You are on page 1of 2

Mga Pahayag sa Pagbibigay ng mga Patunay

 May mga pahayag na ginagamit sa pagpapatunay ng katotohanan ng isang bagay.

 Makatutulong ang mga pahayag na ito upang tayo ay makapagpatunay at ang ating paliwanag ay
maging katanggap-tanggap o kapani-paniwala sa mga tagapakinig.

 Karaniwang ang mga pahayag na ito ay dinurugtungan rin na ng datos o ebidensiya na lalo pang
makapagpapatunay sa katotohanan ng inilalahad.

1. May dokumentaryong ebidensiya-

Ang mga ebidensiyang magpapatunay na maaaring nakasulat, larawan, o video.

Halimbawa:

Nakita sa CCTV footage ang pagnanakaw ng mga suspek.

2. Kapani-paniwala- ipinakikita ng salitang ito na ang mga ebidensiya, patunay, kalakip na ebidensiya ay
kapani-paniwala at maaaring makapagpatunay.

Halimbawa:

Kapani- paniwala ang kanyang sinabi dahil may mga ebidensya siyang inilahad.

3. Taglay ang matibay na kongklusyon- isang katunayang pinalalakas ng ebidensiya, pruweba,


impormasyon na totoo ang pinatutunayan

Halimbawa:

Taglay ang matibay na kongklusyon, napatunayan na siya nga ang may sala.

4. Nagpapahiwatig- hindi direktang makikita, maririnig o mahihipo ang ebidensiya subalit sa


pamamagitan ng pahiwatig ay masasalamin ang katotohanan.

Halimbawa:

Ang kanyang panghihina ay nagpapahiwatig ng kanyang pagkakasakit.

5. Nagpapakita- salitang nagsasaad na ang patunay ay direktang makikita, maririnig o mahihipo

Halimbawa:

Ang kanyang pagkapanalo sa kontest ay nagpapakita ng kaniyang pagsusumikap.


6. Nagpapatunay/ katunayan- salitang nagsasabi o nagsasaad ng pananalig o paniniwala sa
ipinahahayag.

Halimbawa:

Ang kanilang sertipiko at tropeyo ay nagpapatunay sa kanilang pagkapanalo.

7. Pinatutunayan ng mga detalye- makikita mula sa mga detalye ang patunay sa isang pahayag.
Mahalagang masuri ang mga detalye para sa makita ang katotohanan sa pahayag.

7. Pinatutunayan ng mga detalye-

Halimbawa:

Pinatutunayan ng mga detalye sa research na nakamamatay ang Covid- 19.

You might also like