You are on page 1of 9

ASIMILASYON

Jhon Harold C. Ilan


Bsed1-C
PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO: ASIMILASYON

 Ang asimilasyon ay tumutukoy sa pagbabagong anyo


ng morpema dahil sa impluwensiya ng mga katabing
tunog nito. Kinabibilangan ito ng mga panlaping
nagtatapos sa -ng katulad ng -sing na maaaring
maging sin- o sim-.

 Gayundin ang pang- na maaaring maging pan- o pam-


dahil sa impluwensiya ng kasunod na katinig.
D, L, S, R, T = pan, sin
Halimbawa:
 pang + sipit = pangsipit = pansipit
 pang + lunas = panglunas = panlunas
 sing + dali = singdali = sindali
 sing + lakas = singlakas = sinlakas

B, P = sim, pam
Halimbawa
 pang + bayan = pangbayan = pambayan
 pang + pahid = pangpahid = pampahid
 sing + bango = singbango = simbango
 sing + pulido = singpulido = simpulido
 Patinig (a, e, i, o, u) at Katinig (k, g, h, m, n, w, y) = sing,
pang
 Halimbawa:
 pang + gabi = panggabi
 sing + ayos = sing-ayos
 pang + katawan = pangkatawan
 sing + husay = singhusay
D, L, R, S,T B,P patinig (a, e, i, o, u) katinig
(k, g, m, n, w, y)
Pan Pam Pang
Sin sim Sing
DALAWANG URI NG ASIMILASYON
PARSIYAL O DI-GANAP - Asimilasyong parsyal tinatawag itong
asimilasyong 'di-ganap. Ito ang mga pagbabagong nagaganap sa
pinal na morpemang- ng na nagiging /m/ o /n/ dahil sa punto ng
artikulasyon o dahil sa mga sumusunod na tunog.
Halimbawa:
 sing + dali = sindali

 pang + lasa = panlasa

 pang + paligo = pampaligo


 sing + bagsik = simbagsik
GANAP – May nagaganap pag pagbabago sa salita maliban sa
alomorp nito. Kadalasan naaalis ang unang titik ng salitang
ugat upang lalong madulas ang pagbigkas ng mga salita.
Halimbawa:
 mag + salamin = magsalamin = manalamin

 mang + pitas = mangpitas = mamitas

 pang + bilang = pangbilang = pambilang = pamilang


MARAMING SALAMAT SA
PAKIKINIG!

You might also like