You are on page 1of 23

DROP

EVERYTHING
AND
READ

Oktubre 5, 2022
Selection 2

Paano Nabubuo ang Isang Batas?


May pinagdadaanang proseso ang isang
panukalang-batas bago ito tuluyang maging
batas para maipatupad sa ating bansa. Ang
bawat panukalang-batas na pinagtibay ng
Kongreso ay dapat sumaklaw ng isang
paksa lamang na dapat nakalahad sa
pamagat nito.
Selection 2

Ang isang panukalang-batas ng


anumang kapulungan ay pinagtitibay
sa tatlong pagbasa sa magkakahiwalay
na araw. Tatlong araw bago
mapagtibay ito ay ipinag-uutos ang
pamamahagi ng nakalimbag na kopya
nito sa mga kagawad ng kapulungan.
Selection 2
Ang bawat panukalang-batas na mapagtitibay
ng Kongreso ay ihaharap sa pangulo bago
maging batas. Lalagdaan ito ng pangulo kung
sinasang-ayunan niya ito. Kung hindi naman,
ipaiiral niya ang kapangyarihang betohan ito at
ibalik sa Kongreso. Kinikilala ito bilang veto
power. Kalakip nito ang kanyang mga tutol
laban sa panukalang-batas upang muling
talakayin ang mga ito.
Selection 2
Mga Tanong:
1. Alin sa sumusunod ang nagsasabi tungkol sa isang
panukalang batas? (Literal)
a. Nilalagdaan ito ng pangulo bago ito pinagtitibay.
b. Kasama ang pangulo sa pagtitibay nito sa
Kongreso.
c. Maaaaring tutulan ito ng pangulo bago maging
batas.
d. Hinaharap ito sa pangulo bago pinagtitibay ng
Kongreso.
Selection 2
2. Alin sa sumusunod ang unang nagaganap sa
pagbuo ng isang batas? (Literal)
a. Hinaharap ang panukala sa pangulo upang
lagdaan.
b. Ipinapamahagi ang kopya ng panukala sa
mga kagawad.
c. Pinagtitibay ang panukala sa tatlong pagbasa
sa Kongreso.
d. Ibinabalik ito ng pangulo sa Kongreso kung
may mga tutol dito.
Selection 2
3. Kailan ginagamit ng pangulo ang kanyang
kapangyarihang betohan ang isang panukalang-batas?
(Paghinuha)
Ginagamit ng pangulo ang veto power kapag
______________________ .
a. sang-ayon siya sa panukalang batas
b. hindi sang-ayon ang Kongreso sa panukalang batas
c. may mga dahilan siyang tutulan ang panukalang
batas
d. hindi ipinagtibay ng tatlong beses ang panukalang
batas
Selection 2
4. Ano ang salitang maaaring
kasingkahulugan ng sumaklaw sa
ikalawang pangungusap ng seleksyon?
(Paghinuha)
a. bumanggit
b. magsama
c. mag-usisa
d. tumalakay
Selection 2
5. Ano kaya ang dahilan kung bakit kinailangang
makapagpatibay ng mga bagong panukalang-batas?
(Paghinuha)
a. Isinasaalang-alang nito ang ikabubuti ng Kongreso.
b. Kailangan ng batas para sa ikabubuti ng mga
mamamayan.
c. Pinagtitibay ang batas para sundin ang panukala ng
pangulo.
d. Trabaho ng Kongreso na makabuo at
makapaglimbag ng batas.
Selection 2
6. Ano kaya ang mangyayari kapag hindi
napagpatibay ang isang batas sa
Kongreso? (Paghinuha)
a. Ito ay hindi maaaring maipatupad.
b. Madadagdagan ang batas na susundin.
c. Ipaaalam na ito sa lahat para ipatupad.
d. Hindi ito lalagdaan ng pangulo bilang
pagtutol.
Selection 2
7. Alin sa sumusunod ang nagsasabi ng
pangunahing ideya ng seleksyon? (Paghinuha)
a. Sa Kongreso nabubuo ang isang batas.
b. Maraming paraan para makabuo ng batas sa
Kongreso.
c. May paraang pinagdaraanan ang pagbuo ng
bagong batas.
d. Ang isang panukalang batas ay dapat
sumaklaw sa isang paksa.
Selection 2
8. Saang bahagi ng seleksyon matatagpuan
ang pangunahing ideya nito? (Pagsusuri)
Makikita ito sa ___________________ ng
seleksyon.
a. gitna
b. katapusan
c. simula
d. simula at katapusan
Selection 2

9. Ano ang layunin ng sumulat ng


seleksyon? (Pagsusuri)
a. Hatid nito ang isang balita.
b. Hangad nitong manghikayat.
c. Nais nitong magbigay ng kaalaman.
d. Gusto nitong magbigay ng mungkahi.
Selection 2
10. Ano ang ginamit ng may-akda ng seleksyon
upang ipaabot ang mensahe nito? (Pagsusuri)
a. Binanggit ang kasaysayan ng pagbuo ng batas.
b. Nakasaad ang mga dahilan ng pagbuo ng
batas.
c. Inilarawan ang sanhi at bunga ng pagbuo ng
batas.
d. Tinalakay ang pinagdaraanan sa pagbuo ng
batas.
Selection 2
ANSWER KEY:
1. C 6. A
2. B 7. C
3. C 8. C
4. D 9. C
5. B 10. D
DROP
EVERYTHING
AND
READ

Oktubre 6, 2022
FILIPINO PAMPILIPIT DILA
(Tongue Twister)
Basahin nang malakas at paulit-ulit.

Tanso sa tasa
Tasa sa tanso
FILIPINO PAMPILIPIT DILA
(Tongue Twister)
Basahin nang malakas at paulit-ulit.

Pitumpu’t pitong
puting tupa
FILIPINO PAMPILIPIT DILA
(Tongue Twister)
Basahin nang malakas at paulit-ulit.

Pinaputi ni Tepiterio
ang pitong puting
putong patung-patong
FILIPINO PAMPILIPIT DILA
(Tongue Twister)
Basahin nang malakas at paulit-ulit.
Maya-maya’y mamanhikan si
Aman sa mayamang si Maya,
malamang sa harap ng
maraming mamamayan.
FILIPINO PAMPILIPIT DILA
(Tongue Twister)
Basahin nang malakas at paulit-ulit.
Palakang kabkab,
kumakalabukab,
kakalabukab pa lamang,
kumakalabukab na naman.
DROP
EVERYTHING
AND
READ

Oktubre 7, 2022
Pag-aaral ng mga Bagong Salita
• Kumuha ng aklat mula sa inyong reading corner. Huwag kalimutang mag-
log sa inyong class reading log.
• Basahin ang aklat at pumili ng kahit limang (5) hindi pamilyar na mga
salita.
• Hanapin ang kahulugan ng bawat hindi pamilyar na mga salita mula sa
diksyunaryo.
• Gamitin sa pangungusap ang mga hindi pamilyar na mga salita.
• Isulat ang mga hindi pamilyar na mga salita kalakip ang mga kahulugan
nito at pangungusap sa inyong kuwaderno sa Filipino.

Repleksiyon: Ano ang aral na natutuhan ko ngayong araw mula sa aking


binasa?

You might also like