You are on page 1of 6

PAGPAPAKITA NG TUNAY NA

PAGMAMAHAL SA KAPWA TULAD NG


PAGTULONG SA KAPWA
“Aanhin pa ang damo,
Kung patay na ang kabayo”
Isang katagang magpapatotoo
Sa kabutihan ng isang tao

Ang pagtulong sa kapwa


Ay isang mabuting gawa
Butihing pusong may awa
Upang ang iba’y guminhawa

Marapat na tulungan
Ang sinumang nangangailangan
Yaman lamang din naman
Na ikaw ay may kakayanan
Huwag lang sana mahuli
Ang tulong na nais ibahagi
Dahil imbis na mapabuti
Baka sa huli ay magsisi

Ang ugaling Mañana


Sa ating ninuno ay minana
Ang pagsambit ng mamaya na
Ay dapat nating iwasan na

Lagi nating pakatatandaan:


“Kung ano ang ating itinanim,
Ay siya rin namang ating aanihin”
S’yang tunay na ang pagtulong ay napakainam
Tungkol saan ang
binasang tula?
TAKDANG ARALIN:

BUMUO NG ISANG TULA


TUNGKOL SA PAGTULONG SA
KAPWA.

You might also like