You are on page 1of 18

TUNGKULIN AT RESPONSIBILIDAD

NG MANANALIKSIK
inihanda ni Gng. Marina D. Acerit

Mula sa modyul 2 ng Sining ng Komunikasyon II ni Pamela


Constantino.
TUNGKULIN AT RESPONSIBILIDAD
NG MANANALIKSIK
1. Matiyaga sa paghahanap ng mga datos mula sa

iba’t ibang mapagkukunan maging ito’y sa

aklatan,upisina,institusyon,tao,media,komunidad

at maging sa Internet
TUNGKULIN AT RESPONSIBILIDAD NG
MANANALIKSIK

2. Maparaan sa pagkuha ng datos na hindi madaling


kunin at nag-iisip ng sariling paraan para makuha ang mga
ito.

3. Sistematiko sa paghahanap ng materyales,sa


pagdodokumento dito at sa pag-iiskedyul ng mga gawain
tungo sa pagbubuo ng pananaliksik
TUNGKULIN AT RESPONSIBILIDAD
NG MANANALIKSIK
4. Maingat sa pagpili ng mga datos batay sa
katotohanan at sa kredibilidad ng pinagkunan sa
pagsisiguro na lahat ng panig ay sinisiyasat; at sa
pagbibigay ng mga
kongklusyon,interpretasyon,koment at
rekomendasyon
• Ang katotohanan ay mahirap pasubalian kung ito’y
napapatunayan ng mga ebidensya.

e.g. ang isang pangunahing dokumento na may


awtentikong pirmaq ay mas solido at matibay na
patunay kaysa sa sekondaryong dokumento ng pahayag
ng isang tagamasid lamang
Ang kredibilidad ng pinagkunan ng datos ay
napatutunayan sa motibo,awtoridad, at realidad
(pagiging totoo) ng datos.
e.g. lalong may kredibilidad ang sinulat ng isang
historyan kaysa ng isang matematisyan kung tungkol sa
yugto ng kasaysayan ang datos.

Lahat ng panig ay sinisiyasat kung matiyagang hahanapin


ang lahat ng datos ukol sa paksa kahit na may makitang
negatibong epekto sa ginagawang pananaliksik
• Ang mga konklusyon,interpretasyon,puna at
rekomendasyon ay hindi mo basta gagawin o ibibigay
kung hindi mo pa nabibistay,natitimbang at nasusuri
ang mga argumento at mga batayang datos.

• e.g. Hindi ka basta gagawa ng kongklusyon na tv ang


dahilan ng bayolenteng pagkilos o karahasan ng mga
kabataan ngayon kung hindi ito napatunayan ng mga
datos at hindi mo nasuri ang mga argumento
TUNGKULIN AT RESPONSIBILIDAD
NG MANANALIKSIK
5. Analitikal sa mga datos at interpretasyon ng iba at
mga kaugnay na paksa.

e.g. analitikal ka kung malinaw mong nakita na ang


isyu ng rape ay may iba’t ibang dimensyon-
pisikal,emosyonal,moral,ekonomiko,sosyal at pulitikal
TUNGKULIN AT RESPONSIBILIDAD
NG MANANALIKSIK
6. Kritikal sa pagbibigay ng
interpretasyon,konklusyon, at rekomendasyon sa
paksa. Hindi lahat ng datos at mga pag-aaral ay basta
tinatanggap kung hindi sinusuri muna at tinitingnan
ang mga implikasyon,kabuluhan,pinagmulan at
kaugnayan ng isang ideya sa iba pang ideya o kaya’y
ng mga partikular na ideya sa kabuuang ideya
TUNGKULIN AT RESPONSIBILIDAD
NG MANANALIKSIK
7. Matapat sa pagsasabing may nagawa ng pag-aaral
ukol sa paksang pinag-aaralan;sa pagkuha ng mga datos
nang walang itinatago,iniiwasan,ipinagkakaila nang
walang pagkilala at permiso sa kinunan at sa
pagtanggap sa limitasyon ng pananaliksik
8. Responsible sa paggamit ng mga nakuhang datos,sa
mga tao/institusyong pinagkunan ng mga ito at sa
pagsisigurong maayos at mahusay ang mabubuong
pananaliksik mula sa pormat hanggang sa nilalaman at
sa prosesong pagdadaanan
ETIKA AT RESPONSIBILIDAD
NG MANANALIKSIK
Sa kahit anong gawain,may etikang sinusunod upang
masanay at maisaayos ang mga gagawin:
May mga etikang sinusunod sa
paglalaro,pagpupulong,sa hapag-kainan,sa
pagmamaneho, etc.

Sa pananaliksik,may mga etika ring dapat sundin.


TUNGKULIN AT RESPONSIBILIDAD
NG MANANALIKSIK
1. Kilalanin ang mga ginamit na mga ideya. Anumang hindi
iyo ay ipaalam mong hindi iyo sa pamamagitan ng mga tala
at bibliograpiya.

2. Huwag kang kumuha ng datos kung hindi ka pinapayagan


o walang permiso ang may-ari.
Ihingi ng permiso ang mga personal na koleksyon at mga
kumpidensyal na dokumento at pagteteyp ng panayam
TUNGKULIN AT RESPONSIBILIDAD
NG MANANALIKSIK
3. Iwasang gumawa ng mga personal na
obserbasyon lalo na kung negatibo ang mga ito
o makakasirang-puri sa taong iniinterbyu.
Maging obhetibo at maingat sa pagbibigay ng
obserbasyon. Manatili sa paksa ng interbyu
TUNGKULIN AT RESPONSIBILIDAD
NG MANANALIKSIK
4. Huwag kang mag-shortcut. Anumang pag-
shortcut ay masasabing bunga ng katamaran.
Anumang pag-shortcut ay magbubunga rin ng
di-kasapatan ng datos na magreresulta sa di rin
sapat na pagsusuri.
Mga halimbawa ng pag-shortcut
• Kulang/hindi tapos ang paghahanap ng materyales

• Hindi na sinusuri nang malalim ang materyales

• Mabilisang nagbibigay ng
kongklusyon/rekomendasyon para matapos lang.
TUNGKULIN AT RESPONSIBILIDAD
NG MANANALIKSIK
5. Huwag kang mandaya. Isang krimen ang
pandaraya sa pananaliksik

Takdang aralin.Magsaliksik ng mga uri ng pandaraya


sa pananaliksik.
Pagsasanay
Ipaliwanag kung etikal o di etikal ang mga sumusunod
na gawain ng mananaliksik.
1. Gagawa akong sulating pananaliksik.Isasabmit ko ito
sa dalawang propesor ko nang hindi nila nalalaman.
2. Kakapanayamin ko sa telepono ang tao sa halip na
magpunta sa lugar na napag-usapan namin para
hindi na masayang ang oras,pagod at pera ko.
3. Isasabmit ko sa propesor ko bilang sulating
pananaliksik ang kalalabas lang na artikulo ko sa
magasin
4. May ipinagbibiling sulating pananaliksik malapit sa
amin. Sasabihin ko sa kaklase ko na bumili na lang dito
para wala na siyang problema. Nahihirapan kasi siyang
sumulat.

5. Sisipiin ko ang 10 pahina ng isang libro para sa aking


sulating pananaliksik. Pero kikilalanin ko naman ang
awtor

You might also like