You are on page 1of 26

Baitang

FILIPIN0-7
Unang Markahan
Gng. Arniza M. Blazo
Guro
Mga Pahayag
na Nagbibigay
Patunay
Ito ang mga pahayag na may
ebidensyang kinakabitan o datos
upang ang isang pahayag ay mas
kapani-paniwala o katanggap-
tanggap sa mga taong nakikinig
nagbabasa.
7 URI NG MGA
PAHAYAG NA
NAGBIBIGAY
PATUNAY
1. NAGPAPAHIWATIG -
Nagpapahiwatig ang tawag
sa pahayag na hindi
direktang nakikita,
nahahawakan o naririnig
ang ebidensya.
Subalit sa pamamagitan nito
ay nasasalamin ang
katotohanan.
Halimbawa:
Ang pagtulong ni Maria sa
mga nasalanta ng bagyong
Ulysses ay nagpapahiwatig na
si Maria ay isang
mabuting tao.
2. NAGPAPAKITA -
Nagpapakita o isinasaad
dito ang bagay na
pinatutunayan ay tunay at
totoo.
Halimbawa:
Si Maria ay naglalakad sa
daan nang may nakita siyang
matanda na nadapa,
tinulungan niya itong
makatayo.
Si Maria po ba ay nagpakita
ng magandang asal?

Opo! Si Maria ay
nagpapakita ng magandang
asal.
Si Ben ay laging nagtutulog-
tulugan kapag tinatawag
siya ng kanyang nanay
upang utusan.
Sa halimbawang ito si Ben
ay nagpapakita ng pagiging?

Tamad na bata
3. MAY DOKUMENTARYONG
EBIDENSYA.
-Ito ay ang mga patunay na
maaring nakasulat, larawan o
isang video.
Halimbawa:
Ang pagtulong ng ating
mga kababayan sa mga
nasalanta ng bagyong
Ulysses.
4. NAPAGPAPATUNAY O
KATUNAYAN.
-Ang mga salitang
nagsasabi o nagsasaad ng
paniniwala sa
ipinapahayag.
Halimbawa:
Kung ikaw ay tumatawa,
nagpapatunay ito na ikaw
ay masaya.
5. TAGLAY NA MATIBAY
NA KONKLUSYON
Ang tawag sa katunayang
pinalalakas ng ebidensiya,
pruweba o isang
impormasyon.
Halimbawa:
Hinahatulan ka ng hukumang ito
ng habambuhay na
pagkakakulong dahil sa salang
murder, pinagtibay dahil sa mga
ebidensiyang inihain sa korte
suprema.
6. KAPANI-PANIWALA
-Ito ay nagpapakita na ang
ebidensiya ay may
katotohanan at may
nakapagpatunay.
Halimbawa:
Totoong Nakita, Totoong Balita
7. PINATUNAYAN NG
MGA DETALYE
-Makikita mula sa mga
detalye ang patunay ng
isang pahayag.
Mahalagang masuri ang
mga detalye upang makita
ang katotohanan sa
pahayag.
Halimbawa:
Pinatutunayan lamang ng mga
Pilipino na sa kabila ng kahirapan
ay nagagawa pa rin na ngumiti.
BALIKAN NGA NATIN!
Ano-ano ang 7
mga pahayag na
nagbibigay
patunay?
1. Nagpapahiwatig
2. Nagpapakita
3. May Dokumentaryong ebidensya
4. Nagpapatunay o Katunayan
5. Taglay na matibay na Konklusyon
6. Kapani-paniwala
7. Pinatunayan ng mga Detalye
Maraming Salamat
sa inyong
Pakikinig!

You might also like