Professional Documents
Culture Documents
Pilipino 3
Pilipino 3
PAGSULAT NG ABSTRAK
LAYUNIN:
Basahin at unawain
KAHULUGAN NG ABSTRAK
Ang abstrak ay ang maikling buod ng artikulo o ulat na inilalagay bago ang
introduksiyon. Ito ang siksik na bersiyon ng mismong papel. Ipinaaalam nito sa mga mambabasa
ang paksa at kung ano ang inaasahan nila sa pagbabasa ng isinulat na artikulo o ulat. Ang
karaniwang unang tinitingnan ng mambabasa, kaya maituturing itong mukha ng akademikong
papel (Evasco, 2016).
Ang mga sumusunod ay mga karaniwang bahagi na bumubuo sa dalawang uri ng abstrak,
ang deskriptibo at impormatibong abstrak.