You are on page 1of 16

Sining

Ng
Paglilimbag
Ang sining ng paglilimbag ay
pamamaraan ng paglipat ng
larawang iginuhit at inukit na
maaaring ginawa mula sa kahoy,
goma, metal at iba pa.
Inililimbag ito sa anumang
bagay tulad ng papel at tela
gamit ang tinta.
Maaari ding ilimbag ang
nararamdamang tekstura mula
sa likod ng mga dahon at iba
pang mga bagay tulad ng
linoleum, softwood, rubber (soles
of shoes). Sa pamamagitan ng
pagkulay, mapagyayaman ang
ganda ng mga gawaing
pansining.
Sa kulay, maipapakita rin nang
lubusan ang damdamin at
imahinasyon ng likhang-sining
kung paano nagbabago ang mga
nakulob na bagay upang
makalikha ng linya o texture
gamit ang mga bagong paraan
ng paglilimbag.
Ito ay nagmula sa Tsina
dantaon na ang nakalipas.
Ginamit nila ito bilang
pamamaran ng pagtala ng
kasaysayan ng kanilang
bansa at pagkukwento
gamit ang mga larawan.
Ang paglilimbag ay
pinalawak bilang isang
sining ng mga Hapon.
Ukiyo-e ang tawag nila sa
mga larawang nilimbag na
nagpapakita ng pang-
araw-araw na gawain at
larawan ng buhay.
Iba’t ibang uri
ng paglilimbag
Monoprint
Ang monoprint ay
paglilipat ng
larawan sa papel o
tela na iginuhit sa
ibabaw ng isang
bagay tulad ng
salamin.
Intaglio
Ang intaglio ay pangkat ng
pamamaraan ng paglimbag at
paggawa ng limbag kung saan
ang imahe ay inuukit sa
pamamagitan ng paghiwa sa
medium na panlimbag at ang
nabuong ukit ang syang
paglalagyan ng tinta.
Aquatint
Ang monoprint ay paglilipat ng
larawan sa papel o tela na iginuhit
sa ibabaw ng isang bagay Ang
aquatint ay isang uri ng intaglio,
isang alternatibong pamamaraan ng
etching o pag-uukit na lumikha ng
tone sa halip na lines. Dahil dito, ito
ay madalas gamitin kasabay ng pag-
uukit upang makapagbigay ng
parehong linya at shaded
tones.tulad ng salamin.
Engraving
Ang engraving ay isang
pamamaraan ng pag-ukit
ng disenyo sa matigas,
kalimita’y patag na
ibabaw, sa pamamagitan
ng pag-ukit gamit ang
burin.
Etching
Ang etching ay tradisyonal
na pamamaraan ng paggamit
ng malakas na acido o
mordant upang makagawa
ng disenyo sa metal.
Mezzotint
Ang mezzotint ay isang
pamamaraang intaglio gamit
ang drypoint method. Ito ang
unang tonal method na ginamit
upang makabuo ng half-tones
nang hindi ginagamitan ng line o
dot-based techniques gaya ng
hatching , cross hatching o
stripple.
Linocut
Ang linocut na kilala rin bilang lino
print , lino printing o linoleum art ay
isang pamamaraan ng paglilimbag ,
kung saan ang uri ng woodcut ay
ginagamit , ang linoleum ay
kadalasang nakadikit sa isang bloke
ng kahoy upang maipakitang
nakaaangat ang medium na
paglilimbagan.
Block Print
Ang woodblock print o block print
ay pamamaraan kung saan ang
mga salita o larawan ay inuukit sa
malaking bloke ng kahoy. Kapag
may naiukit nang imahe ang tinta
ay ikinakalat sa ibabaw ng bloke
at ipinapatong sa papel o tela
bilang medium ng paglilimbag.
Dry Point
Ang dry point ay isang
pamamaraan ng paglilimbag na
kabilang sa pangkat ng intaglio,
kung saan ang isang imahe ay
inuukit sa plate o matrix sa
pamamagitan ng matulis na
karayom ng matalas na metal
printmaking o diamond point.

You might also like