II. PAGPIPILIAN (16-30) III. TALAHANAYAN (31-50) REVIEW I. TUKUYIN KUNG ITO AT TAMA O MALI. ISULAT ANG T KUNG ITO AY TAMA AT M NAMAN KUNG ITO AY MALI. 1. Ang pandarayuhan ay isang hindi hamon sa bawat bansa dahil wala itong epekto ito sa politika, ekonomiya, at lipunan, sa kabila ng mga benepisyong hatid nito. 2. Ang pagtugon sa isyung pandarayuhan ay nangangailangan ng pagtutulungan ng estado, mga organisasyon, at mga mamamayan batay sa mga polisiya at mga programang magsusulong ng kapakanan ng bansa at ng komunidad. Ito ang siyang gagabay at mangangalaga sa mga Pilipinong nandarayuhan. 3. Malaki ang kontribusyon ng mga Pilipinong manggagawa sa ibang bansa o mga OFW sa ekonomiya ng Pilipinas. 4. Ang isyu ng pandarayuhan ay matagal nang kinakaharap ng mga papaunlad na bansa gaya ng Pilipinas kung saan ang mga propesyonal at manggagawa ay pinipiling magtrabaho sa ibang bansa lalo na doon sa mga bansang mauunlad dahil sa kaakibat na mataas na suweldo, maayos na pasilidad, at mga benepisyong maaaring makuha. 5. Ang gobyerno ng Pilipinas at ilang bansang papaunlad sa Timog-Silangang Asya ay naglunsad ng mga programa gaya ng "Balik Scientist" at pagbibigay ng mga insentibong pinansiyal upang dito sa bansa maipagpatuloy at maipamalas ng mga Pilipinong siyentipiko ang kanilang kagalingan. II. TUKUYIN KUNG ANO ANG HINIHINGI NG BAWAT BILANG 1. Tumutukoy sa sapilitang paglipat o paglisan ng isang indibidwal o pamilya mula sa lugar na kanilang tinitirhan patungo sa mas ligtas na lugar o pamayanan dahil sa usaping politikal, suliraning panlipunan, at kalamidad. 2. Tumutukoy sa pag-alis ng mga propesyonal sa isang bansa patungo sa ibang bansa upang makapagtrabaho dahil sa mas malaking kita at magandang benepisyo. 3. Sa ____________________aspekto, ang pandarayuhan ng mga tao upang makapag-aral at mapagyaman ang kanilang kaalaman at kasanayan ay mga halimbawa ng mabubuting dulot ng pandarayuhan. 4. Ang ugnayan ng mga mayayamang bansa mula Europa at Amerika, mga papaunlad na bansa sa Asya ay nagdulot ng pagpapalawak ng kaalaman sa medisina teknolohiya, at pagpapabilis ng paggawa ayon kay ______. 5. Tumutukoy sa paglipat ng isang tao o grupo ng mga tao mula sa isang lugar na kanilang tinitirhan patungo sa ibang lugar. Ito ay maaaring lokal o internasyonal. III. Enumerasiyon: Magbigay ng 5 positibo at 5 negatibong epekto ng migrasiyon. Pagwawasto: I. 1. M 2-5. T II. 1. Migration displacement 2. Brain drain 3. kultural at panlipunan 4. Bosma 5. Migrasyon Maraming Salamat