You are on page 1of 9

Piliin sa pangungusap ang pang-abay na pamaraan na nasa antas na

lantay. Ilagay ito sa kahon.

1.Mabilis magsulat ng tula sa si Juliana.


2. Ang buong pamilya ay masiglang nagkukwentuhan habang
nanunuod ng telebisyon.
3. Ang mag-anak ni Mang Kanor ay tahimik na namumuhay sa
probinsiya.
4. Maingat na ibinalik niya ang mga alahas sa lalagyan.
5. Ang mga damit ay tiniklop ni ate ng maayos.
Basahin ang sumusunod na pangungusap .

a. Magkasinghigpit ang yakap ng nanay at tatay sa kanilang mga


anak bago sila umalis papuntang ibang bansa.

b. Magkasing-bagal kumilos sina ate at kuya kapag sila ay


inuutusan ng nanay.

c. Ako ay mas malakas kumain kaysa sa aking kapatid.

d. Ang aking lola ay mas magaling sumayaw kaysa sa aking tiya.


Pagsagot sa mga tanong:
1.Ano-ano ang mga pang-abay na pamaraan ang ginamit sa
pangungusap?
2. Ano ang pang-abay na pamaraan?
3.Paano ginamit ang pang-abay na pamaraan sa pangungusap.
4.Paano mo naman natiyak na ang mga pang-abay ay ginamit
sa paghahambing?
5.Ilang tao ang inihambing sa bawat pangungusap?
6.Anong salita ang idinagdag sa pang-abay kapag may
paghahambing?
Panuto: Piliin sa pangungusap ang pang-abay na pamaraan na nasa
antas ng paghahambing. Bilugan ito at ikahon ang salitang kilos.
1. Magkasingbilis umakyat sa puno sina Paulo at Alvin.
2. Si Lance ay mas masipag mag-aral kaysa sa kaniyang
kakambal.
3. Mas masarap kumain ng hinog na mangga kaysa sa hilaw.
4. Ang aking kaklase ay mas matiyagang gumagawa ng
aming proyekto kaysa sa akin.
5. Ang mga tao sa palengke ay higit na malakas sumigaw kaysa sa
mga nasa parke.
Panuto: Gamit ang mga salitang kilos at mga pang-abay na pamaraan,
Bumuo ng pangungusap at guhitan ang pang-abay na pamaraan na nasa
antas ng paghahambing,
Halimbawa:
mahina - magsalita
-Si Tony ay mas mahina magsalita kaysa sa kaniyang kapatid.
1. maglaba- maputi
_______________________________________________________
2. sigaw – pagalit
________________________________________________________
3. lipad – mataas
________________________________________________________
4. kumanta – nakakaaliw
________________________________________________________
5. lumangoy – malinaw
________________________________________________________
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang tamang pang-abay na ginamit sa
pangungusap.

1.Sa magkapatid na Ramon at Nestor, Si Ramon ang mas


____________ tumutulong sa kanilang mga magulang.
2. Magkasing_________ magluto ng menudo sina nanay at lola ko.
3.Higit na _______________ pumapalakpak ang mga bata na nasa hanay A kaysa
sa hanay B.
4. Si Lea ay mas _____________ maglakad kaysa sa kaniyang kaibigan na si Toni.
5. Ang aking kapatid ay mas _______________ makipagusap sa nakakatanda
kaysa sa kaniyang kasama.
Ano ang pang-abay na pamaraan na nasa antas na
pahambing? Kumpletuhin ang talata.
Ginagamit ang pang-abay na pamaraan na nasa antas ng
pahambing kapag __________________
pinaghahambing sa isatisa.
Ginagamitan ito ng mga katagang _________,
_________________ at ____________________.
Panuto: Tukuyin at isulat sa hugis puso na nasa ibaba ang pangabay
na pamaraan na ginagamitan ng paghahambing.
1.Higit na mabilis lumago ang puno ng manga sa harap-bahay kaysa
sa puno ng mangga sa likod-bahay.
2. Magkasingtakaw kumain ang daga at pusa.
3.Ang magkapatid na sina Ramon at Nestor ay magkasingtiyaga na
naglalakad papasok sa paaralan.
4. Ang alaga kong si Cali ay mas maingay tumahol kaysa sa kaniyang
anak na si Silver.
5. Si Leo ay higit na matuling tumakbo sa “Fun Run” kaysa kay Lea.

You might also like