You are on page 1of 18

Sa unang tingin ko pa lang ay labis na akong naakit sa

kanyang mga matang tila nangungusap. ‘Di ko mapuknat


ang aking paningin sa hindi pangkaraniwang kagandahan sa
aking harapan. Papalayo na sana ako sa kanya subalit alam
kong dalawang nagsusumamong mga mata ang nakatitig sa
aking bawat galaw, tila nang-aakit upang siya’y balikan,
yakapin, at ituring na akin. Siya na nga at wala nang iba pa
ang hinahanap ko. Hindi ako makapapayag na mawala pa
siyang muli sa aking paningin. Halos magkandarapa ako sa
pagmamadali upang siya’y mabalikan. “Manong, ang asong
iyan na ang gusto ko. Siya na nga at wala nang iba.
Babayaran ko at nang maiuwi ko na.”
Tekstong Deskriptibo
Makulay na Paglalarawan
Tekstong Deskriptibo

Ito ay may layuning


ilarawan ang mga
katangian ng mga bagay,
pangyayari, lugar, tao,
hayop, ideya, paniniwala,
at iba pa.
Larawang
Pangkula
Pintor y
ipininta
(modelo)

Manunula Wika o Tesktong


t Mga salita Deskriptibo
Paraan ng Paglalarawan
--ANO--
Batay sa obserbasyon
Batay sa pandama
(nakita, narinig, naamoy,
nalasahan, at nahawakan)
Batay sa nararamdaman
Tekstong
Prosidyural
Tekstong Tekstong
Naratibo Persuweysib

Tekstong Tekstong
Impormatibo Argumentatibo
Tekstong
Deskriptibo
Ilan sa mga halimbawa ng
mga sulatin na gumagamit ng
tekstong deskriptibo
 mga akdang pampanitikan
 talaarawan
 talambuhay
 Polyetong panturismo
 obserbasyon
 sanaysay
 rebyu ng pelikuka
Elemento ng Tekstong
Deskriptibo

OBHETIBO SUBHETIBO
KARANIWANG MASINING NA
PAGLALARAWAN PAGLALARAWAN
OBHETIBO
KARANIWANG PAGLALARAWAN
 Tahasang inilalarawan ang paksa sa pamamagitan ng pagbanggit ng
mga katangian nito gamit ang mga pang-uri at pang-abay.
 May pinagbatayang katotohanan.

Hal. Lake Danao


Halos araw-araw, maraming mga turista ang bumibisita sa Lake
Danao dahil sa angking kagandahan nito. Malinis ang kapaligiran.
Kulay luntian at bughaw ang namayani sa lugar. Malamig ang simoy
ng hangin. Pinalilibutan ito ng mga malalaking puno at iba’t ibang uri
ng mga halaman at mga hayop.
SUBHETIBO
MAKULAY NA PAGLALARAWAN
 Malikhain ang paggamit ng wika upang makabuo ng kongkretong
imahe tungkol sa inilalarawan.
 Nakabatay sa mayamang imahinasyon

Hal.
Si Dante ay matipunong lalake. May mga matang kasingningning ng
mga bituin na taglay halina sa sinumang makakita. Ang bawat pag-ngiti
niya ay nakakapag-gaan ng loob. Ang maaliwalas niyang mukha na agad
sinisilayan ng taos-pusong pagbati sa bawat makasalubong ay dagling
nakakukuha ng atensyon at tiwala.
Tayutay
Nagtataglay ito ng mga salitang
matalinghaga at makulay na umaakit at
pumupukaw sa damdamin at kawilihan ng
mambabasa
Pagtutulad
Pagtutulad – tulad ng, parang, kagaya, kawangis,
katulad, kasing.

Hal. Kasingningning ng mga bituin ang iyong mga


mata.
Ang pisngi ng dalagang babae ay parang dalawang
rosas na mapupula.
Ang kanyang nanlilisik na mga mata ay tulad ng
isang nagbabagang apoy.
Para kang tigre magalit.
Pagwawangis
Pagwawangis – Di gumagamit ng mga salitang
naghahayag ng pagkakatulad.

Hal.
Ang tawa ng bunsong anak ay musika sa tahanan.
Siya ang ahas mong kaibigan.
Ang baboy mong kumain.
Ang ama ay ang haligi ng tahanan.
Pagsasatao
Pagsasatao – Pagbibigay buhay sa mga abstraktong
bagay o walang buhay.

Hal.
Matalinong mag-isip ang bagyo kaya lilihis ito sa
ating bansa.
Nagsasayawan ang mga halaman at puno sa ihip ng
hangin.
Kumikindat ang bituin sa akin.
Lumilipad ang oras kapag kasama siya.
Pagmamalabis
Pagmamalabis – eksaherado ang paglalarawan.

Hal.
Nagdurugo ang aking utak sa hirap ng pagsusulit na
ito.
Bumuga ng dugo sa aming lugar dahil sa patayan.
Narinig ng buong mundo ang iyong pag-iyak.
Abot langit ang pagmamahal niya sa babae.
Paghihimig
Paggamit ng salitang may pagkakatulad sa tunog.

Hal.
Umaalingawngaw ang tinig ng asong ulol ng aming
kapit-bahay.
Dinig na dinig ko ang tik-tak ng orasan.
Malakas ang dagundong ng kulog.
Gumawa ng tig-lilimang halimbawa ng
mga sumusunod na tayutay.
1. Pagtutulad
- Limang halimbawa
2. Pagwawangis
- Limang halimbawa
3. Pagsasatao
- Limang halimbawa
4. Pagmamalabis
- Limang Halimbawa

You might also like