You are on page 1of 3

YUNIT 3: PRINTMAKING

Araling Bilang 2: MAKABAGONG PAMAMARAAN NG PAGLILIMBAG


Code: A5EL-IIIb

BUOD NG ARALIN

Art History Art Art Criticism Art Appreciation


Production
Magsiyasat ng Maglukob ng Naipakikita Maipagmalaki ang
bagong iba ibang ang ganda ng bagong
pamamaraan sa bagay gamit nalikhang pamamaraan ng
paglilimbag halimbawa guhit o linya paglilimbag gamit
gamit ang iba’t ang linoleum, gamit ang ang iba ibang bagay
ibang bagay na softwood, nilikob na halimbawa ang
halimbawa rubber (soles bagay linoleum, softwood,
linoleum, of shoes) rubber (soles of
softwood, rubber upang shoes)
(soles of shoes) makalikha ng
upang maiukit linya o
ang mga linya at kayarian mula
kayarian sa sa mga bagay
paglilimbag. na ginamit

I. Layunin:
1. Nasisiyasat ang bagong pamamaraan sa paglilimbag gamit
ang iba’t ibang bagay na halimbawa linoleum, softwood,
rubber (soles of shoes) upang maiukit ang mga linya at
kayarian sa paglilimbag. A5EL-IIIb

2. Nakalilimbag ng iba ibang bagay gamit halimbawa ang


linoleum, softwood, rubber (soles of shoes) upang makalikha
ng linya o kayarian mula sa mga bagay na ginamit.

3. Naipagmamalaki ang bagong pamamaraan ng paglilimbag


gamit ang iba ibang bagay halimbawa ang linoleum,
softwood, rubber (soles of shoes).

II. Paksang Aralin:


Elemento ng Sining: Relief Mold( Pagguhit at Paglilimbag)
Kagamitan: linoleum, softwood, rubber (sole of shoes)
pinta (water paint)
bond paper
Sanggunian:

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
Balik-aral:
Magpakita ng larawan ng iba ibang uri na nilimbag ng mga
pintor.
(Ipaunawa sa mga bata na ang mga pintor ganya ni Bernardo
Carpio ay isa sa mga inspirasyon upang lalong maging tanyag
ang anting bansa sa mga dayuhan.)

Pagganyak:
Pagpapakita ng mga larawan gamit ang makabagong
pamamaran ng paglilimbag.

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Ang paglilimbag ay isa sa mga gawaing pansining
na magagawa sa pamamagitan ng pag-iwan ng bakas ng
isang kinulayang bagay. Ito’y maaaring isagawa sa
pamamagitan ng iba’t ibang bagay na matatagpuan natin
sa paligid at pamayanan halimbawa ang linoleum,
softwood,rubber(soles of shoes).
Sa pamamagitan ng pagkulay,mapagyayaman ang
ganda ng mga gawaing pansining. Sa kulay,maipakikita rin
nang lubusan ang damdamin at imahinasyon ng likhang-
sining kung paano nagbabago ang mga nakulob na bagay
upang makalikha ng linya o texture gamit ang mga bagong
paraan ng paglilimbag.
2. Gawaing Pansining
(Sumangguni sa “GAWIN” ) LM
3. Pagpapalalim sa Pag-unawa
Paano mo maipakikita ng makabagong pamamaraan ng
paglilimbag?
Ano ang mga dapat mong ihanda at pagtuunan ng pansin?

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahad
Ang bagong pamamaraan ng paglilimbag ay ang
pagsasalit ng disenyo sa pamamagitan ng pagpipinta ng
isang bagay at pagkatapos ay isasalin sa isang malinis na
papel.

Ang ritmo ay isang prisipyo ng sining na nalilikha sa


pamamagitan ng mga galaw ng disenyo.Nakapupukaw ito
ng damdamin at naipakikita ito sa pamamagitan ng
pagsasalit ng mga disenyo.
2. Repleksyon:
Paano mo maipagmamalaki ang makabagong
pamamaraan ng paglilimbag?
IV. Pagtataya
Ipaskil ang mga larawan na nilikha ng mga mag-aaral.
(Sumangguni sa “SURIIN”)

You might also like