You are on page 1of 4

PERFORMANCE TASK #1 IN ARTS

QUARTER 3
MELC: Demonstrates the concept that a print design may use repetition of shapes or lines and emphasis on
contrast of shapes and lines.

PANUTO: Maraming disenyo ang maaaring likhain sa sining ng imprenta. Sa pamamagitan ng iba’t ibang
linya o hugis ay makabubuo ka ng samu’t saring disenyong naisin mo. Sundin ang mga sumusunod
na hakbang ng imprenta sa ibaba.
Mga kailangan:
-papel
-likidong pangkulay
Mga hakbang sa paggawa:
1. Idampi ang hinlalaki sa pangkulay.
2. Itatak ng marka nito sa papel.
3. Idampi naman ang hinliliit sa pangkulay.
4. Itatak ng marka nito ng tatlong beses sa ibabaw ng marka ng hinlalaki.
5. Ulit-ulitin ang hakbang 1-4 sa iba’t ibang bahagi ng papel.

Rubriks sa Pagwawasto:
3 – Naipamalas ang pagiging malikhain at malinis sa paggawa ng sining
1 – Nakalikha ng disenyong may iba’t ibang linya o hugis
1 – Natapos ang Gawain sa takdang oras na ibinigay.
PERFORMANCE TASK #2 IN ARTS
QUARTER 3
MELC: Executes the concept that a print design can be duplicated often by hand or machine and shared with
others.

Panuto: Sundin ang mga sumusunod na hakbang upang makalikha ng selyo gamit ang simpleng makinarya.
(Pangkatin ang mga bata na may dalawang miyembro)
Mga kailangan:
1. Oslo paper
2. Kandila
3. Posporo o lighter
4. Malaking turnilyo o pako
Mga hakbang sa paggawa:
1. Sindihan ang kandila. Magpatak ng kandila sa napiling patag na bagay.
2. Habang ang patak ay mainit-init pa, ilapat dito ang ulo ng turnilyo o pako.
3. Dahan-dahang tanggalin ang turnilyo o pako, at hipan ang patak ng kandila upang lumamig, matuyo at
tumigas.
4. Maaari kang gumawa ng iba pang disenyo ng selyo gamit ang ibang matigas na bagay na may ukit bilang
pantatak. Maari mo ring damihan ang mga patak ng kandila sa iisang bahagi upang lumaki ang selyo.

Rubriks sa Pagwawasto:
2 – Naipamalas ang pagiging malikhain at malinis sa paggawa ng selyo gamit ang simpleng makinarya.
1 – Sumunod sa mga hakbang sa paggawa ng selyo.
1 – Ang bawat kasapi ng pangkat ay nagtutulungan at tahimik na gumawa.
1 – Natapos ang Gawain sa takdang oras na ibinigay.
PERFORMANCE TASK #3 IN ARTS
QUARTER 3
MELC: Stencils a paper or plastic sheets to be used for multiple prints on cloth or hard paper.
PANUTO: Sundin ang mga sumusunod hakbang sa pag-imprenta gamit ang istensil.
Mga kailangan:
1. Mga nagawang istensil
2. Puting tela o matigas na papel
3. Bulak o tisyu
4. Toyo o kape
Mga hakbang sa paggawa:
1. Ilapat ang napiling istensil sa tela o papel. Ingatan hindi ito magalaw.
2. Bahagyang isawsaw ang bulak o tisyu sa toyo o timpladong kape.
3. Dahan-dahan itong idampi sa loob ng balangkas ng istensil bilang pangkulay.
4. Ingatang hindi kumalat ang likido upang hindi ito lumampas sa balangkas.
5. Dahan-dahang tanggalin ang istensil upang makita ang nabuong marka.
Maaari mong gawin ang mga hakbang na ito gamit ang iba’t ibang nagawa o napili mong istensil.

Rubriks sa Pagwawasto:
3 – Nakalikha ng masining na gawa gamit ang iba’t ibang istensil.
1 – Malinis at maayos ang ginawang likhang-sining.
1 – Natapos ang Gawain sa takdang oras
PERFORMANCE TASK #4 IN ARTS
QUARTER 3
MELC: Writes a slogan about the environment that correlates messages to be printed on T-shirts, posters,
banners or bags.
PANUTO: Pagsamahin ang nalalaman sa mga kasabihan o salawikain ukol sa kalikasan, at ang pagsusulat ng
mga malalaking titik na may estilo o disenyo, upang makagawa ng isang islogan.
Mga kailangan:
1. Malaking papel
2. Ruler
3. Lapis at pambura
4. Pangkulay
Mga hakbang sa paggawa:
1. Ihanda ang iyong naisip na nilalaman ng islogan. Isulat ito sa isang kodigo o maliit na papel.
2. Guhitan ng mga linyang pahalang ang malaking papel nang may tig-iisang pulgada ang pagitan. Ito ay
magsisilbing gabay upang magpantay-pantay ang mga titik.
3. Planuhin ang pagkakaposisyon ng bawat salita sa buong papel gamit ang imahinasyon.
4. Gawin ang burador o draft ng islogan sa pamamagitan ng magaang pagsulat ng mga titik gamit ang
lapis.
5. Kung mayroong pagkakamali sa iyong pagtantiya, ay maaari itong burahin at isaayos muli ang mga
pagitan ng mga salita.
6. Lagyan ito ng kulay upang lumitaw ang titik.

Rubriks sa Pagwawasto:
2 – May malaking kaugnayan sa paksa at mabisang naipakita ang mensahe sa slogan.
1 – Maganda at malinaw ang pagkakasulat ng mga titik.
1 – Malinis at maayos ang pagkakagawa ng slogan.
1 – Natapos ang Gawain sa takdang oras

You might also like