Buuhin ang mga larawan at tukuyin kung sinong dyos o
dyosa ito at kung ano ang kanyang katangian o kapangyarihang taglay. Pagkatapos ay pipili kayo ng isang miyembro na magp-presenta sa harap ng klase. Zeus ─ Athena ─ Dyosa ng Hari ng mga dyos, dyos karunungan, digmaan ng kalawakan at at katusuhan panahon Aphrodite ─ Dyosa Poseidon ─ Hari ng ng Kagandahan at karagatan at Pag-ibig Lindol MITOLOHIYA Ano ang Mitolohiya? Ang mitolohiya ay isang halos magkakabit-kabit na kumpol ng mga tradisyonal na kwento o mito(Ingles: myth), mga kuwento na binubuo ng isang particular na relihiyon o paniniwala. Karaniwang tinatalakay ng mga kuwentong mito ang mga diyos at nagbibigay ng mga paliwanag hinggil sa likas na kaganapan. APAT NA ELEMENTO NG MITOLOHIYA: 01 TAUHAN • Ang bumubuo sa diwa ng larangan ng pagsulat ng kwento o ng isang pagtatanghal.
• Mga dyos at dyosa na may taglay na
kakaibang kapangyarihan 02 TAGPUAN • Tawag sa lugar ng pinangyarihan sa kwento. • May kaugnayan ang tagpuan sa kultura ng kinabibilangan at sinaunang panahon. 03 BANGHAY • Maraming kapana-panabik na aksiyon at tunggalian • Maaring tumalakay sa pagkalikha ng mundo at natural na pangyayari. • Nakatuon sa mga suliranin at kung paano ito malulutas 04 TEMA • Tinatawag din itong paksa. • Ito ang sentral na ideya o pangkalahatang pangkaisipan na nakapaloob sa kuwento. • Pinagmulan ng buhay sa daigdig • Pag-uugali ng tao • Mga paniniwala ng pang-relihiyon • Katangian at kahinaan ng tauhan • Mga aral sa buhay. CUPID AT PSYCHE PANGKAT UNA – TAUHAN
PANGKAT PANGALAWA – BANGHAY
PANGKAT TATLO –TAGPUAN
PANGKAT APAT – TEMA
Panuto: Kumuha ng sangkaapat na papel at isulat ang tamang sagot sa bawat katanungan. (2 puntos bawat tamang sagot)
1. Ito ay may maraming kapana-panabik na aksiyon at tunggalian.
2. Ang bumubuo sa diwa ng larangan ng pagsulat ng kwento o ng isang pagtatanghal. 3. tawag sa lugar na pinangyarihan ng kwento. 4. Karaniwang tumatalakay o pumapaksa sa mga dyos o dyosa at nagbibigay paliwanag hinggil sa mga likas na kaganapan. 5. Ito ang sentral na ideya o pangkalahatang pangkaisipan na nakapaloob sa kuwento. Takdang Aralin. Magsaliksik ng isang kuwentong mitolohiya at suriin ito gamit ang apat na elemento.