Barangay Hacienda-Intal Sitio Cabalongan Mula kina Jovanie Rumbaoa at Mariane Trisha Pasion Sitio Cabalongan Barangay Hacienda-Intal Baggao Cagayan Ika-7 ng Nobyembre 2022 HABA NG PANAHONG GUGUGULIN:
• Gagawin ito mula lima(5) hanggang pitong(7) araw
TAONG KOKONTAKIN:
MR. MORIS G. ALIMAN
(BARANGAY CAPTAIN)
MR. ARNOLD AGRAAN
(KONSEHAL) PAGPAPAHAYAG NG SULIRANIN: • Ang panukalang ito ay para sa pagpapatayo ng isang WaitingShed sa Barangay Hacienda-Intal Sitio Cabalongan. Ang WaitingShed na ito ay maipapatayo malapit sa kalsada upang magsilbing silungan ng mga tao tuwing tag-ulan o malakas ang sinag ng araw. Maaari ring dito isagawa ang isang pagpupulong ng mga tao na naninirahan dito. LAYUNIN: • Maipapatayo ang WaitingShed na ito para gawing silungan at paghintayan ng masasakyan ng mga tao lalong-lalo na ang mga estudyante. Maaari rin nilang magamit ito tuwing may isasagawang pulong ang itinalagang pinuno ng sitiong ito. PLANO NG DAPAT GAWIN: 1.Pagpasa,Paghahanda,Paglabas ng budyet at maging pag-aaproba -(1 linggo) 2.Pagbibiding na gagawin sa mga kontraktor at mangongontrata sa paggawa ng waitingshed. -(3 araw) 3.Pagsasagawa ng pagpupulong ng pinuno ng sitio sa isasagawang pagpapatayo ng proyekto -(1 araw)
4.Pagsasagawa at pagpapatayo ng waitingshed sa ilalim ng pamamahala ng konseho ng Barangay
Hacienda. -( 5-7araw) 5.Pagsasagawa ng cleaning operation pagkatapos maitayo ang waitingshed -(2 araw) BADYET: 1. presyo o halaga ng pagsasagawa ng waitingshed batay sa ipinasa ng napiling kontraktor ( kalakip na rito ang sweldo ng mga trabahador at ang lahat ng mga kontraktor). Halaga:18,200 (7araw) 13,000 (5araw) 2. kabuuang presyo ng mga materyales na gagamitin sa pagpapatayo ng isang waitingshed. Halaga: 26,345