You are on page 1of 13

PAGMAMASID SA

KOMUNIDAD HINGGIL
SA KULTURA, KAUGALIAN,
PAMUMUHAY, EDUKASYON AT
NEGOSYO
LAYUNIN

 Naipaliwanag ang mga kulturang popular mula sa pagmamasid


sa komyunidad.
 Nakabuo ng vlog sa kulturang popular ng lipunang
kinabibilangan.
 Nakasuri ng mga kulturang popular sa lipunang kinabibilangan.
KULTURA
• Sa bawat yugto ng ating kasaysayan, ang ating kultura
ang siyang nagbuklod at gumabay sa ating mga Pilipino.
• Ang kultura ng Pilipinas o kalinangan ng Pilipinas ay
pinaghalong impluwensiya ng mga katutubong tradisyon
at mga kultura ng mga unang mangangalakal at
mananakop nito noon.
Ngunit dahil sa patuloy na pag-unlad ng bansa at mga
implunwesiya nito ay unti-unting nawawala ang ating
kultura bilang Pilipino.

HALIMBAWA:
Pananamit
Panliligaw
KAUGALIAN
• Kaugalian o tradisyon ay isang paniniwala o pag-uugali na
ipinasa sa loob ng isang grupo o lipunan na may simbolikong
kahulugan o espesyal na kahalagahan na may mga
pinagmulan sa nakaraan.
• Gawi o kasanayan ng isang pangkat ng lipunan, karaniwang
namamana ng bawat henerasyon sa sinundang henerasyon.
HALIMBAWA:

Pagmamano sa Matanda - Ang pagmamano ay kaugalian ng mga


Pilipino upang ipakita ang paggalang sa nakatatanda. Tinutukoy nito
ang pagkuha sa kamay ng nakatatanda at paglapat sa nito sa noo.
Pamamanhikan - Ang pamamanhikan ay isinasagawa kapag ang
babae at lalaki ay nagkasundong magpakasal. Pormal na hinihingi ng
lalaki ang kamay ng babae sa magulang nito habang kaharap ang sarili
niyang magulang.
• Bayanihan- Nabuo ang Bayanihan sa mga Samahan ng
mga magkakapitbahay na nagtutulungan kahit kailan o
saan man kailanganin ng tulong.

• Paghaharana – Ang harana ay isang gawaing nakagisnan


na ng mga Pilipino at naging tanyag mahabang panahon na
ang nakaraan.
PAMUMUHAY

• Ang pamumuhay ay ang mga interes, opinion, pag-


uugali, at oryentasyon sa pag-uugali ng isang
indibidwal, grupo, o kultura.
• Ang termino ay ipinakilala ng Austrian psychologist na si
Alfred Adler sa kanyang 1929 na aklat, The Case of Miss
R., na may kahulugan na “katangian ng isang tao na
itinatag noong maaga sa pagkabata”
• Ano nga ba ang ipinagkaiba ng pamumuhay NOON at NGAYON?

Ang paraan ng pamumuhay NGAYON ay sobrang layo sa nakaraang


pamumuhay. Dahil sa pag-usbong ng makabagong teknolohiya ay naimbento
ang iba’t-ibang mga gamit.
Malaya ang ating pamumuhay at ang mga trabaho sa ngayon ay mas propesyal,
industriyalisado, at malayang nakapagtrabaho na rin ang mga kababaihan.

HALIMBAWA:
Transportasyon
Komunikasyon
Pagsasaka
EDUKASYON
• Pagahahatid ng kaalaman sa isang tao, na may hangaring mabuo ang
pareho ng intelektwal, nakakaapekto at moral na mga kakayahan.
• Ang edukasyon ang susi upang matamo ang matagumpay na
kinabukasan.
• Sa panahon ngayon, ay tinutulungan tayo ng gobyerno upang ang
lahat ay magtamo ng magandang edukasyon.
HALIMBAWA
Pagatatayo sa bawat barangay ng Paaralan
Libreng Matrikula
NEGOSYO
• Ang negosyo ay isang gawain na bunga ng pagtataya ng
isa o higit pang mga mangangalakal ng kanilang pawis,
pag-iisip, at salapi upang kumita at mapalago ng higit
pa.
• Kaugalian ng paghahanap buhay o paggawa ng o pagbili
at pagbebenta ng mga produkto. Ito rin ay “anumang
aktibidad o negosyong pinasok para kumita”
I. IDENTIPIKASYON
______ 1. Pinaghalong impluwensiya ng mga katutubong tradisyon ng mga
unang mangangalakal at mananakop nito.
______ 2. Gawi o kasanayan ng isang pangkat ng lipunan, karaniwang
nagmamana ng bawat henerasyon sa sinundang henerasyon.
______ 3. Ito ay mga interes, opinion, pag-uugali, at oryentasyon sa pag-uugali
ng isang indibidwal, grupo, o kultura.
______ 4. Isang Austrian psychologist na ipinakilala ang termino sa kaniyang 1929
na aklat sa “The Case of Miss R.,
______ 5. Paghahatid ng kaalaman sa isang tao, na may hangaring mabuo ang
pareho ng intelektwal, nakakaapekto at moral na kakayahan.
II. TAMA O MALI

6. Ang kultura ang nagbuklod ang gumabay sa ating mga Pilipino.


7. Ang edukasyon ay ang paghahatid ng isang kaalaman ng isang tao.
8. Marami ang namamangha sa mga Pilipino dahil sa kaugalian na
taglay nito.
9. Ang edukasyon ay hindi susi sa matagumpay na kinabukasan.
10. Ang mga kababaihan ngayon ay walang Kalayaan na magtrabaho .

You might also like