You are on page 1of 20

Suriin

Ang Sining
ng Paglilimbag
ARTS
Paglilimbag

Ang sining ng paglilimbag ay


pamamaraan ng paglipat ng larawang
iginuhit at inukit na maaaring mula sa
kahoy, goma, metal, at iba pa.
Paglilimbag

Inilimbag ito sa anomang bagay tulad ng


papel at tela gamit ang tinta. Maaari ring
ilimbag ang nararamdamang tekstura
mula sa likod ng mga dahon at iba pang
mga bagay.
Paglilimbag

Ang teknik na ito ay nagsimula sa bansang


Tsina daantaon na ang nakalipas. Ginamit
nila ang paglilimbag bilang pamamaraan ng
pagtatala ng kasaysayan sa kanilang bansa.
Ginamit din nila itong paraan ng
pagkukuwento gamit ang mga larawan.
Paglilimbag

Ang teknik na ito ay nagsimula sa bansang


Tsina daantaon na ang nakalipas. Ginamit
nila ang paglilimbag bilang pamamaraan ng
pagtatala ng kasaysayan sa kanilang bansa.
Ginamit din nila itong paraan ng
pagkukuwento gamit ang mga larawan.
Paglilimbag

Sa bansang Hapon, ang paglilimbag ay


pinalawak bilang isang sining.
Ang ukiyo-e ay mga larawang nilimbag
na nagpapakita sa pang-araw-araw na
gawain at larawan ng buhay.
Iba’t ibang uri ng sining ng
paglilimbag

1. Monoprint 7.Linocut
2. Intaglio 8.block print
3. Aquatint 9.Lithography
4. Engraving 10.silk screen o serigraph
5. Etching 11.woodblock print
6. Mezzotint 12.drypoint
MONOPRINT
Ito ay paglilipat ng larawan sa
papel o tela na iginuhit sa
ibabaw ng isang bagay tulad ng
salamin.
MONOPRINT
INTAGLIO
Ito ay pangkat ng pamamaraan
ng paglimbag at paggawa ng
limbag kung saan ang imahe ay
inuukit sa pamamagitan ng
paghiwa sa medium na
panlimbag at ang nabuong ukit
ang syang paglalagyan ng tinta.
AQUATINT
Ito ay isang uri ng intaglio,
isang alternatibong
pamamaraan ng etching o pag-
uukit na lumikha ng tone sa
halip na lines. Dahil dito, ito ay
madalas gamitin kasabay ng
pag-uukit upang makapagbigay
ng parehong linya at shaded
tones.
ENGRAVING
Ito ay isang pamamaraan ng
pag-ukit ng disenyo sa matigas,
kalimita’y patag na ibabaw, sa
pamamagitan ng pag-ukit gamit
ang burin.
ETCHING
Ito ay tradisyonal na
pamamaraan ng paggamit ng
malakas na acido o mordant
upang makagawa ng disenyo sa
metal.
MEZZOTINT
Ito ay isang pamamaraang intaglio gamit ang
drypoint method, Ito ang unang tonal method
na ginamit upang makabuo ng half-tones
nang hindi ginagamitan ng line o dot-based
techniques gaya ng hatching, cross hatching o
stripple.
LINOCUT
Ito ay kilala rin bilang lino print, lino printing o
linoleum art ay isang pamamaraan ng
paglilimbag, kung saan ang uri ng woodcut ay
ginagamit, ang linoleum ay kadalasang
nakadikit sa isang bloke ng kahoy upang
maipakitang nakaangat ang medium na
paglilimbagan.
BLOCKPRINT
Ito ay pangkat ng pamamaraan ng
paglimbag at paggawa ng limbag kung saan
ang imahe ay inuukit sa pamamagitan ng
paghiwa sa medium na panlimbag at ang
nabuong ukit ang syang paglalagyan ng
tinta.
LITHOGRAPHY
Ito ay isang planograpikong paraan ng pag-
imprenta na orihinal na batay sa
immiscibility ng langis at tubig. Ang pag-
print ay mula sa isang bato o isang metal
plate na may makinis na ibabaw.
SILK SCREEN O SERIGRAPH
Ito ay isang pamamaraan kung
saan ginagamitan ng mesh na
maaaring isang uri ng tela na
may kakayahang sumipsip ng
tinta. Ang mesh ay ginagamit sa
paglipat ng tinta sa isang
substrate maliban sa mga
bahaging natatakpan ng stencil.
DRY POINT
Ito ay isang pamamaraan ng
paglilimbag na kabilang sa
pangkat ng intaglio, kung saan
ang isang imahe ay inuukit sa
palte o matrix sa pamamagitan
ng matulis na karayom ng
matalas na metal printmaking o
diamong point.

You might also like