You are on page 1of 5

NAME:_________________________________________________ SECTION:__________________

Guided Learning Activity Sheets


SINING 5 - Quarter 3 – Week 1-3
ANG SINING NG PAGLILIMBAG

Tuklasin
Ang sining ng paglilimbag ay pamamaraan ng paglipat ng larawang iginuhit at inukit na maaaring
ginawa mula sa kahoy, goma, metal, at iba pa. Inililimbag ito sa anumang bagay tulad ng papel at tela gamit
ang tinta.
Ito ay nagmula sa Tsina dantaon na ang nakalipas. Ginamit nila ito bilang pamamaran ng
pagtala ng kasaysayan ng kanilang bansa at pagkukwento gamit ang mga larawan. Ang paglilimbag ay
pinalawak bilang isang sining ng mga Hapon. Ukiyo-e ang tawag nila sa mga larawang nilimbag na
nagpapakita ng pang-araw-araw na gawain at larawan ng buhay.
Suriin
Ano-ano ang iba’t ibang uri ng sining ng paglilimbag na ipinakilala at pinasikat sa Asya, Europa,
Africa, at iba pang bahagi ng mundo?
1. Ang monoprint ay paglilipat ng larawan sa papel o tela na iginuhit sa ibabaw ng isang bagay
tulad ng salamin.

2. Ang intaglio ay pangkat ng pamamaraan ng paglimbag at paggawa ng limbag kung saan ang
imahe ay inuukit sa pamamagitan ng paghiwa sa medium na panlimbag at ang nabuong ukit
ang syang paglalagyan ng tinta.

3. Ang aquatint ay isang uri ng intaglio, isang alternatibong pamamaraan ng etching o pag-uukit na lumikha
ng tone sa halip na lines. Dahil dito, ito ay madalas gamitin kasabay ng pag-uukit upang makapagbigay ng
parehong linya at shaded tones.
4. Ang engraving ay isang pamamaraan ng pag-ukit ng disenyo sa matigas, kalimita’y patag na ibabaw, sa
pamamagitan ng pag-ukit gamit ang burin.

5. Ang etching ay tradisyonal na pamamaraan ng paggamit ng malakas na acido o mordant upang


makagawa ng disenyo sa metal.

6. Ang mezzotint ay isang pamamaraang intaglio gamit ang drypoint method. Ito ang unang tonal method
na ginamit upang makabuo ng half-tones nang hindi ginagamitan ng line o dot-based techniques gaya ng
hatching , cross hatching o stripple.
7. Ang linocut na kilala rin bilang lino print , lino printing o linoleum art ay isang pamamaraan ng
paglilimbag , kung saan ang uri ng woodcut ay ginagamit , ang linoleum ay kadalasang nakadikit sa isang
bloke ng kahoy upang maipakitang nakaaangat ang medium na paglilimbagan.

8. Ang woodblock print o block print ay pamamaraan kung saan ang mga salita o larawan ay inuukit sa
malaking bloke ng kahoy. Kapag may naiukit nang imahe ang tinta ay ikinakalat sa ibabaw ng bloke at
ipinapatong sa papel o tela bilang medium ng paglilimbag.

9. Ang silkscreen o serigraph ay isang pamamaraan kung saan ginagamitan ng mesh na maaring isang uri
ng tela na may kakayahang sumipsip ng tinta. Ang mesh ay ginagamit sa paglipat ng tinta sa isang substrate
maliban sa mga bahaging natatakpan ng stencil.
10.Ang dry point ay isang pamamaraan ng paglilimbag na kabilang sa pangkat ng intaglio, kung saan ang
isang imahe ay inuukit sa plate o matrix sa pamamagitan ng matulis na karayom ng matalas na metal
printmaking o diamond point.

Halimbawa ng paglilimbag gamit ang rubber


Mga kagamitan: acrylic paint, lalagyan para sa acrylic paint, lumang tsinelas, lapis, ballpen,
cutter, at papel
1. Iguhit ang disenyo gamit ang lapis
2. Gumamit ng ballpen upang mas malinaw ang disenyo
3. Dahan-dahang ukitin ang gilid ng disenyo gamit ang cutter
4. Lagyan ng acrylic paint ang natapos na disenyo
5. Ipatong sa papel ang disenyo na may acrylic paint, patagalin ng ilang Segundo upang kumapit ang
disenyo sa papel
6. Gumamit ng iba’t-ibang kulay upang lumitaw ang kagandahan ng disenyo
Pagsasanay 1
Panuto: Lagyan ng tsek (√) kung ito ay isang uri ng sining ng paglilimbag na ipinakilala at pinasikat
sa Asya, Europa, Africa, at iba pang bahagi ng mundo. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

________1. silkscreen ________6. painting


________2. drawing ________7. monoprint
________3. Linocut ________ 8. stamp
________4. etching ________9. shading
________5. rubber cut ________10.woodblock print
Pagtatasa
Panuto: Tukuyin ang uri ng sining ng paglilimbag. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
__________________1.Ito ay pamamaraan kung saan ang mga salita o larawan ay inuukit sa malaking
bloke ng kahoy.
__________________2. Tinatawag din itong serigraph. Ito ay isang pamamaraan kung saan ginagamitan ng
mesh na maaring isang uri ng tela na may kakayahang sumipsip ng tinta.
__________________3 Pangkat ng pamamaraan ng paglimbag at paggawa ng limbag kung saan ang imahe
ay inuukit sa pamamagitan ng paghiwa sa medium na panlimbag at ang nabuong ukit ang syang paglalagyan
ng tinta.
__________________4. Isang pamamaraan ng pag-ukit ng disenyo sa matigas, kalimita’y patag na ibabaw,
sa pamamagitan ng pag-ukit gamit ang burin.
__________________5. Isang pamamaraang intaglio gamit ang drypoint method. Ito ang unang tonal
method na ginamit upang makabuo ng half-tones nang hindi ginagamitan ng line o dot-based techniques
gaya ng hatching , cross hatching o stripple.
__________________6. Isang uri ng intaglio, isang alternatibong pamamaraan ng etching o pag-uukit na
lumikha ng tone sa halip na lines. Dahil dito, ito ay madalas gamitin kasabay ng pag-uukit upang
makapagbigay ng parehong linya at shaded tones.
__________________7. Kilala bilang lino print , lino printing o linoleum art ay isang pamamaraan
ng paglilimbag , kung saan ang uri ng woodcut ay ginagamit , ang 12 linoleum ay kadalasang nakadikit sa
isang bloke ng kahoy upang maipakitang nakaaangat ang medium na paglilimbagan.
__________________8. Tradisyonal na pamamaraan ng paggamit ng malakas na acido o mordant upang
makagawa ng disenyo sa metal.
__________________9. Isang pamamaraan ng paglilimbag na kabilang sa pangkat ng intaglio, kung saan
ang isang imahe ay inuukit sa plate o matrix sa pamamagitan ng matulis na karayom ng matalas na metal
printmaking o diamond point.
__________________10. Paglilipat ng larawan sa papel o tela na iginuhit sa ibabaw ng isang bagay tulad ng
salamin.

You might also like