You are on page 1of 4

OUR LADY of the PILLAR ACADEMY-BAGO (OLPA-BI), INC

Mabini Street, Brgy. Ma-ao, Bago City, Neg. Occ.

SUBJECT COURSE: ARALING PANLIPUNAN 10


CONCEPT NOTE/S

Political Dynasty sa ganitong Sistema, ang kapangyarihan o karapatang mamuno ay


umiikot lamang sa iisang pamilya o miyembro nito. Ang posisyong dati nang hinawakan
ay pareho ring mga posisyon na hawak ng asawa, mga anak, manugang, hipag,
bayaw,pamangkin at mga apo sa kasalukuyan.

Kung titignan ang kasaysayan ng Pilipinas, makikitang ang pasahan at pamana ng


puwesto sa ating pamahalaan ay nagsimula mula na noon pa. Narito ang ilang mga
halimbawa nito:

Pangalan ng Unang Kapamilyang Kapamilya na sumunod sa yapak ng


Tumakbo at Hinalal sa iba’t- ibang unang hinalal sa iba’t- ibang puwesto
puwesto sa politka
Ferdinand Marcos, Sr. Imelda Romualdez Marcos
Ika-10 pangulo mula 1965 hanggang Dating unang Ginang
1986
Imee R. Marcos
Anak nina Ferdinand Marcos, Sr. at
Imelda Romualdez Marcos

Ferdinand “BongBong” R. Marcos, Jr.


Anak nina Ferdinand Marcos, Sr. at
Imelda Romualdez

Michael Marcos Keon


Pamangkin ni Ferdinand Marcos at
pinsan nina Bongbong at Imee Marcos

Benjamin Trinidad “kokoy” Romualdez


Nakababatang kapatid ni Imelda
Romualdez Marcos

Diosdado Macapagal Gloria Macapagal- Arroyo


Ika-9 na Pangulo Anak ni Diosdado Macapagal

Juan Miguel “Mikey” Macapagal


Arroyo
Anak ni Gloria Macapagal Arroyo

Joseph Ejercito Estrada Luisa Pimentel- Ejercito mas kilala


Pangulo mula Hunyo 30, 1998- Enero 20, bilang Lois Estrada
2001 Asawa ni Joseph Ejercito Estrada
Dating unang Ginang

Jose Pimentel Ejercito, Jr. (Jinggoy


Ejercito Estrada)
Anak ni Joseph Estrada
Joseph Victor “JV” Gomez Ejercito
Anak ni Joseph Ejercito Estrada

Benigno Simeon “Ninoy” Aquino, Jr. Corazon C. Aquino


Senador mula 1967-1972 Asawa ni Ninoy Aquino
Gobernador ng Tarlac Pangulo mula February 25, 1996
hanggang June 30, 1992

Benigno Simeon Cojuangco


“Noynoy/Pnoy” Aquino III
Anak nina Ninoy Aquino at Corazon C.
Aquino
Jejomar “Jojo” Binay Dr. Elenita Sombillo-Binay
Bise- Presidente ng Pilipinas mula 2010- Kabiyak ni Jojo Binay
hanggang 2010
Jejomar Erwin “Junjun” Binay Jr.
Anak ni Jejomar Binay

Nancy Binay
Anak ni Jojo Binay
Aquilino “Nene” Pimentel, Jr. Aquilino “koko” Pimentel III
Senador mula 1998 hanggang 2010 Anak ni Nene Pimentel

Jose Ma. Rubin Zubiri, Jr. Juan Miguel F. Zubiri


Gobernador ng Bukidnon mula 2007 Anak ni Jose Ma. Rubin Zubiri, Jr.
hanggang 2010
Manuel “Manny” Villar, Jr. Cynthia Villar
Senador mula 2001 hanggang 2013 Asawa ni Manny Villar
Renato “Companero” Luna Alan Peter Cayetano
Senador mula 1998 hanggang 2003 Anak ni Renato Cayetano

Pilar Juliana “Pia” Cayetano


Anak ni Renato Cayetano
Kapatid ni Alan Peter Cayetano

Ma. Laarni Lopez “Lani” Cayetano


Asawa ni Alan Peter Cayetano

ARTIKULO II, SEKSIYON 26 NG 1987 SALIGANG BATAS NG REPUBLIKA NG


PILIPINAS:
“DAPAT SIGURUHIN NG ESTADO ANG PANTAY NA PAG-UUKOL NG MGA
PAGKAKATAON PARA SA LINGKURANG PAMBAYAN, AT IPAGBAWAL ANG MGA
“POLITIKAL DYNASTIES” AYON SA MAAARING IPAGKAHULUGAN NG BATAS”

LIMITASYON SA TERMINO NG PANUNUNGKULAN


HALAL NA POSISYON SA PAMAHALAAN HABA AT HANGGANAN NG TERMINO NG
PANUNUNGKULAN
SENADOR 2 MAGKASUNOD NA 6 NA TAONG
TERMINO= KATUMBAS NG 12 TAON
KONGRESISTA, GOBERNADOR, ALKALDE, 3 MAGKASUNOD NA 3 TAON =
AT LAHAT NG IBA PANG LOKAL NA MAGKATUMBAS NA 9 NA TAON
OPISYAL
POLITICAL DYNASTY SA ATING KASAYASAYAN

Ang isyu ng political dynasty o ang tinaguriang pasahan at pamana ng puwesto sa


pamahalaan ay nagsimula na noon pa sa ating kasaysayan bilang isang bansa.Ang
pagkakaroon political dynasty ay hindi produkto ng ating sistema ng paghalal ng mga
pinuno bagkus ito ay epekto ng anim na daantaong kasaysayan ng ating bansa mula pa
noong panahon bago kolonisasyon ng mga dayuhan at nagpatuloy sa pagdating ng
mga Espanyol at Amerikanong mananakop.

IMPLUWENSIYA NG MGA ESPANYOL AT AMERIKANO

Makikita nating simula noong panahon ng mga Espanyol, mas napapaboran ang mga
pamilya ng mga mestizo at maykaya sa buhay o ang mga tinatawag na Illustrados na
laging itinalaga bilang Gobernadorcillo o Alcalde.

Ang korupsiyon (corruption) ay ang intensiyonal na pagtatakwil sa tungkulin at


obligasyon ng isang opisyal ng pamahalaan o pagkilos na magbubunga ng kaniyang
kawalan ng integridad o prinsipyo.Nagaganap ang korupsiyon sa pamamagitan ng
pakikipagsabwatan sa ibang tao.

Halimbawa:
Ang graft ay ang pagkuha ng pera o posisyon sa paraang taliwas sa batas, madaya, at
kuwestiyonable, tulad ng pagtanggap ng kabayaran para sa isang pampublikong
serbisyong hindi naman naibigay o kaya’y paggamit sa isang kontrata o lehilasyon
bilang pagkakakitaan.

Ang pagkuha ng pondo ng publiko o pag-abuso ng kapangyarihan para magkamit ng


financial gains.

Republic Act No. 3019 Anti-Graft and Corruption Practices Act


Section 1. Statement of policy. It is the policy of the Phillippine Government, in line with
the principle that a public office is a public trust, to repress certain acts of public officers
and private persons alike which constitute graft or corrupt practices or which may lead
thereto.

Section 3. Corrupt practices of public officers. In addition to acts or omissions of public


officers,already peanlized by existing law, the following shall constitute corrupt practices
of any public officer and are hereby declared to be unlawful.

Section 4. Prohibition on private individuals

Panunuhol o bribery
Ang pagbibigay ng anumang bagay, salapi, o serbisyo sa isang public official kapalit ng
pabor.

Pangingikil o Extortion
Ang paggamit ng isang opisyal o tanggapan ng pananakot at pagbabanta para
makakuha ng salapi at iba pang kapakinabangan.

Panlilinlang o Fraud
Ang paggamit ng posisyon para sa personal na pagpapayaman.
Narito ang iba pang mga mungkahi upang masolusyonan ang suliranin sa Graft and
Corruption sa bansa:

• Magbigay ng mas mataas na sahod at mas magandang benepisyo para sa mga


naglilingkod sa mga ahensiya ng pamahalaan para hindi na matuksong humingi ng
lagay ang mga kawani ng pamahalaan.

• Magpasa ng batas na magtatanggal sa serbisyo sa mga napatunayang tiwaling


opisyal. Hindi sapat na sila ay isuspende sa trabaho.

• Subukang gawing online ang lahat ng mga transaksiyon, tulad ng pagbabayad sa


pamamagitan ng mga online bank account.

• Magbigay ng resibo para sa bawat transaksiyon sa pamahaala.

• Maglagay ng CCTV camera sa lahat ng mga ahensiya ng pamahalaan.

• Pabilisin ang paglilitis ng mga kaso sa mga hukuman

• Isaayos at gawing transparent ang Sistema ng pagtatalaga sa mga posisyon sa


pamahalaan. Kailangang masigurong walang mga pabor na ibinibigay sa mga
posibleng kandidato.

You might also like