You are on page 1of 2

SUMMATIVE TEST NO.

2- EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO - V
SECOND QUARTER

NAME: ___________________________________________________DATE:_______________________

Panuto: Iguhit ang bilog ( ) kung ginagawa mo ang mga sumusunod na tungkulin at parisukat ( ) kung hindi
pa ginagawa. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
________1. Bawasan ang oras ng paglalaro.
________2. Magtipid sa paggasta ng pera at dapat unahin ang mga pangangailangan.
________3. Magtanim ng halaman minsan sa isang taon.
________4. Pahahalagahan ang pag-aaral nang mabuti.
________5. Limitahan ang pamamasyal .
________6. Sa halip na itapon ang mga bagay na maaari pang ayusin ay dapat ikumpuni ito.
________7. Maglinis ng kapaligiran araw-araw.
________8. Paggalang sa nakatatanda.
________9. Ipadama ang pagmamahal sa bawat kasapi ng pamilya.
_______10. Isakatuparan ang katungkulan ng mga gawain sa bahay

A. Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang konseptong nagpapahayag ng pagpapaubaya ng pansariling kapakanan para sa
kabutihan ng kapwa at ekis (X) naman kung hindi sa sagutang papel.
______11. Isinantabi muna ni Danny ang paggawa ng proyekto sapagkat mas pinili nyang tulungan ang ama na tapusin
ang pagbabakod.
______12. Sinamahan mong ipasuri ng iyong kamag-aral ang kanyang natamong sugat sa School Clinic kahit na hindi
ka pa tapos kumain sa iyong pananghalian.
______13. Inaanyayahan si Amy ng kanyang mga pinsan na maglaro. Naisip niya na sadyang masaya ang ganoong
gawi ngunit mas pinili niyang tulungan muna sa mga gawaing bahay ang kanyang ina.
______14. Masayang sinamahan ni Rene si Don na linisin ang bahaging iniatas ng guro kay Don kahit ibig sabihin nito
ay mapapagod din siya katulad ng kaibigan.
______15. Masayang iniawit ni Carol ng malakas ang kanyang mga paboritong musika sa videoke kahit alam niyang
may mga kapitbahay na maaaring nagpapahinga at natutulog sa oras na iyon.

B. Panuto: Iguhit ang masayang mukha ( ) kung ang mga sitwasyong nagpapakita ng pagpapaubaya ng
pansariling kapakanan para sa kabutihan ng kapwa at malungkot na mukha ( ) kung hindi sa
sagutang papel.
_____16. Araw ng Sabado at wala kang pasok. Naisipan mong maligo na. nakita mo na halos isang timba na lang ang
natitirang tubig na inyong inipon kagabi. Hapon pa ibabalik ang serbisyo ng tubig sa inyong
pamayanan. Naghahanda naring maligo ang iyong ate para pumasoksa kanyang trabaho. Ipinagamit mo na lamang
ang tubig sa iyong ate.
_____17. Oras ng recess at nakapila ka sa kantina, gutom kana, mahaba angpila nakipag unahan ka sa pilahan sa
harap ng isang batang may saklay sa unahan mo.
_____18. Mahilig kang magbasa ng mga kwentong pambata. Mayroon kangmatagal nang inaabangang kwento na
isinulat ng paborito mong manunulat ngunit mayroon ng nakauna sa aklat kaya hinayaan mo
na lamang ito sa kanya.
_____19. May nakita kang matanda na nakasakay sa bus nakita mo siyang nahihirapan at wala ng upuan. Naawa ka,
kaya ipinaubaya mo ang iyong upuan para sa kanya.
_____20. Gutom na gutom ang kaibigan mo, subalit mayroon ka lamang isang tinapay na dala tinawag mo siya at
ibinigay mo sa kanya ang tinapay kahit wala ng natira sa iyo.
KEY TO CORRECTION
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11. 
12. 
13. 
14. 
15. X
16. ☺
17. SAD
18. ☺
19. ☺
20. ☺

You might also like