You are on page 1of 2

Ang paglilimbag ay isa sa mga gawaing pansining na

nagagawa sa pamamagitan ng pag–iwan ng bakas ng isang kinulayang bagay.


Inililimbag ito sa anumang bagay tulad ng papel at tela gamit ang tinta.

Narito ang iba’t ibang uri ng makabagong paraan ng paglilimbag:

1. Monoprint – ay paglilipat ng larawan sa papel o tela na iginuhit sa ibabaw ng


isang bagay at maaaring gawin lamang ng isang beses.

2. Intaglio – ay pamamaraan ng paglimbag at paggawa ng limbag kung saan ang


imahe ay inuukit sa pamamagitan ng paghiwa sa medium na panlimbag at ang
nabuong
ukit ang siyang paglalagyan ng tinta. Ang ingtaglio ay Italyanong salita ng
“Engrave”.

3. Engraving – ay isang pamamaraan ng pag-ukit ng desinyo sa matigas,


kalimita’y patag na ibabaw, sa
pamamagitan ng pag-ukit gamit ang burin.

4. Linocut – ay kilala rin bilang


lino print, lino printing o linoleum art ay isang pamamaraan ng paglilimbag, kung
saan ang uri ng woodcut ay ginagamit, ang linoleum ay kadalasang nakadikit sa
isang bloke ng kahoy upang
maipakitang nakaaangat ang medium ng paglilimbagan.

5. Wood block print – ay pamamaraan kung saan ang mga teksto o larawan
ay inuukit sa malaking bloke ng kahoy. Kapag may naiukit nang imahe ang tinta ay
ikinakalat sa ibabaw ng bloke at
ipinapatong sa papel o tela bilang medium ng paglilimbag.
Sa paglikha ng anumang sining tulad ng paglilimbag ay may mga kasanayan na
dapat na isaalang-alang tulad ng pagiging:
➢ Malikhain. Ito ay bunga ng mayamang pag-iisip at hindi ng
panggagaya o pangongopya sa gawa ng iba. Dapat ay orihinal, bago at kakaiba ang
iyong gagawing disenyo.
➢ Masigasig. Ito ang pagkakaroon ng kasiyahan, pagkagusto at siglang
nararamdaman sa paggawa ng anumang gawain.
➢ Disiplina sa sarili. Ang taong may disiplina sa sarili ay alam ang hangganan ng
kanyang ginagawa at mayroong paggalang sa ibang
tao.
➢ Kasipagan. Ito ay tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang
isang gawain ng buong puso at may malinaw na layunin sa paggawa.
➢ Tiyaga. Ito ay ang pagpapatuloy sa paggawa sa kabila ng mga hadlang sa
kanyang paligid. Isinasantabi ang kaisipang makahahadlang sa paggawa tulad ng
pagrereklamo at
pagkukumpara.
➢ Maparaan. Ito ay paghahanap ng paraan upang matugunan o masolusyunan ang
isang sitwasyon o ang kawalan.

You might also like