You are on page 1of 4

SMILE

(Simplified Modules Intended for Learning Encounters)

Learner’s Packet

ARTS 5
#1
Learner’s Name: Grade & Section:

Teacher’s Name: Date Submitted:

I - Introductory Concept:

Ang alamat ay kawili wiling basahin lalo’t mahusay ang pagkakasulat. Isa sa
mga paksang malimit pagbatayan ng mga alamat ay ang paglalang ng daigdig at
pinagmulan ng unang tao sa ibabaw ng lupa. Ang lahat ng bansa ay halos may
alamat.

Ang paglilimbag ay isa sa mga gawaing pansining na nagagawa sa


pamamagitan ng pag –iwan ng bakas ng isang kinulayang bagay. Ito’y maaaring
isagawa sa pamamagitan ng iba’t ibang bagay na matatagpuan natin sa ating paligid
at pamayanan halimbawa ang linoleum soft wood, rubber (soles of shoes).

Sa pamamagitan ng pagkulay, mapagyayaman ang ganda ng mga gawaing


pansining. Sa kulay, maipakikita rin nang lubusan ang damdamin at imahinasyon ng
malikhang sining kung paano nagbabago ang mga nakulob na mga bagay upang
makalikha ng linya o tekstura gamit ang mga bagong paraan ng paglilimbag.

New Printmaking Technique

Mga kagamitan:

● Oslo paper, water paint o kaya water color, linoleum (matatagpuan sa inyong
tahanan), soft wood o malambot na kahoy na nilagyan ng disenyo, rubber (swelas
ng sapatos), brush (gagamitin sa pagpinta)

Mga hakbang sa paggawa:

1. Ihanda ang mga kagamitan na gagamitin sa isasagawang paglilimbag na


nakalap sa inyong tahanan.
2. Gayundin ilahad ang oslo paper na gagamitin, water paint o water color, brush.
3. Kulayan ang mga bagay na may bakas na bahagi na ipinahanda ng guro at
pagkatapos ay ilapat ito sa oslo paper kung ito ay di na gaanong basa ang
pagkakapinta o kulay.

1|Page
4. Lumikha ng magandang disenyo sa pamamagitan ng mga bakas na nasa mga
kagamitan.
5. Upang maging kaakit-akit ang iyong gagawin ay paganahin ang iyong
imahinasyon sa paglilimbag sa pamamagitan ng pag-iwan ng bakas.
6. Kung ang gagamitin ay softwood, umukit ng magandang larawan sa malambot
na kahoy at pagkatapos ay pintahan at iwan ang bakas sa malinis na papel.

II - Learning Competencies
- Discusses new printmaking technique using a sheet of thin rubber (used for
soles of shoes), linoleum or any soft wood that can be carved or gouged to
create different lines and textures
A5EL-IIIa (MELC #1)

III - Activities
Activity 1

Panuto. Lagyan ng tamang bilang ang mga hakbang sa pagsasagawa ng New


Printmaking Technique.

______ Ihanda ang mga kagamitan na gagamitin sa isasagawang paglilimbag na


nakalap sa inyong tahanan.
______ Lumikha ng magandang disenyo sa pamamagitan ng mga bakas na nasa
mga kagamitan.
______Gayundin ilahad ang oslo paper na gagamitin, water paint o water color,
brush.
______Kulayan ang mga bagay na may bakas na bahagi na ipinahanda ng guro at
pagkatapos ay ilapat ito sa oslo paper kung ito ay di na gaanong basa ang
pagkakapinta o kulay.
______Kung ang gagamitin ay softwood, umukit ng magandang larawan sa
malambot na kahoy at pagkatapos ay pintahan at iwan ang bakas sa malinis na
papel.
______ Upang maging kaakit-akit ang iyong gagawin ay paganahin ang iyong
imahinasyon sa paglilimbag sa pamamagitan ng pag-iwan ng bakas.

Activitry 2
Panuto: Suriing mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang T kung tama ang
pangungusap at M naman kung mali sa patlang bago ang bilang. Isulat ang sagot sa
activity notebook.
_______1. Ang alamat ay dapat mahusay ang pagkakasulat.
_______2. Ang pag- iwan ng bakas ay isa sa mga bagong pamamaraan ng
paglilimbag.
_______3. Ang bansang Pilipinas lamang ang may alamat sa buong mundo.
_______4. Ang likhang sining ay hindi dapat na ipagmalaki. 7
_______5. Mapagyaman ang ganda ng mga gawaing pansining sa pamamagitan ng
paglapat ng kulay.

IV - Answer Key
Activity 1 Activity 2
1, 4, 2, 3, 6, 5 1. T 2. T 3. M 4. M 5. T
2|Page
V – Reflection
Mga Simbolo ni Bernardo Carpio
Panuto: Basahin ang kuwento ni Bernardo Carpio. Gamitin ang iyong imahinasyon
upang makabuo ng disenyo base sa kwento. Siguraduhing nakabatay sa
mga katangiang nabanggit ang iyong iguguhit.

Ang Kwento ni Bernardo Carpio

Maraming iba’t ibang pagtatalakay sa katauhan ni Bernardo Carpio. May mga


kwentong naglalarawan na siya ay isang higante. Mayroon ding mga kwentong
nagsasabing na si Bernardo Carpio ay isang karaniwang tao lamang ngunit siya ay
nagtataglay ng pambihirang lakas. Subalit, ang lahat ay naglalarawan sa kanya na
may mahabang buhok at siya ay may malaki at may matipunong pangangatawan.
Ang kwento ng kabayanihan ni Bernardo Carpio ay tungkol sa pagpigil niya sa
dalawang bundok na nagbabanggaan. Ginamit niya ang kanyang matipunong
katawan upang mailigtas niya ang maraming buhay sa pamayanan ng Montalban.
Ayon sa alamat, sa bawat paggalaw ni Bernardo Carpio ay nagkakaroon ng
paglindol.

V. Rubrik sa Pagpupuntos

Nakasusuno Nakasunod sa
Hindi
d sa pamantayan
nakasunod
pamantayan subalit may
Pamantayan sa
nang higit sa ilang
pamantayan
inaasahan pagkukulang
(1)
(3) (2)
1. Nakagawa ng disenyo gamit ang
ibat ibang uri ng linya at tekstura.
2.Nakapaglimbag ng disenyo gamit
ang bagay na nasa paligid
3. Nalaman ang iba pang
pamamaraan ng printmaking
technique.
4.Naipakikita ang pagiging maingat sa
mga kagamitan
5.Naging malikhain sa pagsagawa ng
disenyo

3|Page
VI- REFERENCE:
Musika at Sining 4 LM pp.212-213
Halinat Umawit at Gumuhit 5 LM pp. 144- 146

4|Page

You might also like