You are on page 1of 27

SLIDESMANIA

Pagsulat ng Abstrak
Bb. Abigail Blest R. Bantayan
SLIDESMANIA.C
SLIDESMANIA
Mga Layunin:

01 Nauunawaan ang 02 Naiisa-isa ang mga dapat


kahulugan ng tandaan at hakbang sa pagsulat
Abstrak
ng Abstrak
03 Nakasusulat ng isang Abstrak mula
SLIDESMANIA.C

sa isinagawang pananaliksik
SLIDESMANIA
Abstrak
Ito ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa
pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis,
papel na siyentipiko at teknikal, lektyur at mga report.
SLIDESMANIA.C
SLIDESMANIA
Abstrak
Ang abstrak, mula sa salitang Latin na abstracum, ay
ang maikling buod ng artikulo o ulat na inilalagay
bago ang introduksiyon.
SLIDESMANIA.C
SLIDESMANIA
Abstrak
Sa modernong panahon at pag-aaral, ginagamit ang
abstrak bilang buod ng mga akademikong sulatin na
kadalasang makikita sa panimula o introduksiyon ng
SLIDESMANIA.C

pag-aaral.
SLIDESMANIA
Abstrak
Ito ay naglalaman ng kaligiran ng pag-aaral, saklaw,
pamamaraang ginamit, resulta, at kongklusyon
(Koopman, 1997).
SLIDESMANIA.C
SLIDESMANIA
Mga Bahagi o Nilalaman
ng Isang Abstrak
SLIDESMANIA.C
SLIDESMANIA
Rasyonale
▪ Ito ang bahaging nagsasaad sa kasaysayan o dahilan
kung bakit napiling talakayin ang isang paksa.
Nakapaloob din dito ang layunin at suliranin ng pag-
SLIDESMANIA

aaral.
Saklaw at de-limitasyon
▪ Inihahanay ng mananaliksik sa bahaging ito ang
limitasyon ng kanyang pag-aaral. Binabanggit kung ilan
ang respondente at ano lamang ang saklaw ng paksang
pinag-aaralan.
SLIDESMANIA
Metodolohiya
▪ Maikling paliwanag tungkol sa paraan at instrumentong
ginamit sa pangangalap ng datos gayundin ang paraang
ginamit sa pagsusuri ng mga nakuhang impormasyon.
SLIDESMANIA
Resulta
▪ Ipinapakita kung ano ang kinalabasan ng pag-aaral
sa pamamagitan ng paglalahad ng mga natuklasan ng
mananaliksik.
SLIDESMANIA
Kongklusyon
▪ Pangangatwirang ibinatay sa resulta ng pagmamasid
ng mga tiyak na pangyayari o kaisipan. Ang
katumpakan ng kongklusyon ay depende sa
kaangkupan ng mga ebidensyang sumusuporta nito.
SLIDESMANIA
Mga Dapat Tandaan Sa Pagsulat

Ng Abstrak
SLIDESMANIA.C
SLIDESMANIA
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Abstrak

1. Lahat ng ng mga detalye o kaisipang ilalagay dito ay


dapat na makikita sa kabuuan ng papel.
SLIDESMANIA.C
SLIDESMANIA
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Abstrak

2. Iwasan ang paglalagay ng mga statistical figure o


table sa abstrak.
SLIDESMANIA.C
SLIDESMANIA
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Abstrak

3. Gumamit ng mga simple, malinaw, at direktang mga


pangungusap.
SLIDESMANIA.C
SLIDESMANIA
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Abstrak

4. Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamang ang


mga pangunahing kaisipan at ‘di dapat ipaliwanag
ang mga ito.
SLIDESMANIA.C
SLIDESMANIA
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Abstrak

5. Gawin lamang itong maikli ngunit


komprehensibo.
SLIDESMANIA.C
SLIDESMANIA
Mga Hakbang sa Pagsulat ng
Abstrak
SLIDESMANIA.C
SLIDESMANIA
NARITO ANG ILANG MGA HAKBANG NA DAPAT
SUNDIN SA PAGSULAT NG ISANG ABSTRAK:

1. Basahin nang may lubos na pang-unawa ang buong


papel. Bigyang-tuon ang mahalagang sinasabi ng
layunin, sakop at delimitasyon ng pag-aaral,
pamamaraan, resulta, kongklusyon, at
rekomendasyon, at iba pang mga bahagi.
SLIDESMANIA
NARITO ANG ILANG MGA HAKBANG NA DAPAT
SUNDIN SA PAGSULAT NG ISANG ABSTRAK:

2. Sumulat lamang ng isang talata na


magkakaugnay at maiksi subalit malaman ang
mga pangungusap. Kailangan na ang abstrak
na isusulat ay binubuo lamang ng 200-250 na
salita.
SLIDESMANIA
NARITO ANG ILANG MGA HAKBANG NA DAPAT
SUNDIN SA PAGSULAT NG ISANG ABSTRAK:

3. Gumamit ng mga payak o simpleng salita


upang maintindihan.
4. Sundin ang pagkakasunod-sunod na
bahagi o nilalaman ng isang abstrak.
SLIDESMANIA
NARITO ANG ILANG MGA HAKBANG NA DAPAT
SUNDIN SA PAGSULAT NG ISANG ABSTRAK:

5. Iwasang maglagay ng mga ilustrasyon, graph,


table at iba pa maliban na lamang kung
sadyang kinakailangan.
6. Basahing muli ang ginawang abstrak. Suriin
kung may nakaligtaang kaisipang dapat isama.
SLIDESMANIA
NARITO ANG ILANG MGA HAKBANG NA DAPAT
SUNDIN SA PAGSULAT NG ISANG ABSTRAK:

7. Isulat ang pinal na sipi nito.


SLIDESMANIA
MGA GABAY NA TANONG:

1. Magsaliksik ng citation o pahayag mula sa internet kung ano ang


pagpapakahulugan ng abstrak at ipaliwanag.
2. Bakit may sinusunod na hakbang sa pagsulat ng isang abstrak?
3. Kinakailangan bang maiksi ang isang abstrak? Ipaliwanag.
4. Ano ang dahilan kung bakit may abstrak sa isang pananaliksik?
SLIDESMANIA.C

5. Paano nakatutulong ang abstrak sa isang ginawang pananaliksik?


SLIDESMANIA
Salamat sa Pakikinig!
SLIDESMANIA.C SLIDESMANIA

You might also like