You are on page 1of 2

KWARTER 1

ARALIN 1 – WRITTEN WORK

PANUTO: Sumulat ng dalawang talatang nagpapatunay na ang kwentong-bayan ay salamin ng


tradisyon at kaugalian ng lugar na pinagmulan nito.

GABAY SA PAGSULAT NG TALATA:


1. Lagyan ng angkop na pamagat ang talata.
2. Sa unang talata, ipahayag ang kahalagahan ng mga kwentong-bayan sa pagpapalaganap at
pagpapanatili ng tradisyon at kaugalian ng lugar na pinagmulan nito. Binubuo ito ng tatlo
hanggang limang pangungusap.
3. Sa huling talata, magbigay ng patunay na ang kwentong-bayan ay salamin ng tradisyon at
kaugalian ng lugar na pinagmulan nito sa pamamagitan ng pagtukoy ng halimbawa ng
kwentong-bayan at mga pangyayari mula rito. Gumamit ng tatlo o higit pang pahayag na
ginagamit sa pagbibigay ng patunay at salungguhitan ang mga ito. Binubuo rin ng tatlo
hanggang limang pangungusap ang talata.

Pamantayan Puntos

Nilalaman at Kaugnayan sa Paksa 5

Gumamit ng mga pahayag na 3


nagbibigay ng patunay

Nasunod ang mga pamantayan sa 2


pagsulat

Kabuoan 10

MGA MAAARING GAMITING PAHAYAG NA GINAGAMIT SA PAGHIHINUHA


Sa pagpapatunay ay mahalagang masundan ito ng ebidensiya o datos. May mga pahayag
na ginagamit sa pagpapatunay ng katotohanan ng isang bagay. Makatutulong ang mga
pahayag na ito upang tayo ay makapagpatunay at ang ating paliwanag ay maging katanggap-
tanggap o kapani-paniwala sa mga tagapakinig. Karaniwang ang mga pahayag na ito ay
dinurugtungan na rin ng datos o ebidensya na lalo pang makapagpapatunay sa katotohanang
inilalahad.
Narito ang ilang pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng patunay.

1. Mga Dokumentaryong Ebidensiya – ang mga ebidensiyang magpapatunay na maaaring


nakasulat, larawan o video.
2. Kapani-paniwala – ipinapakita ng salitang ito ang mga ebidensiya, patunay, at kalakip na
ebidensiya ay kapani-paniwala at maaaring makapagpatunay.
3. Taglay ang matibay na konklusyon – isang katunayang pinalalakas ng ebidensiya,
pruweba, o impormasyon na totoo ang pinatutunayan.
4. Nagpapahiwatig – hindi direktang makikita, maririnig, o mahihipo ang ebidensiya, subalit sa
pamamagitan ng pahiwatig ay masasalamin ang katotohanan.
5. Nagpapakita – salitang nagsasaad na ang isang bagay na pinatutunayan ay tunay o totoo.
6. Nagpapatunay/katunayan – salitang nagsasabi o nagsasaad ng pananalig o paniniwalang
ipinahahayag.
7. Pinatutunayan ng mga detalye – makikita mula sa mga detalye ang patunay sa isang
pahayag. Mahalagang masuri ang mga detalye para makita ang katotohanan sa pahayag.

Halimbawa:
● Pinatutunayan ng mga kuwentong-bayan tulad ng “Ang Munting Ibon” at “Si Pilandok at ang
Batingaw” na sumasalamin ang mga ito sa kultura at tradisyon ng mga Maranao.
● Ang kawalan ng respeto ni Lokes a Mama sa kanyang asawang si Lokes a Babay ay
nagpapakita ng paglabag sa pag-aasawa sa kautusan ng relihiyong Islam.
● Si Lokes a Babay ay isang babaeng may paninindigan, sa katunayan nagawa niyang iwan
ang kanyang asawa at mamuhay ng mag-isa.

You might also like