________ ang tumatayong halaga ng produkto
sa pera. Noong panahon na umiiral pa ang sistema ng
barter, maaari mong ipagpalit ang isang produkto o
serbisyo sa ibang produkto o serbisyo din.
PAGTATAYA
Ang ____________ ng pamilihan ay tumutukoy sa
balangkas na umiiral sa sistema ng merkado kung saan
ipinapakita ang ugnayan ng konsyumer at prodyuser. Ito ay
nahahati sa dalawang pangunahing balangkas----ang
pamilihan na may _____________ na kompetisyon at ang
pamilihang ____________ ang kompetisyon.
Ang mga anyo na bumubuo sa pamilihang may hindi-ganap
na kompetisyon ay ang _________________,
_________________, at ___________________.
“ We who live in free market
societies believe that growth,
prosperity, and ultimately
human fulfillment are created
from the bottom up, not the
government down.”
—Ronald Reagan

THANK YOU!
REFERENCE
Aklat:

Kasaysayan ng Daigdig, Araling Panlipunan – Modyul ng Mag-aaral, Unang Edisyon 2014,


ISBN:978-9601-67-8

Mga Sanggunian sa internet:

Ancient Greek Civilization. “Article” Accessed July 1, 2020,


https://www.timemaps.com/civilizations/ancient-greeks/

You might also like