You are on page 1of 38

Yunit 2 Aralin 4

Ang Pambihirang
Hápon ni Baltazar
Layunin:
● Maikling Kuwento: Nasusuri sa diyalogo ng mga tauhan ang
kasiningan ng akda F10PN -IIe -73
● Naitatala ang mga salitang magkakatulad at magkakaugnay
sa kahulugan F10PT -IIe -73
● Nahihinuha sa mga bahaging pinanood ang pakikipag -
ugnayang pandaigdig F10PD -IIe -71
● Naisasalaysay nang masining at may damdamin ang isinulat
na maikling kuwento F10PS -IIe -75
Ang isang bagay ba ay maaaring
parehong maging sining at
produkto? Patunayan ang iyong
sagot.
Paano nagiging “produkto”
mismo ang isang manggagawa?
Maikling kuwento
● ay pumapaksa sa isang pangyayari o sitwasyon lámang.
Dahil dito, binubuo lámang ang maikling kuwento ng isa
hanggang tatlong pangunahing tauhan.
● Sa kuwento, bawat tauhan ay may motibo at dahilan kung
bakit sila kabilang sa kuwentong iyon. Kung walang motibo,
walang kuwento.
● Ayon sa manunulat na si Gloria Kempton, ang
pinakamabisang paraan ng paglalantad sa motibo ng isang
tauhan ay sa pamamagitan ng kaniyang bibig
Diyalogo
● ay ang usapan ng mga tauhan.
● Sari-sari ang gamit nito bilang isang elemento ng
maikling kuwento.
● Binibigyang-búhay nito ang mga tauhan dahil
ibinubunyag nito ang mga iniisip, hinahangad, at
pinaniniwalaan ng mga karakter sa kuwento.
Diyalogo
● Nagiging kasangkapan din ito sa pagtutulak o
pagsusulong ng kuwento at ng tunggaliang
nakapaloob dito.
● Kapag may diyalogo, umuusad ang kuwento.
Diyalogo
● Nagkakaroon ng pagkakataong magharap ang mga
tauhan na may magkasalungat na interes, prinsipyo,
o ideolohiya sa pamamagitan ng berbal na
komunikasyon.
● Nagiging kapana-panabik ang usapan dahil
nagtatagisan ang mga tauhan na may magkakaibang
hangarin.
Diyalogo

● Isa rin ito sa mga lumilikha ng emosyon sa


kuwento.
● Mas nakikilala ang tauhan at ang kaniyang
pag-uugali dahil sa mga salitang kaniyang
binibitawan.
Diyalogo
● Mabisa ring gamitin ito sa pagbuo ng tensiyon tungo
sa hinaharap. Dahil inilalantad nito ang nasà ng
tauhan, nagiging paraan din ito para malaman ng
mambabasa ang mga pasiya, hakbang, plano, o
aksiyon na gagawin ng tauhan upang makamit ang
kaniyang inaasam
Ang Pambihirang
Hápon ni Baltazar
Kaligiran
● ay isinulat sa Colombia, isang bansa sa Timog
Amerika.
● Tulad ng Pilipinas, naging kolonya ng Espanya ang
Colombia sa loob ng ilang siglo sa pareho ring
panahon, mula ika-16 hanggang ika-19 na siglo.
Kaligiran
● Nakahulagpos din ang Colombia mula sa
kolonyalismo at nakamit ang kalayaan mula sa
Espanya noong 1810 dahil sa kapangyarihan at
puwersa ng rebolusyon, gaya ng nangyari sa
Pilipinas noong 1898.
Kaligiran
● ay bahagi ng isang antolohiya ng
mga maikling kuwento na nailathala
noong 1962 sa ilalim ng pamagat na
Los funerales de la Mamá Grande
(Big Mama’s Funeral).
Kaligiran
● Sa panahong ito, nakaranas ng krisis pang-
ekonomiya ang Colombia. Patuloy na bumagsak ang
presyo ng kape, isa sa mga pangunahing produkto ng
bansa, at tumaas ang bilang ng mga walang trabaho
na sinabayan pa ng matinding pagtaas ng presyo ng
mga bilihin.
Gabriel Garcia
Marquez
● ay isang manunulat na
Colombian na pinarangalan ng
Nobel Prize for Literature
noong 1982.
Gabriel Garcia Marquez

● Isa siya sa mga tinitingalang


manunulat sa Latin Amerika.
Gabriel Garcia Marquez
● Ang kaniyang nobelang Cien años de
soledad (One Hundred Days of Solitude)
ay itinuturing na isa sa mga obra maestra
ng panitikang pandaigdig at isa sa mga
naging daan upang kilalanin si Garcia
Marquez bilang isa sa pinakamahuhusay
na manunulat ng ika-20 siglo.
Gabriel Garcia Marquez
● Hinangaan sa nobela ang
paggamit ni Garcia Marquez
ng magical realism, isang
estilo na nagsasanib ng
realismo at pantasya sa
pagkukuwento.
Gabriel Garcia Marquez
● Samantala, naniniwala si Garcia
Marquez na may tungkulin ang
isang manunulat na magsalita
tungkol sa mga politikal na isyu.
Pinapaksa ng kaniyang mga akda
ang tunggalian sa kapangyarihan at
mga politikal na mga trahedya at
suliranin ng Colombia.
Gabriel Garcia Marquez
● Samantala, naniniwala si Garcia
Marquez na may tungkulin ang
isang manunulat na magsalita
tungkol sa mga politikal na isyu.
Pinapaksa ng kaniyang mga akda
ang tunggalian sa kapangyarihan at
mga politikal na mga trahedya at
suliranin ng Colombia.
Tatas sa Salita
Panuto:
May mga salitang magkakaugnay batay sa
tinataglay na kahulugan ng mga ito. Gamit
ang concept map, pag-ugnayin ang mga
salitang nása loob ng kahon batay sa
kahulugan.
hawla piitan

kulungan bilangguan
huwad peke

palsipikado Di-totoo
ligaya tuwa

lugod saya
tuon masid

suri tingin
tunggak hangal

hunghang mangmang
Ang Pambihirang
Hápon ni Baltazar
Salin ng kuwentong “La prodigiosa tarde de Baltazar”
ni Gabriel Garcia Marquez (Colombia)
Salin ni Anna Cristina Nadora
Paano pinahahalagahan ni
Baltazar ang kaniyang
sining ng paglikha ng
hawla? Ano-ano ang mga
patunay nito sa kuwento?
Bakit hindi ipinagbili ni
Baltazar kay Dr. Giraldo
ang hawla? Sa palagay mo,
bakit hindi siya pumayag na
lumikha na lámang ng ibang
hawla para kay Pepe?
Ano ang ibig sabihin ni Dr.
Giraldo nang sabihin niyang
maaaring maging napakahusay
na arkitekto ni Baltazar?
Ano ang ibinubunyag nito sa
pagtingin niya kay Baltazar
bilang manlilikha ng hawla?
Bakit nanindigan si Baltazar na
ibigay kay Pepe ang hawla sa
kabila ng mariing pagtutol ni
Chepe Montiel? Bakit sa halip
na ibenta sa iba ay ibinigay
niya ito nang libre? Ano kayâ
ang motibo niya
Kung ikaw ang tatanungin,
sino ang nagwagi sa tunggalian
nina Baltazar at Chepe
Montiel? Ipaliwanag ang
sagot.
Bakit kayâ nagsinungaling si
Baltazar na may natanggap
siyang sisenta pesos para sa
hawla? Ano ang nakuha ni
Baltazar mula sa
kasinungalingang ito?
Sa iyong palagay, katanggap-
tanggap ba ang naging aksiyon
at pagpapasiya ni Baltazar sa
dulo ng kuwento?
Pangatwiranan ang sagot.
Performance Task
Ikaw ay isang manunulat ng mga progresibong paksa, o mga
paksang tumatalakay sa mga panlipunang reporma para sa
kapakanan ng masa at nakararami. Naanyayahan ka ng isang
grupo ng mga manggagawa na magbasa ng isa mong kuwento sa
pagdiriwang ng kanilang anibersaryo. Sumulat ng isang maikling
kuwento na pumapaksa sa tunggalian ng mga uri na nangyayari sa
lipunan. Partikular na pagtuunan ng pansin kung paano
nagsasalpukan ng interes ang mga nasa mataas at mababang uri.
Isaalang-alang ang mga elemento ng maikling kuwento tulad ng
banghay, tauhan, tagpuan, tema, punto de bista, at suliranin.
Pagkatapos, i-video ang sarili na binabasa nang masining at
madamdamin ang isinulat na maikling kuwento. I-post ang video
at ilathala ang maikling kuwento sa genyo podcast.

You might also like