You are on page 1of 15

Pagsasanay sa

Ritmo Gamit ang


Patpat
Mga Layunin:
⮚ Nakakalahok sa iba’t-ibang ritmo gamit ang patpat;
⮚ Nakatutuklas ng ibat’tibang kilos na ginagamitan ng patpat; at
⮚ Nakikisali sa masaya at kasiya-siyang mga pisikal na aktibidad.
Paunang Pagsubok
Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang tamang sagot at isulat ito sa patlang.

oras lakas daloy


ehersisyo bola ritmiko
__________1. Pagsasanay na ginagawa upang tayo ay malusog o malakas.
___________2. Tumutukoy sa maayos na galaw.
___________3. Tumutukoy sa magaan, mas magaan pinakamagaan o malakas,
mas malakas o pinakamalakas.
___________4. Tumutukoy sa mabilis, mas mabilis, pinakamabilis o, mabilis,
mas mabilis o pinakamabilis.
___________5. Ito ay bagay na maaaring gamitin sa pag-eehersisyo.
Balik-aral:
Batay sa napag-aralan ninyo ng
nakaraang leksyon, anong tawag sa
gawain na makatutulong upang
maipahayag ng isang tao ang kanyang
damdamin?
Ginagawa natin ang pag-eehersisyo habang
sumasabay tayo sa ritmiko ng isang musika
gaya ng oras, lakas at daloy nito na maaring
iugnay sa pagkilos ng ating katawan gamit
ang mga simpleng bagay tulad ng bola.

Maari rin tayong gumamit ng ibang bagay


tulad ng ribbons, hoop at iba pang sariling
likhang kagamitan.
Ang rhythmic routine ay gawain na makatutulong
upang maipahayag ng isang tao ang kanyang
damdamin. Ito ay nakakatulong upang mapaunlad ang
koordinasyon, panimbang at kalambutan ng
katawan.Kapag ang musika ay ginamit ito ay
nakatutulong sa ating katawan upang matugunan ang
ritmo na ating bibigyang pansin.

Tao- tumutukoy sa sarili, kapareha, at sa pangkat


Objects- tumutukoy sa ribbons, buklod, (hoops),
bola, tunog, at kapaligiran sa loob at labas.
Aralin:

Ano ang nakikita mo sa larawan?


Ano ang maari mong gawin sa
patpat?
Ang patpat ay ipinapalo sa
isa’t-isa upang makalikha ng
tunog. Ang patpat ay isa sa
mga kasangkapang
pangkamay.
Ito ang halimbawa ng paggamit
sa patpat:

Ano ang ginagawa ng babae sa larawan?


Tama! Siya ay naglalaro ng Siyato

Gusto nyo din bang maglaro


ng siyato?
Panuto: Maglaro ng Siato Gamit ang Patpat
Mga Hakbang:
1. Dalawang manlalaro ang maglalaban dito.
2. Kailangan ng bawat isa ang maikling patpat upang magsilbing pamato at
mahabang patpat para gawing panghampas nito.
3. Ang maikling patpat ay pumapagitna sa dalawang bato o home base at ang
unang maglalaro ay ihahagis ito pataas sabay hataw dito gamit ang mahabang
patpat hanggang sa maipalo palayo mula sa home base.
4. Ang na palayong patpat ay pupuntahan ng naghagis at uulitin ang unang ginawa.
5. Titigil lamang ito kung hindi natamaan ang kahoy habang nasa hangin. Ibabalik
ito ng manlalaro habang sumisigaw ng “siyato” pabalik sa home base. 6. Kung
hindi nakasigaw ng “siyato” ay uulitin nito ang paghagis at paghataw.
Panuto: Isulat ang Tama kung wasto ang ipinapahayag ng
pangungusap at Mali kung hindi.

_________1. Ang musika ay nakatutulong sa ating katawan


upang matugunan ang ritmo na ating bibigyang pansin.
_________2. Ang rhythmic routine ay di nakakatulong sa
pagpapahayag ng damdamin ng isang tao.
_________3. Ang patpat ay isang halimbawa ng bagay na
ginagamit sa ritmo.
_________4. Ang tao ang tumutukoy sa sarili, sa kapareha at
sa pangkat.
_________5. Hindi gumagamit ng anumang bagay sa
pagsasanay sa ritmo.
Ano ba ang ibig
sabihin ng ritmikong
ehersisyo?
Ang ehersisyo ay isinasagawa upang maging malusog at
malakas ang ating pangangatawan.

Maaaring mga ritmikong ehersisyo itong paulit-ulit na


ginagamitan ng bigat ng katawan, kaya o sistematiko o
maparaang mga ehersisyo o pagsasanay upang makamit
ang lakas at kayumian o kagandahan ng galaw.
Panuto: Lagyan ng () tsek ang kahon na
naaayon sa iyong ginawang kasanayan. Gawin
ito sa iyong kuwaderno.

You might also like