You are on page 1of 9

PANGANGATWIRAN, URI NG

PANGANGATWIRAN

Ayessa Mae Pancho Wendy Villena


Anjarose Osal Janelyn Gallo
PANGANGATWIRAN

Ito ay paraan ng komunikasyon na ginagamitan ng lohika upang


makaimpluwensiya o makahikayat. Nagmamatuwid tayo upang
mapaniwala natin ang iba sa katotohanan ng ating pananalig at kaalaman .
Dito’y nararapat na maging kapani-paniwala ang ating mga
pangangatwiran.
Mahalaga sa pagmamatuwid ang pagkakaroon ng katibayan o ebidensiya
na siyang magpapatunay ng katotohanan.
URI NG PANGANGATWIRAN

Pangatwirang pabuod (inductive reasoning) – nagsimula ito sa isang maliit


na halimbawa o katotohanan at nagwawakas sa isang panlahat na simulain.
1. URI NG PANGATWIRANG PABUOD:
Pag-uugnay ng pangyayari sa sanhi (Paugnay) – ito ay isang pahayag na ang
pangyayari ay bunga ng isa pang pangyayari.
Hal: a. Ang pagmamatuwid na kaya napabayaan ang mga anak ay dahil
iresponsable ang kanilang ama.
b. Naging matagumpay si Leah sapaagkat nagsikap siya sa buhay.
c. Nahulog ang bata mula sa sanga ng puno dahil hindi nakakapit ng mabuti.

B. Paggamit ng pagtutulad (Patulad) – Inilalahad dito ang magkaparehong


katangian ng dalawang tao, bagay, lugar, at pangyayari.
Hal. a. Ang pagmamatuwid na si Bb. Basiloy ay mahusay na guro sapagkat
ang kaniyang ina ay isa ring mahusay na guro.
b. Ang pagmamatuwid na si Alexis ay gwapo ay dahil gwapo rin ang
kaniyang ama noong kabataan niya.
c. Magtatayo ng kooperatiba ang ating unibersidad sapagkat
matagumpay ang kooperatiba ng ibang unibersidad.
C. Paggamit ng katibayan (Patibay) – Ito’y naglalahad ng mga
katibayan at patunay tungkol sa isang tao, bagay, o pangyayari.
Kailangang sapat ang mga katibayang babanggitin.
Hal. a. Nangako si Noel. Hindi siya mapakali habang nagsusulit. Sulat-
kamay niya ang kodigong nakita sa ilalim ng silyang kaniyang
inuupuan. May mga nakakita kay Noel na binuksan niya ang kodigo
b. Adik si Roman. Laging namumula ang kaniyang mga mata. Sa
tuwing kausap siya ay malayo ang kaniyang isinasagot na tila wala sa
kaniyang sarili. Natagpuan sa kaniyang silid ang mga kagamitan na
ginagamit sa kaniyang bisyo.
2. Pangangatwirang Pasaklaw (Decustive Reasoning) – ang ganitong uri ng
pangangatwiran ay tinatawag ding “silohismo” na kung saan ang isang katotohanan
ay iniuugnay sa isang sa isang tiyak na pangyayari. Ang silohismo ay binubuo ng PB-
Pangunahing Batayan, pb- pangalawang batayan, K- kongklusyon.

Uri ng Silohismo:
1.Tiyakang silohismo- binubuo ito ng tiyakang porposisyon.
Hal. a. PB- Ang lahat ng guro ay nagtuturo.
pb- Si Alfe ay guro.
K- Si Alfe ay nagtuturo.
b. PB- Ang mga kahoy ay nasusunog.
pb- Ang narra ay puno.
K- Ang narra ay nasusunog
2. Silohismong Kundisyunal- ito ay nahahanap sa isang kundisyon at
hinuhulaan ang mangyayari kung sakaling ang kundisyon ay
matutupad.
Hal. a. PB- Kung mag-aaral siyang mabuti, ibibili siya ng kompyuter.
pb- Nag-aral siyang mabuti.
K- Ibibili siya ng kompyuter.
b. PB- Kung magiging mabait na bata si Angela ipaghahanda siya
sa kaniyang kaarawan.
pb- Naging mabait na bata si Angela.
K- Ipaghahanda siya sa kaniyang kaarawan
3. Silohismong Pamilian- may pamimilian sa punong batayan (PB). Sa
pangalawang batayan (pb) ay isang proposisyong tiyakan na
nagpapatunay o nagpapabulaan sa isa sa dalawang pamilian.
Hal. PB- Alin sa dalawa, siya ay masipag o siya ay tamad?
pb- Siya ay masipag.
K- siya ay hindi tamad.
(patunayag na siya ay masipag)
PB-Alin sa dalawa, siya ay masipag o siya ay tamad?
pb- siya ay hindi masipag.
K- siya ay tamad.
4. Silohismong Entimeme- tinatawag itong pinakamaikling silohismo.
Hal. PB- Ang lahat ng aso ay tumatahol.
pb- Si bantay ay aso.
k- si bantay ay tumatahol.
(kahit ali sa bahagu ang aalisin ay mahihinuha pa rin ang bahaging nawawala)
PB- Ang lahat ng aso ay tumatahol.
Pb- Si bantay ay aso.
(Inalis ang konglusyon)
pb- Si bantay ay aso.
K- si bantay ay tumatahol.
(Inalis ang pangunahing batayan)

You might also like