You are on page 1of 52

Subtitle

ARALIN 7: Political
Dynasties at
Graft and Corruption
LAYUNIN
Ang mga mag-aaral ay inaasahang:

Naipaliliwanag ang konsepto ng political dynasty

Nasusuri ang kasaysayan ng political dynasty sa Pilipinas.

Naipaliliwanag ang pagbabawal sa political dynasty ayon sa


saligang batas 1987.
Ano ang mensaheng
ipinahihiwatig ng poltical
cartoon?

Umiiral ba ang ganitong


Sistema sa inyong lugar?

May kaugnayan ba ang poltical


dynasties sa probleman graft
and corruption sa bansa?
 Karaniwan na sa Pilipinas ang panunungkulan ng
mga magkakamag-anak sa politika o ang
tinatawag na political dynasty.
 Maraming posisyon sa lokal at pambansang
pamahalaan ang nakapaloob sa umiiral na political
dynasty.
 Sa ganitong sistema, ang kapangyarihan o
karapatang mamuno ay umiikot lamang sa
iisang pamilya o miyembro nito.
 Ang mga posisyong dati na hinawakan ay pareho
ring mga posisyon na hawak ng asawa, mga anak,
manugang, hipag, bayaw, pamangkin, at mga apo
sa kasalukuyan.
 Ayon sa batas, hindi maaaring magtrabaho sa
parehong kagawaran ng pamahalaan ang
magkamag-anak, subalit pinapayagan namang
tumakbo at manungkulan nang sabay-sabay ang
mga politikong magkakamag-anak sa lokal at
pambansang posisyon.
 Dahil din sa paglaganap ng mga
political dynasty, karamihan sa mga
namumuno sa pangunahing lungsod at
lalawigan ng Pilipinas ay mula sa mga
prominenteng pamilya.
Halimbawa, ang lalawigan ng
Batanes ay madaling naikakabit sa
pamilya Abad na nanungkulan sa
lehistura mula pa noong taong 1965.
 Ang Ilocos Norte naman ay agad naiuugnay sa
pamilya Marcos na nagsimulang maging aktibo sa
politika noon pang 1925.
 Siyempre pa, ang lalawigan naman ng Tarlac ay
kilala bilang poder ng mga Cojuangco-Aquino.
 Kung titingnan ang kasaysayan ng Pilipinas,
makikita ang pasahan pamana ng puwesto sa
pamahalaan ay nagsimula na noon pa. Narito ang
ilang mga halimbawa nito:
Pangalan ng Unang Kapamilyang Tumakbo at
Hinalal sa Iba’t Ibang Puwesto sa Politika

Mariano Rubio Marcos


» Ama ni Ferdinand Marcos Sr.
» Kongresista ng Ilocos Norte,
1925-1931
Pangalan ng Unang Kapamilyang Tumakbo at
Hinalal sa Iba’t Ibang Puwesto sa Politika

Ferdinand Marcos, Sr.


» Ika-10 Pangulo, 1965 - 1986
» Senador, 1959 – 1965
» Kongresista, 1949 - 1959
Kapamilya na Sumunod sa Yapak ng Unang
Hinalal sa Iba’t Ibang Puwesto

Imelda Romualdez Marcos


» Dating Unang Ginang
» Kongresista ng Ilocos Norte
2010 – 2013, 2016
» Kongresista ng Leyte
1995 – 1998
» Mambabatas pambansa ng Region IV-A
1978 – 1984
» Gobernador ng Metropolitan manila
1975 – 1986
» Ministro ng Human Settlements,
1978 – 1986
Kapamilya na Sumunod sa Yapak ng Unang
Hinalal sa Iba’t Ibang Puwesto

Imee R. Marcos
» Anak ni Ferdinand Marcos, Sr. at
Imelda Romualdez Marcos
» Senador 2019-2025
» Gobernador ng Ilocos Norte,
2010 – Kasalukuyan
» Kongresista ng Ilocos, Norte, 1998 – 2007
» Assemblywoman ng Ilocos Norte,
1984 - 1986
Kapamilya na Sumunod sa Yapak ng Unang
Hinalal sa Iba’t Ibang Puwesto
Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr.
» Anak ni Ferdinand Marcos, Sr. at
Imelda Romualdez Marcos
» Senador, 2010 – 2016
» Kongresista ng Ilocos Norte, 2007 – 2010
» Gobernador ng Ilocos Norte, 1998 – 2007
» Kongresista, 1992 – 1995
» Gobernador, 1983 – 1986
» Bise – Gobernador ng Ilocos Norte,
1980 - 1983
Kapamilya na Sumunod sa Yapak ng
Unang Hinalal sa Iba’t Ibang Puwesto

Michael Marcos Keon


» Pamangkin ni Ferdinand Marcos at
pinsan nina Bongbong at Imee marcos
» Mayor ng Laoag City, 2019-2022
» Gobernador ng Ilocos Norte, 1971 – 1983
Benjamin Trinidad “Kokoy” Romualdez
» Nakakabatang kapatid ni Imelda Romualdez
Marcos
» Gobernador ng Leyte, 1967 - 1986
Kapamilya na Sumunod sa Yapak ng
Unang Hinalal sa Iba’t Ibang Puwesto

Martin Romualdez
» Anak ng nakakabatang kapatid ni Imelda
na si Benjamin Romualdez
» Kongresista ng Leyte, 2007-2016, 2019-2022
Yedda Marie Romualdez
» Asawa ni Martin Romualdez
» Kongresista ng Tingog Part List, 2019-2022
» Kongresista ng Leyte, 2016-2019
Pangalan ng Unang Kapamilyang Tumakbo at
Hinalal sa Iba’t Ibang Puwesto sa Politika

Diosdado Macapagal
» Ika-9 na Pangulo, 1961 - 1965
» Bise-Presidente, 1957 - 1961
» Kongresista ng Pampanga
noong 1949
Kapamilya na Sumunod sa Yapak ng Unang
Hinalal sa Iba’t Ibang Puwesto

Gloria Macapagal-Arroyo
» Anak ni Diosdado Macapagal
» Speaker of House of Representative
of the Phil., 2018-2019
» Kongresista ng Pampanga,
2010 – Kasalukuyan
» Ika-14 na Pangulo, 2001 – 2010
» Bise-Presidente, 1998 – 2001
» Senador, 1992 - 1998
Kapamilya na Sumunod sa Yapak ng Unang
Hinalal sa Iba’t Ibang Puwesto
Juan Miguel “Mikey”
Macapagal Arroyo

» Anak ni Gloria Macapagal-Arroyo


» Kongresista ng Ang Galing Pinoy
Party List, 2010 – 2013
» Kongresista ng Pampanga,
2004 – 2010, 2019 – 2022
Pangalan ng Unang Kapamilyang Tumakbo at
Hinalal sa Iba’t Ibang Puwesto sa Politika

Joseph Ejercito Estrada


» Alkalde ng Maynila, 2013-2019
» Pangulo, Hunyo 30, 1998 –
Enero 20, 2001
» Bise-Presidente, 1992 – 1998
» Senador, 1987 - 1992
» Alkalde ng San Juan sa loob ng
17 taon mula 1969 – 1989
Kapamilya na Sumunod sa Yapak ng Unang
Hinalal sa Iba’t Ibang Puwesto
Luisa Pimentel-Ejercito
(mas kilala bilang Loi Estrada)
» Asawa ni Joseph Ejercito Estrada
» Dating Unang Ginang
(1998 – 2001)
» Senador mula 2001 – 2007
Kapamilya na Sumunod sa Yapak ng Unang
Hinalal sa Iba’t Ibang Puwesto

Jose Pimentel Ejercito, Jr.


(Jinggoy Ejercito Estrada)
» Anak ni Joseph Ejercito Estrada
» Senador mula 2004 – 2016
» Alkalde ng San Juan, 1992 - 2001
Kapamilya na Sumunod sa Yapak ng Unang
Hinalal sa Iba’t Ibang Puwesto
Joseph Victor “JV” Gomez Ejercito
» Anak ni Joseph Ejercito Estrada
» Senador mula 2013 – 2019
» Kongresista ng San Juan, 2010 - 2013
» Alkalde ng San Juan, 2001 - 2010
Pangalan ng Unang Kapamilyang Tumakbo at
Hinalal sa Iba’t Ibang Puwesto sa Politika

Benigno Simeon “Ninoy” Aquino, Jr.


» Senador, 1967 – 1972
» Gobernador ng Tarlac, 1961 – 1967
» Bise-Gobernador ng Tarlac, 1959 - 1961
» Alkalde ng Tarlac, 1955 – 1959
» Presidential Adviser on Defense Affair,
1949 – 1954
Kapamilya na Sumunod sa Yapak ng
Unang Hinalal sa Iba’t Ibang Puwesto
Corazon “Cory” Aquino
» Asawa ni Ninoy Aquino
» Pangulo mula February 25, 1986 – June 30,
1992
Benigno Simeon Cojuangco “Noynoy/Pnoy”
Aquino III
» Anak nina Ninoy at Cory Aquino
» Pangulo, 2010 – 2016
» Senador, 2007 – 2010
» Kongresista, 1998 - 2007
Kapamilya na Sumunod sa Yapak ng
Unang Hinalal sa Iba’t Ibang Puwesto
Jose “Peping” Sumulong Cojuangco Jr.
» Kapatid ni Cory Aquino
» Kongresista, 1987 – 1998
» Mayor ng Paiqui, Tarlac, 1959 – 1961

Eduardo “Danding” M. Conjuangco Jr.


» Pinsan ni Cory Aquino
» Kongresista, 1969 – 1972
Kapamilya na Sumunod sa Yapak ng
Unang Hinalal sa Iba’t Ibang Puwesto
Marcos Juan Bruno “Mark” O. Cojuangco
» Anak ni Eduardo Cojuangco
» Kongresista, 2001 – 2010

Paolo Benigno Aguirre Aquino IV


» Pamangkin ni Benigno “Ninoy” Aquino Jr.
» Senador, 2013 – 2019
» Kilala bilang “Bam Aquino”
Pangalan ng Unang Kapamilyang Tumakbo at
Hinalal sa Iba’t Ibang Puwesto sa Politika

Jejomar “Jojo” Binay


» Bise – Predidente ng Pilipinas,
2010 – 2016
» Alkalde ng Makati, 2001 – 2010
» Alkalde ng Makati, 1986 - 1998
Kapamilya na Sumunod sa Yapak ng
Unang Hinalal sa Iba’t Ibang Puwesto
Dr. Elenita Sombillo – Binay
» Kabiyak ni Jojo Binay
» Alkalde ng Makati mula 1998 – 2001

Jejomar Erwin “Junjun” Binay, Jr.


» Anak ni Jojo Binay
» Alkalde ng Makati, 2010 – 2015
» Konsehal ng Makati, 2001 - 2010
Kapamilya na Sumunod sa Yapak ng
Unang Hinalal sa Iba’t Ibang Puwesto

Maria Lourdes “Nancy” Binay-Angeles


» Anak ni Jojo Binay
» Senador mula 2013 – 2019, 2019 – 2022

Mar-len Abigail “Abby” Binay-Campos


» Anak ni Jojo Binay
» Alkalde ng Makati, 2016 – 2019, 2019 - 2022
Pangalan ng Unang Kapamilyang Tumakbo at
Hinalal sa Iba’t Ibang Puwesto sa Politika

Jose Ma. Rubin Zubiri, Jr.


» Gobernador ng Bukidnon, 2007 – 2010
2013 – 2016, 2016 – 2019, 2019 – 2022
» Bise-Gobernador ng Bukidnon,
2010 – 2013
» Kongresista ng tatlong magkakasunod
na termino, 1987 – 1998
» Assemblyman sa Batasang Pambansa,
1984 - 1986
Kapamilya na Sumunod sa Yapak ng Unang
Hinalal sa Iba’t Ibang Puwesto
Juan Miguel F. Zubiri
» Anak ni Jose Ma. Rubin Zubiri, Jr.
» Senador, 2007 – 2011, 2016 - 2022
» Kongresista, 1998 – 2007
Kapamilya na Sumunod sa Yapak ng
Unang Hinalal sa Iba’t Ibang Puwesto
Jose Maria Fernandez Zubiri III
» Anak ni Jose Ma. Rubin Zubiri, Jr
» Kongresista mula 2007 – 2016

Manuel Zubiri
» Kongresista ng 3rd District, Bukidnon,
2019 - 2022
Pangalan ng Unang Kapamilyang Tumakbo
at Hinalal sa Iba’t Ibang Puwesto sa Politika

Manuel “Manny” Villar, Jr.


» Senador mula 2001 – 2013
» Kongresista ng Las Piñas,
1992 - 2001
Kapamilya na Sumunod sa Yapak ng Unang
Hinalal sa Iba’t Ibang Puwesto

Cynthia Villar
» Asawa ni Manny Villar
» Kapatid ng Las Piñas City Mayor,
Vergel Aguilar
» Senador mula 2013 – 2019,
2019 - 2025
» Kongresista ng Las Piñas , 2001 - 2010
Kapamilya na Sumunod sa Yapak ng
Unang Hinalal sa Iba’t Ibang Puwesto

Mark Aguilar Villar


» Anak ni Manny at Cynthia Villar
» Secretary of Public Works and Highway, 2016
» Kongresista ng Las Piñasm 2001 – 2016

Emmeline Aglipay-Villar
» Asawa ni Mark Villar
» Pumalit kay Mark Villar bilang Kongresista ng Las
Piñas
» Department of Justice Undersecretary, 2018
Pangalan ng Unang Kapamilyang Tumakbo at
Hinalal sa Iba’t Ibang Puwesto sa Politika

Renato “Compañero”
Luna Cayetano
» Senador, 1998 – 2003
» Miyembro ng Regular Batasang
Pambansa mula sa
Taguig-Pateros-Muntinlupa
1984 – 1986
Kapamilya na Sumunod sa Yapak ng Unang
Hinalal sa Iba’t Ibang Puwesto

Alan Peter Cayetano


» Anak ni Renato Cayetano
» Kalihim ng Kagawaran ng Ugnayang
Panlabas (DFA) 2017 – 2018
» Senador, 2007 – 2017
» Kongresista, 1998 – 2004
» Bise-Alkalde ng Taguig, 1995 – 1998
» Konsehal ng Muntinlupa, 1992 – 1995
Kapamilya na Sumunod sa Yapak ng Unang
Hinalal sa Iba’t Ibang Puwesto

Maria Laarni Lopez Cayetano


» Asawa ni Alan Peter Cayetano
» Mayor ng Taguig, Hunyo 30,
» 2010 – 2019
» Kongresista ng Taguig District 1, 2007 – 2010
» District 2, 2019 - 2022
Kapamilya na Sumunod sa Yapak ng
Unang Hinalal sa Iba’t Ibang Puwesto
Pilar Juliana “Pia” Cayetano
» Anak ni Renato Cayetano
» Kapatid ni Alan Peter Cayetano
» Senador, 2004 – Kasalukuyan

Lino Edgardo S. Cayetano


» Anak ni Renato Cayetano
» Mayor ng Taguig, 2019 – 2022
» Kinatawan ng Taguig, 2013 – 2016
Political Dynasties sa
Kasaysayan ng Bansa
 Ang isyu ng political dynasty o ang
tinaguriang pasahan at pagmana ng puwesto sa
pamahalaan ay nagsimula na noon pa sa ating
kasaysayan bilang isang bansa.
Sinaunang Panahon
 Renato Constantino – “Making of a Filipino”
 May umiiral na Sistema ng pamahalaan at politika sa
Pilipinas noong sinaunag panahon, bago pa man
dumating ang mga mananakop na dayuhan.
 Ang pamayanan sa Pilipinas ay pinamumunuan ng
mga DATU, RAHA at MAHARLIKA.
Impluwensiya ng mga Espanyol ay
Amerikano
 Simula noong panahon ng mga Espanyol, mas
napapaboran ang ang mga pamilya ng mga mestizo at
maykaya sa buhay o ang mga tinatawag na Illustrado na
laging itinatalaga bilang Gobernadorcillo o Alcalde.
 Sa unang mga taon sa ilalim ng pamumuno ng mga
Amerikano sa bansa, ang mga Illustrado ay sumali sa
demokratikong proseso na ipinakilala sa pamamagitan ng
Philippine Bill 1902.
Impluwensiya ng mga Espanyol ay
Amerikano
 Sa panahong ito, nakilala ang pamilyang
Cojuangco, Lopez, Marcos, Osmeña at
Aquino.
 Ang mga naturang pangalan ay tumatak
sa kaisipan o naging bukambibig ng
maraming Pilipino.
Impluwensiya ng mga Espanyol ay
Amerikano
 Sa ika-14 na Kongreso ng Pilipinas (mula July 23, 2007
hanggang June 04, 2010), naitala na 75% ng mga
mambabatas ay miyembro ng tinaguriang mga trapo
(traditional politicians) o mga kauna-unahang kilalang
pamilya nasa politika.
 Noong 2004, nagsagawa ng isa pang pag-aaral ang apat na
mamamahayag ng Philippine Center for Investigative
Journalism (PCIJ) na sina Sheila Coronel, Yvonne Chua,
Luz Rimban at Booma Cruz.
Impluwensiya ng mga Espanyol ay
Amerikano
 Natuklasan nilang nanatiling matatag ang mga
kilalang pamilyaang politikal sa Kongreso ng
Pilipinas sa nakaraang 100 taon.
 Kung dati raw ang Kongreso ay dominado ng
mga nagmamay-ri ng malalawak na lupain, ang
mga makikita mong nakaupo ngayon ay
kadalasang mga mayayamang negosyante.
Ang Pagbabawal sa
Political Dynasty Ayon
sa Saligang Batas 1987
Artikulo II, Seksiyon 26 ng 1987 Saligang Batas
ng Republika ng Pilipinas

“Dapat siguruhin ng Estado ang pantay na pag-


uukol ng mga pagkakataon para sa lingkurang
pambayan at ipagbawal ang mga “political
dynasties” ayon sa maaaring ipagkahulugan ng
batas.
 Malinaw na nakasaad sa ating Saligang Batas
na ipinagbabawal ang mga political dynasty
sa ating batas.
 Hindi tahasang nakasaad sa ating saligang
batas kung paano pipigilan ang mga political
dynasty.
 Kailangang magkaroon ng isang batas na
magbabawal dito at magpapataw ng
karampatang parusa.
 May mga humiling na ipasa ng Kongreso
ang Anti-Dynasty Law ngunit hindi pa ito
binigyan ng sapat na atensiyon sa Kongreso
mula pa noong taong 1987.
 Noong unang regular na pagpupulong ng
ika-15 na Kongreso ay isinulat at inihain ni
Senador Miriam Defensor Santiago ang
Senate Bill No. 2649 na kilala bilang  Anti
Political Dynasty Act.
 Ayon dito, maituturing na dinastiyang politikal ang
pagtakbo o pamana sa posisyong politiko ng asawa o
kamag-anak (hanggang sa ikalawang antas ng
consaguinity o affinity) ng isang kasalukuyang
politiko sa parehong bayan, Lungsod, o lalawigan sa
kanyang asawa o kamag-anak pagkatapos ang
kanyang termino;
 At ang pagkakaroon ng dalawa o higit pang
magkakamag-anak na politiko sa iba’t ibang
posiyion sa parehong bayan, lungsod o lalawigan.
 Bago pa mailabas ang Anti-Dynasty Law, kailangan
matiyak ang pakahulugan sa mga termino at
konseptong nakapaloob dito.
 Halimbawa, ang asawa ay maaaring tumukoy sa
asawang legal o sa common law wife/husband.
 Ang terminong “second degree of consanguinity at
affinity” ay tumutukoy naman sa mga kamag-anak na
opisyal tulad ng kanyang kapatid, direktang ninuno,
anak o apo (legitimate, illegitimate o ampon)
kabilang na ang kanilang mga asawa.

You might also like