You are on page 1of 3

PANITIKAN FILIPINO: PARA SA FINAL NA KAHINGIAN

I. Tula (3)
II. Maikling kuwento (2)
III. Sanaysay (1)

1. Paglalapat ng kontekstong pampanitikan:

a. Talambuhay ng may-akda
b. Kailan naisulat?
c. Pagkakalathala (maaaring sa pamamagitan ng 1. publishing house o 2. self-publish,
kung 1 ang sagot, magbigay ng kaunting pagpapakilala sa publishing house, kung 2
ipakilala ang mga taong tumulong upang mailathala ang akda)
d. Isyung pinag-uusapan nang panahong maisulat ang akda

2. Paglalapat ng mga elementong pampanitikan

a. Kung tula ang susuriin, maaari maging gabay ang ating PPT sa pagsusuri
b. Kung kuwento ang susuriin, maaari maging gabay ang ating PPT sa pagsusuri
c. Kung sanaysay ang susuriin, maaari maging gabay ang ating PPT sa pagsusuri

FORMAT:
• Font Style: Calibri
• Font Size: 12
• Spacing: 1.5
• Paper Size: Short
• Ilagay rin ang ang batayang ginamit sa dulo ng inyong gawa (APA style).
• 3-7 pages

Talambuhay ni Honorio Bartolome de Dios


https://mgagawanihonoriobartolomededios.fandom.com/tl/wiki/Talambuhay_ni_Honorio_Bartolo
me_de_Dios

Ito ang magiging itsura ng Header ng inyong papel:

Name Kurso
Student Number Subject Course

Geyluv
Isinulat ni Honorio Bartolome de Dios

Sino nga ba si Honorio Bartolome de Dios?

Si Honorio Bartolome De Dios ay tubong Marilao Bulacan. Sa kanyang murang edad ay


namulat na siya agad sa makulay at madilim, masaya at malungkot, magulo at mapag-isang
mundo ng mga bakla. Nag-aral siya ng sociology sa Maynila at ‘di kalaunan ay nakilahok na sa
mga gawaing pangmasa. Sampung taon din siyang napabilang sa development work. Ngunit
hindi lang sa mga ito siya naging abala. Sa mabangis na lungsod ng Maynila, sinuyod din niya
ang mga suloksulok ng kabaklaan upang hanapin ang kanyang natatanging lugar sa lipunan. Sa
kanyang paghahanap ng sarili’y ilang beses din siyang napaluhod, nadapa, at napasubsob. Ngunit
sa tuwina, bumabangon siya na may panibagong lakas at determinasyon. Sa ngayon patuloy pa
rin ang kanyang paghahanap at ang pinagyayamang karanasan ang ginagamit niyang panulat
upang lumikha ng mga kuwentong sumasalamin sa buhay ng mga bakla sa isang lipunang may
kinikilingan, mapagsamantala, walang pagkakapantay-pantay, pyudal, at patriyarkal.

Sa kanyang kalipunan ng mga maiikling katha, seryoso si De Dios sa kanyang pagsisikap


na ipahayag at ipaunawa sa lipunang heterosexual ang partikular na kalagayan ng mga Filipinong
bakla. Sa bawat kuwento ay hindi lamang ang problema ng bakla sa sarili ang pinoproblema ng
bawat tauhan: laging kaugnay ito ng lipunan na siyang kinalalagyan at kinakaharap ng problema.
Ang Sa Labas ng Parlor ay kinatatampukan ng mga kuwentong tulad ng "Atseng," isang kuwento
kung paanong naunawaan ng musmos na si Ato ang karahasan ng pinsang lalaki sa kanya at kay
Atseng; "Lalaki," tungkol sa pag-aaklas laban sa patriyarkal na mundo sa isang karahasang
maituturing na makatwirang paghihiganti; at "Geyluv," tungkol sa kung paano lakas-loob na
inarok ng isang straight na lalaki ang pinakapusod ng katauhan ng isang bakla. Walang pag-
aalinlangan na ang simpatiya ng awtor ay nasa tatag at ganda ng tagdang kinawawagaywayan ng
bandila ng kabaklaan.

Kalian naisulat ang Geyluv?

Taong 1991

Pagkakalathala:

You might also like